Just His Girl
Chapter 23-Stay awayChino's POV
Kararating ko lang ng parking lot. Nasobrahan kasi ng tulog at walang gumising sakin. Tss. Wala naman talaga silang paki kung anong mangyari sa akin. Ang ending tuloy ay afternoon class nalang ang maabutan ko.
Kabababa ko palang ng kulay itim kong lamborghini ng biglang may umatake sa akin at kwinelyuhan ako.
"What?",inis kong tanong at binitawan nya naman ako.
Inaayos ko yung kusot kong kwelyo. Tsk. Palibhasa di ikaw ang nagplantsa nito. Di rin naman ako pero effort yung labanderang iplantsa to eh. Aish.
"Stop messing around.",nagpipigil sa galit nyang sabi kaya napatingin ako ng diretso sa mga mata nya.
"You, stop messing around.",sabi ko habang dinuduro sya.
Inaano ba kita? Aish.
"I warned you. Pero ang tigas ng ulo mo.",medyo kalmado nya ng sabi.
Wala talaga akong alam sa pinagsasabi nya. Clueless na clueless. Ayoko namang magtanong kasi baka mas magalit pa sya. Masyadong maganda ang gising ko kasi mahaba ang tulog ko para patulan tong isang to ngayon.
May kinuha sya sa bulsa nya at walang ano-ano na tinapon sakin. Anak ng! Buti nalang talaga at maagap ako at nasalo.
Kapag to walang kinalaman sakin papatulan ko talaga sya.
"In case, di mo alam ang nangyayari ngayon.",sabi nya at sinenyasan akong tingnan ang cellphone.
Agad ko namang tiningnan. Napakunot noo ako. Kagabi pinost. Pero paanong? May tao pa pala non? Tsk.
"I told you before to stay away from her.",mariin nyang sabi.
Napatingin ako ng diretso sa kanya. Nagtiim ang kanyang mga bagang. So, naasar ka na sakin nyan? Terrence. Tsk. Tsk. Masyado kang halata pare!
Nginisihan ko sya. Maasar ka sana lalo, pikon!
"Ano bang paki mo? Labas ka naman dito.",kalmado kong tanong.
Kunot-noo nya akong tinitigan pabalik. At kung nakakamatay lang sana ang mga titig ay kanina pa ako nasa Emergency room ngayon.
"Di mo ba alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya? Pwede syang mapahamak dahil sayo. Di mo alam kung anong pwedeng gawin ng mga amazonang fans mo sa kanya!",pigil na pigil ang emosyon nyang sabi.
"And so?"
Mas kumunot ang noo nya at nakuyom ang mga palad nya. Naningkit ang mga mata ko.
"What?!",sya.
"Ano naman sayo?! Ako nga tapatin mo, ano ba si Twinkle sayo at kung makapag-react ka.",nang-aasar kong sabi.
Sige lang maasar ka lang Terrence para maamin mo sakin lahat lahat. Hahaha.
Kasi ako naaasar na talaga sayo.Natahimik sya at ako ay napasandal na sa kotse ko kasi nakakatamad tumayo ng maayos habang hinihintay syang magsalita ulit. Sana pala nagset ako ng time limit. Hay.
"Ano ba? May plano ka bang sagutin ako?! Bad trip ka!",naasar ko ng sabi. Baka malate pa ako nyan eh. Half day na nga lang ako.
"Ano naman sayo? Ano bang paki mo?! Labas ka naman dun.",sabi nya at nakakalokong ngumiti.
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.