Advance Merry Christmas! Sana magustuhan nyo po to kahit na medyo lame.
Just His Girl
Chapter 15-Threat
Summer's POV
"Tulala ka dyan. Ano iniisip mo?",si Sandy.
Nagising naman ako sa malalim kong pag-iisip.
"Ah.Wala.",sabi ko nalang. Kahit sa loob ko ay di pa rin ako mapakali. How could he make fun of me in front of the class?
"Sis, wag mong dibdibin yung mga sinabi nya kanina. Like duh! Kalimutan mo na yun. Erase. Erase.",sabi naman ni James.
Halatang nag-aalala na sakin tong dalawa kaya nagpilit akong ngumiti.
"I'm okay and so much fine. Ako kaya si Summer!",sabi ko at ngumiti.
"Bili muna kami ni James ng food natin ah.",paalam ni Sandy. Tumango lang ako at lumabas na sila.
Napasandal ako sa couch. Pinikit ko ang aking mga mata gusto ko sanang mag relax pero kahit anong gawin ko ay naaalala ko pa rin ang eksena kanina. Shocks. That bastard.
**
Nakatingin ako ng diretso sa harap kasi kararating palang ng teacher namin.
"Class, we will have an open discussion about a certain topic.You have to give your stand either you favor or oppose it. This will be part of your oral exam score.",sabi ng teacher namin.
"Yes."
"Okay let's start. Having rules in any institution is a must. Agree ir disagree."
I raised my hand.
"Ms. Madrigal.",sabi nya.
Tumayo ako.
"Having rules is a must in order for an institution to avoid any chaotic situations and survive. We all need standards to measure if a behavior is acceptable or not.",sagot ko.
Nag ok sign si James at nginitian naman ako ni Sandy. Umupo na ako. Pinalakpakan naman ako ng mga classmates ko.
"Great point of view, Summer.",compliment ng teacher namin.
One of my classmates raised her hand.
"I agree with what Summer stated earlier. Rules are needed to maintain peace and order."
Marami pang sumunod na sumagot na nasasama ang pangalan ko sa pagsagot nila.
"Summer has influential stand, huh?",puna ng teacher namin na nagpatawa medyo sa buong klase.
"Ok. Mr.Kim, what side are you?",sabi ng teacher namin kaya napalingon ako ng bahagya. Di ko inaasahan na magpaparticipate sya kasi napakasuplado. Halos wala nga syang kinakausap dito. Tumayo na sya. Tinapunan nya ako ng tingin bago sumagot. Bigla akong kinabahan. Nakatingin na sya ng diretso sa teacher namin.
"I'm against with what Ms. Madrigal said earlier. Rules are just an excuse to control other people. It is just an illusion to stop people from doing what they want. It is something that blocks our freedom.",sagot nya at umupo na.
"Miss I want to response to his statement.",sabi ko at tumayo. Umusog ako ng konti para makaharap sa kanya dahil ang seat nya ay nasa likuran ko kaya kelangan ko pa talagang umalis sa seat ko. Tiningnan ko sya na para bang walang ganang makinig.
"That's the main point of having rules Mr. Kim. It controls people's behavior that is unacceptable and evil that might harm others.",sagot ko.
Tumayo sya at nagsmirk.
"There's no concrete origin of standard principle of what is right and wrong. Humans are just the one who set it. It comes from the perception of the few and controlled the mindset of the majority. In an instance, when the Spaniards had set the polo y servicio among our fellowmen that rule made many people suffered to death. So tell me, Ms. Madrigal how can you convince me to agree with your stand now?",sabi nya sa akin.
God! Napalunok ako ng wala sa oras. Bat parang nablangko ako? Ang ingay pa nang mga tao dito kasi naamaze sa sinagot nya.
"Ah. The.. point..",nauutal pa talaga ako. Shit. Ano bang nangyayari sakin?
"There's no need to answer me Ms. Madrigal. What could I expect from someone who loves rules and to control other people? You will never see my point anyways. Narrow-minded people will never understand my stand.",sabi nya at mapang-asar na ngumiti.
Nag-uusok na ako. Gigil na gigil na ako. Kahit di man halata napahiya nya ako sa harap ng buong klase. Grabe.
Sasagot na sana ako nang biglang mag bell.
"The discussion was very interesting but time's up. Goodbye class.",paalam ng teacher namin.
Unti-unting nawala ang tensyon at nagsigalawan na ang mga classmates ko habang ako ay nakatayo pa rin at nakatingin sa direksyon ng halimaw na to.
Nilapitan ako ni Sandy.
"Calm down. Upo ka muna.",bulong nya sakin. Pinaupo nya na ako. Big deal na sa akin yung nangyari kanina first time kong mapahiya sa loob ng classroom at maubusan ng isasagot.
"So lame. I thought she's the smartest.",bulong pero rinig ko pa rin.
Ugh. Ang sarap manapak. Tumayo ako at tinitigan sya.
Nag smirk sya. Huminga akonng malalim at lumabas ng classroom. Masyado akong binebwesit ng lalaking yun ah! Oo,gusto kong pansinin nya ako pero di sa gantong paraan. He's a big threat.
**
"We're back."
Napamulat ako. Umupo na sa magkabilang tabi ko sina James at Sandy.
"San, do you think Kim would be a big threat for me?",tanong ko.
Napatingin sya kay James.
"He's very smart. Pero kaya mo syang talunin, ikaw pa!",si James.
Ngumiti ako. Di ako pwedeng di maging valedictorian apat na taon ko tong hinintay. Ito lang ang tanging paraan para mapansin ako ni dad at mom.
"Syempre makakabawi ka pa no! Sinwerte lang talaga si Stannley kanina.",si Sandy.
"Syempre.",pag-ulit ko.
Am I too shallow? Pero seryoso, ayokong masayang lang ang lahat ng pinaghirapan ko.
Narrow-minded,huh? Tsk.
Papunta na akong parking lot para makauwi na rin.
"Buti nga kay Summer. Napatameme sya kanina. Nakahanap na rin sya ng katapat!"
"Magiging valedictorian pa kaya sya nyan?"
Bigla ko tuloy naalala nung 1st year pa ako. Hindi ako nahihiyang sabihing gusto kong maging 1st sa lahat ng bagay. Sabi nila attention seeker at masyadong pabida daw ako. Ewan wala akong paki basta nakukuha ko yung gusto ko sa tamang paraan.
Huminga ako ng malalim. Kahit kelan di nila ako maiintindihan. I grew up with the environment that you should be the best to catch my parent's attention.
Naalala ko pa nung grade six ako. Pinapunta ko si Dad at Mom sa school dahil may Quiz Bee Competition ako. Okay na sana lahat nang di ko nasugatan yung huling tanong dahil na blangko ako. Kinabahan kasi ako nun. Isang puntos lang ang lamang ng kalaban.
"You have the guts to invite us to witness your defeat,huh? Wag na wag mo kaming maiistorbo kung di rin lang naman ikaw ang mananalo. We were just wasting our time here.Tsk.",sabi ni Dad.
Tumatak yun di lang sa isip ko pati na rin sa buong pagkatao ko. Kelangan gawin ko ang lahat at maging pinakamagaling para lang makuha ang atensyon nila.
Ang saklap ng buhay ko.
~Si Summer po ang nasa pic♡♥♡~
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.