Chapter 29

219 11 6
                                        

Just His Girl
Chapter 29-It's official (part 1)

Twinkle's POV

"Ako na ang bahala sa kanila hija.", sabi ng nurse sa akin.

Nakatutok pa rin ang atensyon ko sa dalawang magkatabing clinic bed na hinihigaan nila Berry at Cherry.

"You have to go to the Principal's office. Report everything. Yung mga ganitong bagay di dapat to binabelwala lalo na kung may nasasaktan. Go ahead.",sabi nya at nginitian ako.

Tama. Bago magising tong dalawa ay kelangan ko ng tapusin ang kagaguhang to. Baka kung magpatuloy pa to makapatay na talaga ako.

"Thank you. Babalik po ako agad.",sabi ko at nagbow bilang paggalang.

Sa totoo lang, pinalaki ako nina Nana at Dada sa mabuting paraan. Di sila nagkulang sa mga pangaral sakin. Lumaki akong si Stann lang ang pinapatulan. Di ako palaaway. Mabait ako kahit di ako umiimik. Alam kong mabait ako kahit tingin nila ay hindi. Mas kilala ko yung sarili ko kaya sigurado akong mabuti ang kalooban ko.

Pero nalintikan ako eh, yung mga masasama yung kusang lumalapit sa akin. Yes, I am good but I'm not a saint. May hangganan din ang pasensya ko.

Naghagdan na lang ako kasi ayokong sumiksik sa elevator. Mas gugustuhin ko pang umiwas kesa magpatay malisya na lang. Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko ng gulo. Pero yung gulo parang attract na attract sakin. Tss.

Iniisip ko kung anong sasabihin ko. Kung paano ko sisimulan. At kung anong pwedeng mangyari sakin pagkatapos ng desisyon ko. Leche talaga. Kulang ang Sht, Damn, at Fck sa urge kong magmura.

Di pa ako gaano kasanay sa school na to pero dahil magaling ako sa mga direksyon at may photographic memory din ako kaya alam na alam ko kung san ang room na pupuntahan ko.

Lunch time na kaya wala na akong makitang estudyante sumugod na ata silang lahat sa cafeteria. Pero sana lang talaga maabutan ko pa yung taong kelangan ko. Tsk. Binilisan ko pa lalo hanggang nasa harap na ako ng mismong pinto.

Napalunok ako at napahinga ng malalim habang nakahawak sa doorknob. Sht. Grabe yung kaba ko. Susunod na yata akong isusugod sa clinic nito. Damn. Nanginginig pa talaga yung kamay ko kaya dinalawa ko na ang paghawak para may support.

No choice ka na talaga Twinkle. Dyosa ka lang tandaan mo yan. Di ka si Superman na kayang protektahan yung dalawa sa lahat ng oras kaya go na!

Paalala ko sa sarili ko para ma motivate or I must say ma pressure akong buksan na tong pintong nasa harap ko.

Ano mang mangyari ngayon bahala na talaga.

Napapikit ako habang dahan-dahang pinihit yung doorknob. Yeah. This is really the end.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay dahandahan kong minulat ang aking mga mata. Medyo nagulat pa ako nang makita syang nasa harap ko mismong nakapamulsa. Nanlaki yung mga mata nya na para bang nagulat at nagtataka. Sige mag-gulatan nalang tayo hanggang bukas! Tss.

Una akong nakabawi sa pagkagulat. Napatingin ako sa paligid. Confirm. Clear. Bale kami lang talaga ang tao ngayon sa room na to. Nabalik ang atensyon ko sa kanya nang bigla nyang hinaplos yung kaliwang pisngi ko. Bigla akong nakuryente. Yung kuryenteng di galing sa outlet. Yung kuryenteng galing talaga sa kamay nya. Naks! Aba! May secret power ata tong taong to. Dyosa lang ako pero wala akong super powers. Tch.

"Sino may gawa nito?",seryosong tanong nya na parang may halo rin ng pagkagalit sa tono ng boses nya.

Aish. Wag ako yung pagalitan nya ha?! Di ko sinampal sarili ko! Tss. Iniwas ko na lang yung mukha ko kasi wala na naman syang magagawa tapos na akong masampal at wala nang magbabago dun kahit mamatay pa sya sa galit ngayon. Di ko naman kasi alam na meron pa ring bakas ng pagkasampal ang pisngi ko. Sht. Iba na talaga kasi ang maputi. Sobrang puti. Tsk.

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon