What If:
"What if? What if yung totoo, may feelings naman pala talaga sayo si Fafa Franco, besh? What if hindi pala ito dahil sa pustahan lang?" It's Hugs.
Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ako nag- react.
"What if meron nga? Alam mo for the first time in history, ngayon lang ako mag-aagree kay Hugs. Feeling ko may gusto nga sayo 'yang si Alcantara, besh." Si Abby. Yung sinabi niya, napatingin at napatanga na lang din ako sa kanya.
Yes, for the first time in history ngayon lang sila nagkasundo ng opinion. How ironic kasi hindi ako agree sa kanila. Pero hindi ako sumagot. Tahimik lang ako.
They're making conclusions base sa mga kinuwento ko sa kanila na mga ganap namin ni Franco.
I can't blame them kung yun ang maisip nila. Kahit ako din naman. Magiging plastic ako kung sasabihin kong hindi ko naisip na what if may feelings sa akin si Franco?
Pero obviously humuhopia lang ako.
Ang lahat ng what ifs ay inalis ko na sa isip ko. Dahil sigurado akong ang lahat ng ito'y sa putahan lang.
I was going to AV Room dahil kukunin ko ang visual aid na gagamitin ko sa report ko.
Then I heard them talking...
"Oh my! As in? May pustahan talaga? Akala ko pa naman, tsssk! Poor Rylle all this time akala niya love life na yun pala it's a big joke!" It's China, kilala ko siya. Kaklase namin nina Franco.
"Kaya nga, I really don't believe na iiwanan ni Franco si Eunice at ipagpapalit kay Rylle, as in duh?!! Si Franco magkakagusto sa gay?" It's Aiyesha, kaklase din namin.
Actually lahat silang nag-uusap ay classmates namin ni Franco.
Maigi na lang hindi nila ako napapansin na nasa may pintuan na ako. Tuloy lang sila sa kwentuhan.
"Sure ka ba Steff? As in? Paano mo naman nalaman yan?" It's Yara.
"Of course, I'm very much sure. Even Mandy can testify to it. We visited Eunice sa hospital di ba? We heard them. Franco, Bryan and Sean pinag-uusapan nila ang tungkol sa pustahan. They don't care nga kung naririnig namin sila eh. As if wala lang. Bryan and Sean asked something about pa nga sa birthday ni Franco? And he agreed with it...I'm not sure eh, pero I guess my plano sila sa mismong birthday ni Franco." It's Steff.
"Yeah, It's true, how pathetic Rylle is! Napaglalaruan siya ng di niya alam. Stupid!" It's Mandy.
Natawa na lang ako. As if hindi ko nga alam, noh? Tsssk! Sarap sanang sugurin ng mga hinayupak at pagsasampalin pero masisisi ko ba sila? Totoo naman ang sinasabi nila na pustahan lang talaga ang meron sa amin ni Franco.
Umalis na lang ako. Hindi ko na kinuha ang dapat kong kuhanin. Sarap sanang isupalpal sa mga mukha nila na alam ko ang totoo. Na hindi ako napaglalaruan. Napaismid ako, sayang naman ang plano nina Franco, parang excited naman akong malaman kung ano ang pakulo nila? Tama si Liam. As in sa birthday pa niya? Ano 'to eksena sa pelikula? As if papayag daw ako? Never!
Napailing na lang ako kina Hugs and Abby. Ayaw ko nang ikwento sa kanila ang narinig ko sa AV room, sa akin na lang iyon.
"Kayo talagang dalawa, hindi ba kayo nagsasawa? Halos mag-iisang buwan na nating isyu yan. Hintayin na lang nating matapos. Ilang araw na lang kaya. Alam nyo ako, from the bottom of my heart..." Huminga muna akong malalim.
Masakit din naman sa akin 'to. Pero ito kasi ang totoo. They don't care if maririnig sila nina Steff at Mandy. Hindi man lang talaga naisip ni Franco na mapapahiya ako.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomantikA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...