Chap.19.Broken Hearted Me

3.3K 163 17
                                    

Broken Hearted Me:

Nagreply ako kay Franco kahit nanlalabo ang mata ko, kasi naman naiyak pa rin ako: Hindi ako papasok today. May pupuntahan kami ni mama.

Wala na akong maisip na idadahilan pa.

Nagreply naman kaagad si Franco: hala! paano mamaya? Ro, I want you to be there, It's my birthday. :( Ro, susunduin kita mamaya, ah.

Tumatawag si Franco pero hindi ko sinagot.

Nagreply na lang ako: uuwi din naman siguro kami kaagad ni mama. pupunta ako, promise! :) Huwag mo na akong sunduin. Me na lang ang pupunta para di kana maabala. Happy Birthday ulet!

Nagreply ulit si Franco: please, Ro. pupunta ka, ah. Text mo lang ako susunduin kita. :)

Hindi na ako nagreply. Nagmukmok na lang ako sa kwarto ko. Hindi rin ako nagbreakfast. Wala akong gana.

Nagmessage alert ulit ang cellphone ko. Akala ko si Franco pa rin. Pero si Hugs pala: Bessh...absent ka?

Nagtext din si Abby: Hindi ka papasok besh?

Nireplyan ko sila pareho: may lakad kami ni mama

Sa totoo lang ang bigat sa dibdib na nagsisinunghaling ako sa kanila.

Nag-message si Abby: hala bday ng jowa mo db?

Nagmessage si Hugs pero hindi na sa text, sa messenger na. Sa group chat naming tatlo.

Hugs: bessh yung totoo? don't us...asan ka? para que naging kaibigan mo kami, debah?

Abby: oo nga!? bessh...asan ka!? Pupuntahan ka namin.

No choice ako. Kailangang magsabi ako sa kanila ng totoo.

Me: haus lang ako. masama pakiramdam ko. huwag na kayong pumunta. baka makahalata si franco. sabi ko may lakad kami ni mama

Hugs: hala bday ni fafa Franco nga pala today!? Besh...ano plano mo!?

Abby: kaya nga eh...sad..pero ngayon yung plano nila! anong gagawin mo? ininvite ka ba niya? may party ba siya?

Me: yes!

Abby: attend ka!?

Hugs: kaya nga!? aattend ka ba?

Me: bahala na!

Hugs: hala pano yan!?

Nagpaalam na sina Abby at Hugs kasi dumating na daw ang first subject teacher namin. Ininform pa ako ni Hugs na magkakasabay dumating sina Franco, Sean, Bryan at Eunice.

Hindi na ako nagreply. Nagbalot na lang ako ng comforter at pumikit.

Aaminin ko naduduwag ako. At aaminin ko isang malaking pagkakamali na sinakyan ko ang kalokohan nila. Dapat pala hindi.

Kung kelan naman gusto kong huminto ang oras saka naman parang ang bilis bilis nito.

Nag-message alert ang cellphone ko.

Hugs: besh open mo messenger mo may senend ako dali

Kinabahan kaagad ako.

In-on ko ang wifi ko. At inopen ko ang messenger ko.

Nagsent ng video si Hugs. Naviewed na ito ni Abby.

Yung kaba ko subra. It's just 12 seconds. Twelve seconds para gunawin ang mundo ko.

Si Bryan at Franco ang nasa video. Medyo hindi nga maayos ang pagkakavideo sa kanila. Medyo magulo din ang audio pero kahit paano maiintindihan mo pa rin.

PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon