Just His Girl
Chapter 27- Unknown feelingsHappy's POV
Kasalukuyan akong nagtatago sa poste na malapit sa schoolgate namin. Hinihintay ko ang pagdating ni Stann. Nakadisguise pa nga ako. May matching malaking eyeglasses at wig.
Teka nga bat ba ako nagtatago? Kasasabi ko lang na nakadisguise ako so malamang di nya ako makikilala. Shocks ang talino ko talaga.
Umayos na ako ng tayo at hinahanda ang sarili sa pagdating ni Stann. Ang mission ko ngayon ay kunin ang dala nyang mga libro.
Tingin sa left. Tingin sa right. Wala pa talaga. Di na mapakali yung mga paa ko. Okay. Ang gagawin ko lang ay kunin ang mga libro at itakbo.
Hala yun na yung kotse ni Stann. Omghad. Lumabas na sya at papalakad na rin papunta dito. Pumikit muna ako.
Lord, sorry po talaga sa gagawin ko. Libro lang po ang nanakawin ko. Sana mapatawad nyo po ako, di ko naman po isasasangla, itatago ko lang po.
Napalunok ako ng wala sa oras. Heto na! Heto na! Wahhhh! Bumwelo na muna ako. Nakasalalay ang future friendship namin ni Summer dito.
Naglakad na ako pasugod kay Stann. Ang plano kasi may dala akong mga magazines tapos magkukunwari akong nagkabunggo kami tapos titilapon yung mga libro nya at magazines ko tapos kukunin ko na yung mga libro nya at tatakbo na. Mahal ko pa naman tong mga magazines ko pero mas mahal ko kasi yung mga manga ko kaya ito nalang ang ipapain ko.
Yan na. Dalawang hakbang nalang makakabangga ko na sya. Hoo.
"Tsk."
Aba. Yun lang reaction nya?
"Sorry. Sorry.", sabi ko at dali-daling pinulot yung mga libro nya. Ang bigat ng apat nyang libro. Huhu. Encyclopedia at dictionary ata to eh.Tatakbo na ako. Okay na sana eh.
"Hey! Those are my books. Hey!",sabi nya habang sinunsundan ako. Omgee.
Binilisan ko pa pero dahil ang tanga ng batong nakaharang sa akin ay natumba ako. Shocks. Ang tanga talaga ng bato di man lang tumabi o di kaya tiningnan kung may daraan ba. Nakadive na ako dito.
Pabangon na sana ako ng iharap ako ni Stann sa kanya.
Nagkatinginan kami. Yung mga mata nyang kulay light brown na para bang tinatawag at hinihigop lahat ng energy ko. Shet hypnotism ba to?
Bumaba yung tingin ko sa matangos nyang ilong pababa sa pulang manipis nyang labi. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang di ako makahinga. Inaatake ba ako? Doc help!
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
"Oh my pretty pretty boy I love you like I..never ever loved no one before you. Pretty pretty boy of mine say that you love me too."
Teka bakit may background music pa? At favorite song ko pa! Lalong bumilis yung tibok ng puso ko.Ano bang nangyayari?
"Your phone. Someone's calling.",sabi nya. Dun lang ako natauhan at bumalik sa katinuan.
Tinulak ko sya at dali-daling tumayo at kumaripas ng takbo.
"Hey! Hey!",sigaw nya pa pero di na ako lumingon pa.
Napaka epic fail ng mission ko. Huhu. Wala akong napala naiwan ko kasi yung mga libro nya. Huhu.
Huminto na ako sa may waiting shed. Hinubad ko yung wig at malaking eyeglasses na suot ko. Napaupo ako. Napaisip. Shet. Badtrip yun ah! Di nya naman ako nakilala diba?!
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Roman pour AdolescentsNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.