Just His Girl
Chapter 18- #teamChaChi vs #teamTerrenKle
"Pinopormahan ka ba ni Chino? Nakita kasi kita kanina hinatid ka nya sa room.",si Berry na naghihintay ng sagot ko.
Lunch break kasi kaya kasama ko sila. Sinundo pa nga nila ako sa room ko para makasabay lang.
"Pinopormahan?",pag-uulit ko kasi di ako masyadong expert sa mga terms nila.
"Porma yung parang dinideskartehan ka nya.",sagot ni Berry.
Porma? Deskarte? For Pete's sake what do they mean? Parang galing yata ako sa nakaraan at napag-iwanan.
"Tsk. Mag-eexplain ka na nga lang Berry di mo pa magawa ng tama!",si Cherry.
Sumimangot naman agad si Berry at pinakaelaman nalang ang pagkain nya.
"What she meant is , kung may gusto ba sayo si Chino?",sabi nya. Napatanga ako sa tanong nya. Simple pero parang bomba.
"Ganun dapat magtanong Berry para madaling intindihin. Di yung parang mas mahirap pa sa Algebra yung tanong.",sabi nya habang nakatingin kay Berry na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin. Humarap sakin si Cherry.
"Oh ano na?",tanong nya sakin.
I really don't know what to answer. Di ko naman alam kung may gusto yung tao sakin. At di ko rin naman alam kung kelan icoconclude na may gusto nga ang isang tao sa akin.
"I don't know.",sagot ko at nagsimula ng kumain.
"Basta ako boto ako kay Chino. Gwapo, approachable, sikat, talented, at matalino. Team ChaChi ako.",biglang sabi ni Berry.
Napatingin kaming dalawa ni Cherry sa kanya.
"Charina Twinkle ang full name mo. Tapos kay Chino single word lang ang name nya. So, Charina+Chino=ChaChi.",explain nya habang ang hyper hyper.
Ah. Ang taas ng explanation nya. Pero. What?! Anong pinagsasabi nya?!
"Nonsense.",sabi ko. Akala ko nga sisimangot ulit sya pero ang lapad lapad ng ngiti nya.
"Team ChaChi for the win!",sabi pa nya habang pasubo.
Napailing nalang ako. Unbelievable.
"Ano ka ba Berry! Wag mo ngang ipagkanulo si Twinkle dyan kay Chino. Dahil sa lahat ng listahan mo nakalimutan mong ilagay ang salitang 'playboy'.",sabi naman ni Cherry.
Napaisip ako. Oo nga pinagtitripan nya lang ako dahil bago ako dito. Nagbabangayan pa rin silang dalawa ng mag vibrate yung phone ko.
1 New Message Received. Binuksan ko na ang message para mabasa baka kasi importante.
From: Forever Unknown
Good to see you having a great time with your new friends. Happy lunch,my Princess.Napatayo ako at nagpalingonlingon. Nandito sya. Pero wala akong makitang sign na sya ang isa sa mga taong nandito sa canteen. Bumalik lang ako sa katinuan nang tawagin ako ni Cherry.
"Twinkle, okay ka lang?",si Cherry na nakahawak sa braso ko.
"Sinong hinahanap mo?",si Berry. Napabuntong hininga ako at umupo.
"Wala.",sabi ko at inatupag na lang ang pagkain ko para di na sila magtanong pa.
Bumalik silang dalawa sa pinag-uusapan namin kanina. Nagbabangayan pa rin sila. Habang ako ay nag-iisip kung sino ba talaga tong taong text ng text sa akin di ko naman kilala. Wait. Replyan ko kaya?! Baka dahil di ako nagreply kahit once kaya di sya nagpapakilala.
Kinuha ko yung phone ko at nagtype ng pangreply ko sa kanya.
To: Forever Unknown
Who are you?Di man lang inabutan ng isang minuto ay nagvibrate na agad yung phone ko. Aba! Daming time. Di ata busy.
Reply: At last you finally replied. Soon you'll know my name, my Princess.
Tss. Lalo akong nainis kasi parang nagiging interesado ako na makilala sya. This is not good. Nilagay ko na sa bulsa ko ang phone para di na ko magkaroon pa ng rason na ma replyan sya.
Pero kahit sabihin kong ihinto ang pag-iisip kung sino ba tong taong text ng text sa akin ay di ko magawa. I need to stop this.
Tumayo ako. Kelangan kong magising.
"I'll go to the restroom.",paalam ko sa kanila, tinaguan lang nila ako kasi busy talaga sila sa pagbabangayan tungkol sa lovelife ko.
Napansin kong ang daming tao sa restroom na para bang lahat sila ay gagamit. Ang totoo ay tititigan lang naman nila ang mga mukha nila sa mga salamin at magchichikahan. Ayokong makisiksik doon kaya sa may malapit na lang ako sa football field. Para syang open sink para sa mga players. Walang tao kasi nasa canteen dahil lunch break.
I turned on the faucet and washed my face hoping that all the curiosity about the mystery person would just erased permanently.
Ginawa ko yun ng ilan pang beses para magising. Nang makontento ako ay kinapakapa ko yung bulsa ko para mahanap ang panyo ko. Shit. Nasa bag ko pala. Pano na yan?
May biglang humawak sa magkabilang balikat ko at pinaharap ako sa left side ko. Tumambad sa akin ang mukhang di mo aakalaing nag-eexist pala kasi akala mo na sa anime at manga mo lang makikita. Nakatitig sya sa akin. Di ko alam kung bakit di ko rin kayang umiwas sa titig nya.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang pinunasan ang kaliwang pisngi ko ng panyong dala nya. Di ko alam kung ano ang dapat kong ireact.
"Te-terrence.",wala sa sarili kong nasabi.
He gave me his oh-so- famous smirk again. Para syang walang narinig at pinagpatuloy ang ginagawa nya.
"Twinkle, don't be confused. Don't bother yourself on little things.",sabi nya sa akin.
Pano nyang nalaman na naguguluhan ako? Napakunot noo ako. Inayos nya ang mga hibla ng buhok ko.
"How could you be so beautiful even though you're struggling?",sabi nya.
Napalunok ako ng wala sa oras. Ano bang pinagsasabi nya?
"What?!",sabi ko.
"I-", di nya natuloy ang sasabihin nya sana ng may magsalita.
"God. I have my bet. Team TerrenKle is on fire.", parang baliw na sigaw ni Cherry.
This is my end. Goodbye peaceful life.
~Anong team ka? Utang na loob mag comment po sana kayo para malaman ko kung may progress ba ang story.
Si Terrence ang nasa multimedia.
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.