Just His Girl
Chapter 28- Her other sideTwinkle's POV
"Princess, kung may umaway sayo wag mo na lang pansinin, okay? Pero kung umabot na sa point na nagkakasakitan na eh lumaban ka. Di ka namin pinalaki para saktan ng iba.",si Nana.
Napabitiw ako sa hawak kong kutsara't tinidor dahil sa sinabi nya. Di ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa sinabi nya. Paano nya nalaman? May alam ba talaga sila? Galit ba sila?
"Sweetypie, anong pinagsasabi mo? Napakarandom mo talaga.",si Dada.
Nakahinga ako ng maluwang ng marealize ko na posibleng wala silang alam sa nangyayari sa akin sa school. Ayoko kasing ma stress pa sila.
"Baka lang kasi inaapi sya dun. Binubully ganun. Yun yung mga nasa drama.",si Nana.
"Yan. Ang hilig mo talaga dyan sa mga drama. Oo. Artista tayo pero alam naman nating iba yung nasa mga tv at yung realidad diba, sweetypie?",si Dada na parang inaasar pa si Nana.
Akala ko nga rin po sa palabas lang pwedeng mangyari yang bully bully na yan pero di pala. Sht happens and boom I just realize that I'm the victim!
"Nana! Si Twinkle? Si Charina Twinkle Kim?! Ibubully?! That's impossible! Baka nga sila pa malintikan nitong kambal ko.",sabat naman ni Stann na nakangisi pa. Napatingin naman ako sa katabi nyang makakapal na mga libro. Anong trip nito sa buhay? Tch.
Sabi ko nga imposible yung mangyari eh pero posible pala. Tss. Ako pa nga yung nalintikan kuya eh!
"I'm fine Nana. Wala akong gagawin na di makakaproud sa inyo.",sincere kong sabi habang nakatingin sa mga mata nya.
"I love you, anak. Sige na kumain ka pa.",sabi nya ng nakangiti.
Yes. Di ko sila papatulan Nana. Ayokong mapahiya ka at papuntahin sa school dahil sa trip nila. Tsk. Tsk. Ako pang napeperwisyo sa kawirduhan ng mga tao dun sa skwelahan ko.
Pagkatapos naming kumain ay wala akong ibang naisip kundi paano ko na naman ba haharapin ang mga pwedeng mangyari sa akin bukas. Di rin mawala sa utak ko yung sinabi ni Chino. Leche. Bakit kasi wala man lang akong nasabi? Napatameme po kasi ako.
"Go out with me."
"Go out with me."
"Go out with me."
"Go out with me."Lintek na! Bakit di yun mawala sa isip ko? Ano ba kasing pumasok sa utak ng abnoy na yun? Nagpagulong-gulong ako sa kama ko para naman bumalik ako sa katinuan.
Pero napaisip ako kung yun lang ba talaga yung tanging paraan. At bakit sya galit sa sarili nya? Bakit parang nasasaktan sya ng sobra sobra?! At bakit napakachismosa ko?!
Napabangon ako at napasabunot sa sarili kong magandang buhok.
"Aish. Stop thinking about him. Stop. Just stop.",saway ko sa sarili ko.
Pati ba sa utak ko guguluhin pa rin ba ako ni Chino? Tsk. Tsk. Anong klaseng virus ba sya? Para makahanap na ako ng lunas agad agad.
Napahiga ako ulit. Nakatunganga ako at nakatitig lang sa kisame. Biglang nagflash yung mukha ni Chino. WTF? Tapos biglang ngumiti. Ano bang nakita ng mga babaeng fans nya sa kanya? Eh wala namang nakaka-amaze na bagay na tungkol sa kanya. Masyadong pacool kid at trying hard magpapansin plus masyadong pa cute. Tch. Tapos isang tingin palang malalaman mo na agad na playboy. What's so good about him?!
Napailing ako para matauhan pero walang kwenta kasi tumawa pa tong abnoy na si Chino. Sht. WTH is happening to me?
Di pa patay si Chino pero minumulto nya na ako. This is creepy. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at pinipilit na matulog. Kapag talaga sinundan pa ako nitong bwesit na multo ni Chino sa dreamland ko papatayin ko na talaga sya dun!
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.