No Other Way But Goodbye:
"Besh..." tawag ni Abby sa akin.
"Oh..." hinintay ko kung ano ang sasabihin ni Abby pero mukhang nag-aalinlangan siya? Ayaw kong magtanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Liam?
"Ahm...wala pala." Sagot ni Abby na nagpakunot sa noo ko. Tinawag niya ako tapos wala lang pala? Nakakapagtaka ata, ngayon lang nagkaroon ng hesitation si Abby na dumaldal sa akin. Madalas walang preno kasi ang bibig niya? Halata naman na may gusto siyang sabihin sa akin.
Okay, may bagay ba na ayaw niyang sabihin sa akin dahil masasaktan ako? Dahil kay Liam?
Mas pinili ko na lang ituloy ang ginagawa ko. Hindi ko pipilitin si Abbygail na magkwento sa akin. Pero aaminin ko nakaka- praning din na hindi man lang siya nagkusang magkwento sa akin. Madalas nahuhuli ko si Abby na nag- iiwas ng tingin sa akin. Pwede naman sana niyang sabihin na itutuloy nga ni Liam ang mag-jowa challenge nila ni Bettina. Iyon ba ang hindi niya masabi sa akin? Parang gusto kong magtampo sa kanya. Mag-bestfriends kaya kami.
Ayoko ko nang ganitong pakiramdam. Parang ewan. Ang bilis lagi ng paghinga ko. Hindi ko makontrol ang kaba sa dibdib ko. Parang tinu-tuliro ako ng katanungang gagawin ba ni Liam ang challenge o hindi?
Naramdaman ko ang pagbukas ng glass door, si Edward ang pumasok. Nakabalik na sila ni Jm mula sa labas.
"Nag-breaktime ka na?" Tanong ni Edward sa akin.
Pinilit kong ngumiti, "ten minutes pa, breaktime ko na. Anong oras ka uuwi?" Tanong ko. Biglang pumasok sa isip ko na mag- under time. Uuwi na lang ako, darating naman si Ms. Dana mamaya kaya may makakasama si Abby. Buo na ang desisyon ko magpapaalam na ako kay Liam. Magre-resign na ako sa Mosh. Ayaw ko nang ganitong sitwasyon. Sa huli talunan din ako. Mas maigi pang hangga't maaga ay sumuko na ako. Iiwas na lang ako, mas madali iyong gawin kesa tikisin ko ang sarili ko. Sa huli wala akong choice kundi ang mag-move sa katangahan kong mahalin si Liam. Umasa ba naman ako sa imposible? Haysst..nakakaloka lang.
"Maya-maya uuwi na rin ako." Sagot ni Edward. "Ang totoo namiss lang talaga kita kaya ako nagapunta dito. Hindi dahil kay Bettina, promise!" Napatanga naman ako sa sinabi ni Edward. Kaya lang siya pumunta dito dahil na-miss niya ako? Nahihiya akong kiligin dahil nakakahiya sa kanya, pagkatapos ng ginawa ko sa kanya ang unfair lang kung kikiligin ako. Kaya pinilit kong itago ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi ang complicated ng love? Minsan ang hirap talagang intindihin ng puso. Minsan di mo mahal ang taong nagmamahal sayo, at ang mahal mo ang taong ayaw naman sayo.
"Besh..."tawag ko kay Abby. Paraan ko na rin ito para umiwas sa tingin ni Edward. "Okay lang ba kung mag-under time ako? Darating naman si Ms. Dana mamaya."
"Ha? Bakit masama ba ang pakiramdam mo besh?" Nag-aalalang tanong ni Abby sa akin pero kita ko ang duda sa mukha niya. "Yung totoo besh ano ang dahilan mo? Bakit ka mag-a-under time?" Urirat sa akin ni Abby.
"Medyo hindi okay ang pakiramdam ko, eh." Dahilan ko. Sasabihin ko na ba sa kanya ang plano kong mag-resign na ako sa Mosh? "Besh, baka magre..."
"Ano ka ba besh, may dinner tayong lahat mamaya kasama ang team nina Bettina, sabi ni Liam." Pagpigil sa akin ni Abby. Gusto kong mabugnot sa kanya. As if naman mag-eenjoy akong makipag- dinner sa kanila. Lalo lang ako nakaramdam ng pagka-irita. Akala ko pa naman kakampi ko si Abby?
"Hindi na besh, masama talaga ang pakiramdam ko." Tanggi ko. Buo na ang desisyon ko. Last day ko na ngayon, babalik na lang ako sa ibang araw para dalahin ang resignation letter ko effective immediately.
"Ganun ba? Sige besh...pahinga ka na lang muna. Magpaalam ka na lang kay boss." Sabi sa akin ni Abby.
"Edward okay lang, sasabay na ako sayo pag-uwi?" Tanong kay Edward. Baka kasi may ibang lakad pa siya?
"Oo naman Hugs...kahit saan, kahit kelan sasamahan kita." Sabi ni Edward na nagpakabog sa dibdib ko. Kung hindi ko sana nakilala si Liam, sigurado akong mamahalin ko siya sa paraang dapat para sa kanya. Kaso ang puso ko na kay Liam.
Ngumiti ako kay Edward, "magpapa-alam lang ako kay Sir Liam."
Mabigat ang pakiramdam ko habang papasok ako sa staff room kung saan naroon din ang office ni Liam. Last day ko na ngayon kahit hindi pa naman talaga ako nakakapag-paalam, sigurado na ako sa desisyon ko.
Napasukan ko sina Liam at Bettina na nag-uusap habang may tinitingnan sa laptop. Aatras dapat ako pero huli na, napansin na nila ako kaya nahinto sila sa pinag-uusapan nila. Napalunok ako, na-istorbo ko ata sila? Hindi nakaligtas sa akin kung gaano sila kalapit sa isa't- isa habang nag-uusap. Halos magdikit na nga ang mga braso nila. Tumingin sandali sa akin si Bettina pero binalik din niya kaagad sa monitor ng laptop ang mga mata niya. Nakatingin pa rin sa akin si Liam, bahagya siyang lumayo kay Bettina.
Hindi naman niya kailangang gawin iyon. Okay lang, last day ko naman na ngayon bulong ko sa isip ko. Hinding- hindi na ako magpapakita, hinding na kita makikita pag-a-alburuto ng puso ko.
"Sir, mag-a undertime sana ako. Naka-usap ko na si Ms. Dana, okay lang daw sa kanya basta papayag kayo." Deretso kong sabi na halos hindi humihinga. Gusto ko nang makaalis sana kagaad. Pakiramdam ko ang sikip-sikip ng paligid at hindi ako makahinga.
Tumayo si Liam at lumapit sa akin. "Hugs, okay ka lang ba?" Hahawakan sana ni Liam ang noo ko pero umiwas ako. Napahiya ata si Liam sa ginawa ko, hindi ko alam kung imagination ko lang ang nakita kong lungkot sa mukha niya.
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko, if okay lang mag-a-undertime na lang ako?" Inulit ko ulit ang sinabi ko kanina.
"Sige...kung masama ang pakiramdam mo, ihahatid kita pauwi."
Hindi ko ini-expect na sasabihin yun ni Liam. Napatingin ako kay Bettina na nakatingin din pala sa amin ni Liam.
"Hindi na kailangan," tanggi ko sa alok ni Liam, "sasabay na lang ako kay Edward."
Naramdaman ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Liam. Tumingin ako sa kanya, nakatingin kami pareho sa isa't-isa. Kita ko ang pagtiim-bagang ni Liam.
"Ikaw ang bahala..." sabi niya saka tumalikod sa akin para bumalik sa pwesto niya sa tabi ni Bettina.
Tumalikod ako para pumunta sa locker ko para kunin ang gamit ko.
Hindi na ako lumingon para magpaalam kay Liam nang lumabas ako ng staff room.
Hindi ko naman kailangang umiyak pero pakiramdam ko iiyak ako kapag hindi ko binilisan ang lakad ko palayo sa Mosh.
Written by: mikzylove
My work is not perfect please be kind.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...