Confusing Franco:
Napahawak na lang ako sa namumula kong pulsohan nang bitiwan ako ni Franco. Bumakat kasi dito ang higpit ng hawak niya.
Lahat ng nasa classroom namin ay napatingin sa amin nang bumalik kami na magkasama.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Franco nang hilahin niya ako pabalik dito. Ayaw kong mag-usap pa kami nang matagal. Para wala na lang gulo. Hindi na ako makakasunod kina Hugs at Abby sa Mosh.
Hindi pa daw kasi tapos ang meeting namin, sabi ni Franco. Pakiramdam ko nananadya lang siya para hindi ako makapunta kay Liam. Tsssk, erase! erase! Mahirap mag-assumed. NO choice, umupo na lang ako at nakinig sa usapan nila.
"Babe..." Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Eunice. Hindi ko na lang siya tiningnan. "Magpapabili ako ng coffee, you want some?" Malambing na tanong nito.
"Huwag na, I'm not in the mood for a coffee drink right now." Sabi ni Franco na busy sa binabasa niya. Hindi man lang tumingin kay Eunice.
Lihim akong natawa. Coffee pa more babe!
Babe pala ha!?
Let's see babe, baka hindi naman kasi coffee ang gusto ni Franco?
I took a deep breath. Kailangan ko ng konting lakas ng loob para gawin ang naiisip ko.
Pasimple kong binunggo ang tuhod niya ng tuhod ko. Kunwari busy ako sa binabasa ko rin. Naramdaman kong napapitlag ang hita niya ng dumikit bahagya ang hita ko sa hita niya. Ramdam ko ang init ng balat niya kahit pa nga may suot kaming pants. Wala siyang reaksiyon bukod sa pagpitlag niya kanina. Hindi man lang niya iniiwas ang hita niya sa hita ko. Napatawa ako ng lihim. More, Rylle, more! Pumaling ako palapit sa armchair niya. Sumandal ako ng konti at ipinatong ang braso ko dun kaya naman nagdikit ang mga braso namin. Ramdam ko rin ang init ng braso niya. Narinig ko ang paghinga niya ng marahas. Pero hindi naman niya inilayo ang braso niya sa braso ko. I can do more, pasimple kong ikiniskis ang hita ko sa hita niya. Pinapawisan ako sa kalokohan ko, pero nakatulong pa nga ata yun dahil umaalingasaw ang cologne ko dahil sa pag-init ng katawan ko.
"Tsssk..." Narinig kong pumalatak si Franco. Kinabahan ako. "You're hot, Ro. Be careful, baka hindi mo kayang panindigan!" Mahinang bulong ni Franco. Tumulay ang init sa mukha ko. Nag-init ang tenga at mukha ko. Shaakkss! Nakakahiya! Maigi na lang mahina lang ang pagkakabulong ni Franco at mukhang ako lang ang nakarinig.
"Kayong lahat...ano ginagawa nyo pa dito? Hindi nyo ba alam na kanina pa napakalakas ng buhos ng ulan? Kabi-kabila na ang baha." It's Sir Cauillan, ang supervisor ng school security.
"Hala sir! Wala naman po kasing balita ang Pag-asa." Hirit ng taga group 1.
"Huwag nyo nang sisihin ang Pag-asa.Magsi-uwi na kayo dahil baka abutan pa kayo ng baha." Si Sir Cauillan pa rin.
"Call Manong Ando na kuya, let's go home." Sabi ni Loisa kay Luis. Kaagad namang kinuha ni Luis ang cellphone niya at tinawagan ang driver.
"Sumabay ka na sa akin. I'm sure mahihirapan lang mag-commute ngayon." Aya naman ni Roco kay Ysang.
Napatingin ako kay Franco pero nasa group 1 na siya at kausap si Eunice. Wala naman kasing sasakyan si Eunice kaya I'm sure si Franco ang maghahatid sa kanya.
Ako lang pala ang walang masasabayan. Pakiramdam ko out of place ako. Kahit ang ibang taga group 1 ay may mga kasabay pag-uwi. Ako lang talaga ang walang masasabayan. Hindi naman kasi ako kasing yaman nila na may mga driver. Yung kotse ni papa nandun lang at nakatengga sa garahe.
Kesa magmukhang kawawa tahimik kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Madilim na rin pala ang paligid. Napakalakas pala talaga ng buhos ng ulan.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...