Doubt:
Umiling si Franco, nanginginig ang mga labi niya. "Hinding hindi ako papayag na mahulog ka sa bangin love, kapag nangyari yun sasamahan kita. Dalawa tayong mahuhulog sa bangin. Iiwanan ko siya para makasama ka. Iniwan ko siya para makasama kita."
"Pero iniwan mo ko...iniwan mo ko." Sumbat ko.
"Sorry, hindi na kita ginising para makapag-paalam kasi ang himbing ng tulog mo. Alam kong napuyat ka kasi nag-aalala ka kay Mama. Gusto ko sanang makapagpahinga ka, love. Tumawag ang daddy ni Eunice, sinabi niya ang balita. Hindi niya alam na hiwalay na kami. Nagi-guilty ako love, alam kong ginawa yun ni Eunice dahil sa akin. God knows, ayaw kitang iwanan kanina. Pero umiiyak si Tito, pumunta ako dun para sabihin sa kanya ang totoo...kahit takot na takot ako, love. Baka ako ang sisihin nila dahil sa ginawa ni Eunice. Pero kailangan kong pumunta, hindi para kay Eunice, kundi para sa ating dalawa. Gusto kong tapusin ano man ang nag-uugnay sa amin. Kailangan kong sabihin sa parents niya na wala na kami. Na may mahal na akong iba. Dadalahin nila si Eunice sa Switzerland, dun na sila titira. I hate Sean kasi hindi niya sinabi kaagad sa akin na tumawag si Hugs, subrang bwesit ang phone ko kasi dead batt, love. The moment na malaman ko kay Lola Claire dahil tinawagan niya ako, God knows kung gaano ko gustong makarating kaagad sayo. Umalis akong walang paalam sa parents ni Eunice. Gusto kong maakap kita kaagad, love. Sorry...sorry talaga." Tuluyan na akong inakap ni Franco. Hindi ako makapag salita. Hindi ko alam kung ano ang sadabihin ko? Masyado pa ring masakit ang mga nangyayari ngayon.
"Rylle, hija..." boses ni Lola Claire ang umagaw sa atensyon namin ni Franco. Kitang kita ko sa mukha ni Lola Claire ang subrang pag-aalala. Mahigpit na inakap niya ako.
"Lola..." hindi ko napigilan ang humikbi.
"We're here for you hija. What happened was really heart breaking, be strong. Your Tita Yvonne will be here later kasama ang tito Francis mo. Franco you should take care of Rylle, huwag mo siyang pababayaan." Gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Lola Claire. Sa kabutihang pinakita niya sa akin mula nang una kaming magkakilala ay talagang itinuring ko na siyang para kong tunay na lola.
Naging mas mahirap sa akin ang mga sumunod na oras. Nang iuwi nila si Mama para sa lamay pakiramdam ko gusto ko na ring maglaho sa mundo. Masakit man pero kailangan kong harapin ang katotohanan. Mas masakit dahil walang linaw ang ginagawang pag-iimbestiga ng mga pulis. Walang lead sa mga kriminal.
May mga ilang kamag-anak daw namin ang bumisita pero isa man sa kanila ay wala akong kakilala. Sa totoo lang nabuhay kami ni Mama na kami lang dalawa. Ngayong wala na siya hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala siya? Hindi naman natatapos sa pag hinga lang para ka mabuhay di ba? Hindi lang yun ang kailangan, kailangan mo ng karamay, ng kasama.
Unintentionally, napatingin ako kay Franco. Nakatingin din pala siya sa akin. Magkalayo kami kasi naki-usap ako sa kanya kahit kina Hugs, Abby at Liam na gusto ko munang mapag-isa kahit pilit nilang gustong samahan ako.
Nag-iwas kaagad ako ng tingin kay Franco, ayaw kong makita ko sa mukha niya ang awa para sa akin.
Nilapitan ako ni Lola Claire dahil gusto nya akong maka-usap. Siya ang tumayong tagapayo para sa mga dapat gawin. Kina-usap niya ako para sa plano sa lamay ni Mama.
Napagdesisyonan kong ipa- cremate si Mama. After two days na pinaglamayan siya sa bahay namin.
"Mama...mama." Umiiyak ako habang mahigpit na akap ang memorial urn ni Mama. "Mama paano na ako? Mama, miss na kita subra." Paulit ulit kong iyak.
Pinakamahirap sa lahat ay nang kinailangan ko nang iwanan ang urn ni Mama sa memorial chapel. Isa pa sa pinakamahirap ay nang kailangan ko nang umuwi sa bahay namin.
Hindi ko alam kung paano magsisimula?
Hindi naman ako iniwan ng mga kaibigan ko. Kahit si Franco ay laging nasa tabi ko habang pauwi kami sa bahay.
"Besssh..." Si Abby. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. " Nandito lang kami, don't forget that."
Tumango lang ako. Kahit pilitin kong ngumiti ay hindi ko kaya.
Si Liam, si Ronie, si Abby at si Hugs lahat sila sumama sa akin pauwi sa bahay mula sa memorial chapel. Syempre si Franco at kahit si Bryan at Sean ay sinamahan ako. Kahit hindi talaga kami close ay nakiramay sila.
"Salamat sa inyo dahil hindi nyo ako iniiwan." Umiiyak kong sabi habang lahat sila ay pinasasalamatan ko. "Kung wala kayo baka hindi ko kayanin ito? Pero tama kayo kailangan kong magpatuloy, kailangan kung maging matapang. Kailangan kong kayanin ang buhay ko ng mag-isa. Hindi pwedeng tumigil ang mundo nyo para sa akin."
"Bessssh... we're here for you, always. Tandaan mo yan. Lalo na ngayon." Mahigpit na inakap ako ni Hugs.
"Walang iwanan...kasama mo kaming haharapin ang bago mong mundo, bessh." Sabi ni Abby. Umakap din siya ng mahigpit. Lalo akong naiyak.
"Ro...I think you should rest muna. Ilang araw ka ng ganyan. Nandito lang kami, pahinga ka muna." A-alalayan dapat ako ni Liam pero inunahan siya ni Franco.
" Salamat bro, pero ako nang bahala kay Ro." Marahan akong hinila ni Franco palapit sa kanya. Inakbayan niya ako. "Gusto ko ring magthank you sa inyo dahil sinamahan nyo si Roan nun oras na wala ako sa tabi niya. Love, tama si Liam kailangan mong magpahinga muna."
Hindi na ako tumanggi nang ayain ako ni Franco papasok sa kwarto ko. Dito umiyak ako ng umiyak.
"Love...please." Pinunasan ni Franco ang mga luha ko. Inaya niya ako sa kama para mahiga. Inakap niya ako hanggang sa makatulog ako.
Nagising akong uhaw na uhaw.
Sa guess room natutulog sina Hugs at Abby. Si Liam ay nakatulog sa sofa sa sala. Kagaya ko alam kong pagod din sila.
Pupunta dapat ako sa kusina para kumuha ng tubig pero nahito ako dahil nandon sina Franco at Bryan. Nag-uusap sila habang umiinom ng beer in can.
"Bro, is this for real na? You're letting go of Eunice na for good? Sabi ng mommy niya they're bringing her na sa Switzerland. You know that, I respect what ever your decision is. Buhay mo yan. Pero ang bata pa natin para sa mabigat na responsibility. Mahal mo ba talaga si Rylle?" Tanong ni Bryan kay Franco.
Napalunok ako.
"Matagal na kaming tapos ni Eunice bro, alam mo yan. What ever her parents' decision, out na ako dun. Sa last na tanong mo, you knew exactly my answer. Kailangan ko pa bang sagutin yan?" Sagot ni Franco.
"Ulila na si Rylle, bro. Mag-isa na lang siya. Paano yan? Hindi ba siya magiging pabigat sayo? Kakayanin mo bang panindigan siya? "
Napalunok ulit ako. Magiging pabigat ba talaga ako kay Franco ngayong wala na si Mama at siya na lang ang meron ako?
Napatingin ako kay Franco. Kitang kita ko kung paano siya napalunok ng sunod sunod ng alak. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Kaya nya nga ba akong panindigan?
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at hindi na uminom pa.
Iniisip ko ang mga susunod na araw...mag- isa na lang ako.
May karapatan ba akong idamay si Franco sa magiging takbo ng buhay ko?
Tama bang inilayo ko siya kay Eunice? Ako ba ang naglayo sa kanila sa isa't isa? O si Franco ang kusang lumapit sa akin?
Natatakot akong maging pabigat kay Franco.
Natatakot ako ngayong wala na si Mama.
to be continued...
Written by mikzylove
This is not perfect, please be kind.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...