Liam or Edward?:
So far, so good ang flow ng buhay ko!
Halos gamay na namin ni Abby ang operational procedures ng Mosh. Memorized ko na rin ang ibat-ibang timpla ng milktea. Kahit ang mga sandwiches and waffles ay alam ko na kung paano i-prepare at gawin.
And one more thing, gamay ko na rin kung paano dedmahin ang presensya ni Liam. Yung tipong akala mo wala lang? Pero deep inside may something? Nung una syempre mahirap, effort talaga, araw-araw mo ba namang makakasama in one place ang taong nagpapa-bilis ng kabog ng dibdib mo? Ewan ko na lang kung paano ko yun nagagawa? Pero syempre nagagawa ko. Wala namang ibang choice. At thankful na rin ako kay Abbygail kasi nakiki-sama siya sa akin. Never na niya akong ipinush kay Liam. Somehow alam na rin niya siguro na hindi madali ang sitwsyon ko? Oh, diba as if aping-api?
Wala naman akong masasabing masama kay Dana. Ang sweet at nice nga niya sa aming lahat. Kaya minsan napapa-isip ako. Anong nangyari? Bakit nag-hiwalay silang dalawa ni Liam?
"Alam mo besh ang dalawang mag-ex kapag magka-ibigan pa rin, it's either hindi nila talaga minahal ang isat-isa bilang mag-jowa o baka mahal pa rin nila ang isat-isa!" Sabi ni Abby nang minsang pauwi kami at sakay ng FX.
"Baka mahal pa nila ang isat-isa. Kitam mo nga, ang sweet-sweet nila lagi. Hindi mo iisiping nag-hiwalay na sila at mag-ex na. Malay natin nagkabalikan na pala?" Sabi ko na isang libot-isang kirot ang naramdaman ko nang sabihin ko yan. Maigi na lang hindi na nga ako ina-asar ni Abby. Dati konting kibot basta tungkol kay Liam may kung anong hanash na kaagad siya sa akin.
Wala din namang reklamo or pula si Abby kay Ma'am Dana. Well Ma'am Dana nga pala namin siya dahil assistant store manager siya sa Mosh. Actually madalas sabihin ni Abby sa akin nang harapan na subrang bagay sina Liam at Dana. Syempre ako, hindi ko ipinahalata na nasasaktan ako. Kasi kahit ako man iyon din ang opinyon ko kahit masakit iyon. Na bagay silang dalawa! Period!
"Hugs, paki-dala na lang ito kay Sir Liam. Mga reports, kailangan niya daw kasi ang mga ito. Okay lang ba?" Paki-usap ni Aira sa akin. Kami ang mag-kasama sa shift ngayong araw. Opening shift kami. Closing shift naman sina Abby at Jm kasama nila si Ma'am Dana. Mamayang after lunch pa ang duty nila.
"Okay lang...walang problema Ai." Sabi ko. Kinuha ko ang mga reports. Binigyan niya ako ng pera para pamasahe. Nasa kanilang mansion nga pala si Sir Liam at doon ko ito dadalahin. Absent siya ngayon. Kung bakit hindi ito nakapasok ay hindi ko alam?
Syempre habang daan may konting kaba akong nararamdaman. Alam mo yung ini-imagine ko ang eksena sa movie nina Sarah at John Lloyd? Yung pumunta si Sarah sa bahay ni JL. Tapos may sakit pala si JL tapos inalagaan ni Sarah?
What if may sakit pala si Liam kagaya ni John Lloyd, tapos aalagaan ko siya...tapos?
Tapos, natapos ang pag-iimagine ko nang nasa mismong gate na ako ng mansion nina Sir Liam.
Ang laki naman ng bahay nila, mansion nga pala kasi? Tapos ang taas ng pader. Mukhang wala silang guwardiya? Sabagay nasa isang exclusive subdivision naman sila. Kanina nga sa main gate hindi kaagad ako pinapasok ng security. Super daming tanong. Tinawagan pa mismo ang bahay ni Sir Liam just to confirm na bisita ako saka pa lamang ako nakapasok.
Du-doorbell pa lamang ako nang mag-ring ang cellphone ko.
Si Sir Liam. Tinatawagan niya ako.
"Hmmm, Sir." bati ko. I made sure na kalmado lang ang boses ko. Hindi pwedeng magpa-halata. Kunwari, hindi affected.
"Pumasok ka na, Hugs. Bukas na yang gate." Sabi niya sa akin.
Marahan kong itinulak ang gate at bukas nga. Wow! Ang husay, automatic? Ang gara ng buong paligid. Mayaman pala talaga sina Liam? Naglakad pa ako hanggang sa marating ko ang main door. Hindi ko na kailangang kumatok pa dahil naka-bukas na ito pero nag-dalawang isip pa rin ako. Kung kakatok ba ako o papasok na lang? O tatawagin ko ang pangalan ni Sir Liam.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomantikA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...