Just His GirlChapter 34-Quiz bee
Stannley's POV
"God bless. Galingan mo.",sabi nya sakin. Is she cheering me or not? Parang di naman effective. Tch. Ang lungkot nang pagkakasabi.
"Are you sick? Ang sakitin mo.",sabi ko. Para syang lantang gulay, walang energy.
"Sick? Sakit? Hala! Grabe ka. Gusto mo yata akong magkasakit eh. Sige na nga lang sakitin na lang ako.", madrama nyang sagot habang may pa action-action pa sya sa mga kamay nya. Tss. Di ko mapigilang mapangiti. Ibang klase talagang mag-isip ang babaeng ito. Nagtanong lang ako pero ang dami nya ng sinabi.
I patted her head.
"Welcome back.",sabi ko na nagpatigil sa kanya.
I am wondering what weird things she's thinking again.
"Stann, okay ka lang?",tanong nya.
Huh? Of course! Napakunot noo lang ako.
"Kelan ba ako umalis? Di naman ako nangibang bansa ah. Tsk. Tsk. Yan kasi basa ng basa.",sabi nya habang may pa iling-iling pang nalalaman.
Pft. This girl is unbelievable. Yung imagination nya talaga masyadong malawak. Tsk.
"Tss. Just support me, okay?", sabi ko sa kanya habang hinawakan ang magkabila nyang pisngi at saka ngumiti. Yung pisngi nya kasi sobrang fluffy na parang ang sarap kurutin.
She stiffened. I raised my left eyebrow. Di ko alam kung ano na naman ang nangyayari sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang pumula yung mukha nya. May red button ba sya sa mukha na kapag nahawakan pumupula agad sya? Tch.
"Seriously, naka programmed ka bang mamula kapag nahahawakan itong mukha mo?",tanong ko habang mas pinisil yung magkabilang pisngi nya.
"Wag mo nga ako-"
Naputol yung sasabihin nya nang mas diinan ko pa ang pagkakahawak sa pisngi nya. Pfft. She looks like a fish. The cutest fish.
"Yah!",reklamo nya at hinawakan ang kamay ko.
Inirapan nya ako habang pulang-pula pa rin ang mukha nya. Pfft.
"Contestants, please settle down. We will start the competition after 3 minutes."
Binawi ko na yung mga kamay ko.
"Ayaw mo ba talagang maging kaibigan si Summer?",tanong nya. Di na sya namumula. So, may red button nga sa mukha nya.
"Do I really have to?",tanong ko rin sa kanya.
She smiled. But I think something's bothering her.
"I'll go ahead.",sabi ko at ngumiti.
"Hmm. Galingan mo. Fighting!",sabi nya at ngumiti rin.
Tinalikuran ko na sya para pumunta sa center stage. Papalapit na ako at napansin ko na kung sino ang mga nandito. There are eight chairs and mini tables. At ako nalang ang di pa nakaupo. Two meters away ang layo ng bawat contestant.
Papaakyat na ako ng mahagip ng mga mata ko si Summer na nakaupo na sa assigned table nya at nakatitig sya. Nakatitig sya sa bandang may likuran ko kaya pasimple akong lumingon. Wala lang, gusto ko lang malaman kung sino na naman ang pinagtitripan nya. Tch.
Napakunot-noo ako nang malaman kung sino ang tinititigan nya. Sa bandang likod ko kasi ay nandun nakapwesto si Happy. Nakaupo na si Happy at nakangiting kumakaway sa akin. Nginitian ko sya. Bumalik ang paningin ko kay Summer na di pa rin napuputol ang titig kay Happy. Nagtataka ako kung anong meron pero kung nagkataong si Happy ang bagong target nya humanda talaga sya sa akin.

BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.