Chapter 21

249 13 2
                                        

Just His Girl

Chapter 21- Knowledge

Twinkle's POV

"Twinkle, let's take a groufie na kasi.",si Berry na kanina pa ako kinukulit. Duh.

"Will you stop, Berry?", sagot ko sa kanya. Habang si Cherry ay kinukuhanan ata kami ng video.

"Cherry!",saway ko sa kanya.

"Eh ayaw mong magpapicture eh kaya video nalang. Say hi, Twinkle.", sabi ni Cherry habang nakatutok sakin yung phone nya.

Gracious! Bat ko ba hinayaang maging kaibigan ko tong magpinsan na to? Wait. Did I say 'kaibigan'? Well sila lang naman ang nakakalapit sa akin except sa dalawang lalaking parang mga kabute.

"Berry. React naman dyan.", si Cherry habang kinukuhanan si Berry.

Oo nga natahimik tong babaeng to bigla. I wonder why. Kaya napatingin din ako sa kanyang busy na busy sa phone nya.

"Wait. I can't. OMG!",sabi nya habang napatayo.

"Oy anong nangyari sayo?", si Cherry at tinigil na ang pagvivideo.

Tiningnan muna ako ni Berry at nginitian ng para bang may alam sya na di ko alam. Nakakatakot nga eh. Mas lalo syang naging weird.

"What?",tanong ko.

"My ship is sailing!",sigaw nya at pinakita kay Cherry ang phone nya. Nanlaki naman ang mga mata ni Cherry sa nakita. Okay. Ano ba kasing meron?

"I am so happy. Team ChaChi forever.", parang abnormal na tili ni Berry.

"Kagabi lang to pinost ah. So kahapon to nangyari?",si Cherry habang nag-aanalyse. So ako parang nawala o naging bula sa eksena.

"Excuse me. What is going on?",tanong ko at binigay sakin ni Berry ang phone nya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ng wala sa oras. Teka, panong nangyari to? Wait. My brain's still processing every detail.

Ang nasa photo kasi ng site na ito ay ang eksenang pinupunasan ko ng panyo ang basang pisngi ni Chino. This is a misunderstanding.

'The newest apple of the eye of WHS' heartthrob, Chino Sy.'

Yan lang naman yung caption. Parang nawalan yata ako ng energy. Bigla yatang bumigat ang pakiramdam ko. Kinuha naman ni Cherry ang cellphone ni Berry mula sa kamay kong nawalan ng energy.

"Wow. Just wow. Grabe yung mga comments ha. Tsk. Tsk.",si Cherry na nakatingin sa phone ni Berry.

"Ano bang mga sabi?",si Berry na kalmadong nakaupo lang. Syempre sa aming tatlo sya yung masaya sa nangyayari.

"Puro nega. Kesyo inaagaw daw ni Twinkle si Chino sa kanila. God!",si Cherry na nag-ikot pa ng kanyang mga mata.

WTF? Ako? As in ako? Di ko nga gustong malapit dyan sa Chino na yan tapos ako talaga?!

Magrereact na sana ako ng biglang naagaw ni Berry ang atensyon namin ni Cherry nang bigla syang napatayong padabog.

"What?! Sino yan?!",galit ata nyang sabi.

"Eh sino pa ba? Ang mga hard core fans lang naman ng Chino mo.",mataray naman na sagot ni Cherry.

Wait. So, may fans talaga yung perv na yun? For real? Seriously?

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon