Sinong exostans dito? Promote ko to ha?! Nabasa ko lang maganda kasi eh! Bakit Kris? yung title. Try mo. O click mo na lang yung external link hihi. Thanks!
Just His Girl
Chapter 4-Weird People
Nag iisip pa rin ako ng nagsalita ulit sya.
"Twinkle. Twinkle. Little star. How I wonder what you are.",pakanta nyang sabi. I took a deep breath. Ano ba tong ginagawa nya?
Narinig ko ang tawa nya. At nagtilian na naman ang mga babae kasi nga kumanta sya. Umalis na ako.
Nasa entrance na ako ng canteen. I am so lucky today. What the! At nagsisisi na akong lumabas pa ako ng room. Sana nag stay na lang ako dito. Kung kanina si Chino the Perv ang nakita ko ngayon naman ay makakasalubong ko pa ata si Terrence the anime guy.
What to do now Twinkle? Avoid him. Exactly. But how? Ilang steps na lang at nasa harap ko na sya. Ignore. Ignore. Yes! Naglakad na ako para maiwasan sya. Ilang inches na lang at magkakasalubong na kami.
Malapit na akong makalampas ng bigla nya akong hinawakan sa braso.
Ano na naman ba to? Kahit wala kaming ingay na nagagawa ay ramdam kong nasa amin ang lahat ng attention ng mga tao sa loob ng canteen kasi nga nasa malapit lang kami sa mismong entrance. Shit. Pero magaling ako sa pretending game. Expressionless face.
"Eat this. I don't like it.",sabi nya at may inilagay sa kamay ko. Sandwich. Yun lang at umalis na rin sya. Napatingin ako sa sandwich. Ang weird talaga nung Terrence na yun bat sya bibili kung di nya naman gusto?
Nawala na rin ang tension kaya naghanap na rin ako ng vacant table. May nakita naman agad ako. Saktong nasa pinakasulok naman to kaya perfect. Umupo ako kaagad. Kinuha ko yung chocolate drink na bigay ni Terrence kanina at yung sandwich na bigay din nya ngayon.
Nalibre nya na pala ako ng di ko napapansin. Tahimik na sana lahat ng biglang may lumapit sakin. Two girls. Pretty and kikay.
Umupo sila sa table ko. Napatingin ako sa kanila ng ilang sandali. Di masyadong katangkaran yung isa. Yung matangkad singkit ang mga mata nya at kulay itim ang mahaba nyang buhok. Yung isa naman smile ng smile pero di naman nakakasawa tingnan kasi bagay naman sa kanya. Para lang syang ewan kasi ngiti sya ng ngiti kahit wala namang rason. Maputi sila pareho.
"Hi Twinkle. I'm Cherry.",sabi nung matangkad.
"I'm Berry naman. Cousin ko sya.",sabi nya at inabot ang kamay nya para makipag shakehands pero di ko tinanggap. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Ah. Naririnig mo ba kami?",sabi ulit ng Berry. Ah oo nga pala nakaheadset pa rin ako pero wala ng music. Lowbat na kasi.
Nagheadset lang naman ako para malaman nilang di ako pwedeng istorbohin kasi nasa sariling mundo ko ako. Pero tong dalawang to ay nilabag yun. Di ata na gets ang meaning ng pagheadset ko. Slow.
"Welcome nga pala sa school Charina Twinkle Kim.",sabi nung matangkad at nginitian ako.
So trending na pala ako ngayon? Tss. Wala pa rin akong reaction kasi nga wala namang kakwenta kwenta ang conversation na to sayang laway at effort ko.
"Nakita ka naming tinawag ka ni Chino.",sabi nung Cherry.
"At hinawakan ka ni Terrence.",sabi naman nung Berry.
Boom! Sabi ko na nga ba. May gusto silang malaman kaya nilapitan nila ako. Para silang linta nakakairita.
"Tss. User.",kalmadong sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Liars go to hell. Ayoko namang mapunta sa hell kaya sinasabi ko ang nasa isip ko. Ayokong magsinungaling sa sarili ko. Nagulat sila.
"Di naman sa ganun. Ano ka ba.",si Berry halatang natatarantang mag explain. Tumayo ako. Ang ayoko sa lahat yung pinapakielaman ako. Papaalis na ako nang hinawakan ako ni Cherry.
Ang dami na atang nakahawak sa braso ko ngayon. Ang dami ko na atang germs.
"Just be careful Twinkle. You might start a war without knowing it.",sabi nya.
What? War? Nasan ang zombies? Tss. Marahan kong binawi ang braso ko at umalis nang tuluyan. Ano bang pinagsasabi nila? Pangalawang tao na si Cherry na nagsabing mag ingat ako.
Nice Twinkle. Wow. First day na first day ng school para na atang ang dami kong na experience. Malayong malayo sa mga iniisip ko. Iba na talaga kung sa actual na ang nangyayari mahirap kontrolin.
~~
Sina Cherry at Berry nga pala nasa side!
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.