Just His Girl
Chapter 31-
Happy's POV
Nagpalinga-linga ako. Clear. Kaya mabilis akong pumasok sa school gate. Feeling ko naman wala pa sya kaya ayos lang kung maglakad ako ng normal. Anak naman kasi ng kalabasa eh! Mas matindi pa ako sa isang kriminal na nakapatay ng aso sa may kanto sa pagtatago ko sa kanya. Hayy.
"Hey Happy!"
Nanigas ako. Lahat ng energy ko parang nawala. Sinungaling pala yung commercial ng Enervon sabi nila di ako mauubusan ng energy pero bakit narinig ko lang yung boses nya naubos agad. Tsk. Tsk.
Nasa likod ko sya. Uhmm. Lilingon ba ako o hindi? Lilingon?Hindi? 16 na ako. So, inilibas ko ang dalawang kamay ko.
Lilingon?Hindi.Lilingon?Hindi.Lilingon?Hindi.Lilingon?Hindi.Lilingon?Hindi.Lilingon?Hindi.Lili--
"What are you doing?",sabi nya habang nakahawak sa dalawang kamay kong ginagamit ko sa pagbibilang kanina.
Napatingin ako sa mga kamay nyang nakahawak sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras. Unti- unti kong inakyat ang paningin ko sa mukha nya. Naglakbay to sa mapula nyang labi, perpektong matangos na ilong hanggang sa makasalubong ko ang nakatitig nyang mga mata. Diretso syang nakatitig sakin.
DUG.TUG.DUG.TUGDUG.TUG.DUG.TUGDUG.TUG.DUG.TUG
Rinig nyo ba yun? Di yan bomba ha! Puso ko ata yan. Di ko alam kung bakit ang bilis at ang lakas lakas ng pagtibok nito. Dinaig pa yata ang nakalunok ng megaphone. Hala! Baka naririnig ni Stann yung pagtibok ng puso ko. Langya! Traydor ka puso ah! Di lang pala dyan nagtatapos ang momentum ko. Ang lakas makatiming eh! Teka san nanggaling ang background music?
~~Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you~~
Biglang huminto ang mundo ko. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga matang parang tinatawag ka na kahit anong gawin mong tanggi ay mapapatitig ka talaga.
"Ewww! That's too old na kaya. Why are you still make kanta of that like so old na!"
At dun nagtapos ang titigan session namin ni Stann kasi naagaw ng babaeng maarteng nagsasalita yung atensyon namin. Dalawa lang silang naglalakad.
"Bwesit ka! Sinira mo yung moment ko sa pagkanta. Shataapp! Favorite song ko kaya yun kaya wag kang ano dyan.", sabi nung babaeng kasama nya. Sa kanya pala galing yung background music namin kanina.
Sige, girl! Ipaglaban mo yan. Supporter mo ako dahil favorite song ko kaya yun. Hmp.
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Genç KurguNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.