It's Too Late:
"Sorry ah,"napatingin ako kay Edward. Bakit siya nagso-sorry? "Inilagay kita kanina sa alanganing sitwasyon. Sana hindi ako nakisakay sa kanila kanina. Hindi ko manlang naisip,what if hindi ka pa handa? Alam ko na na-pressured ka nang subra subra kanina. I'm sorry Hugs. Pwede naman na huwag nating..."
"Ano ka ba? Okay lang ako. Wala namang masama kung ita-try natin." Totoo ang sinabi ko. Wala namang masama kung ita-try namin. Hindi mahirap mahalin si Edward lalo na at may space naman na talaga siya sa puso ko."Aarte pa ba ako? Swerte ko nga may Edward na nagkagusto sa akin eh?" Sabi ko. I smiled sincerely. Totoo naman kasi iyon. Hindi lahat ng gays ay may nagkakagusto. Mahirap makahanap nang ikaw ang gugustuhin.
"Yung kanina, games lang yun. Pero sana yung sa atin huwag maging laro." Pahabol ko.
Mabilis na inakap ako ni Edward. Napatingin ako sa paligid, wala namang nakatingin. Andito kami sa may pool nina Liam. Tapos na ang game. Kanya kanya na kami ng mga ginagawa. Sina Rex, Koys, Aira at Abby ay nagbi-videoke. Tulog na ata si Jm dahil nalasing? Humiwalay naman sina Liam, Lexie at Dana.
"Ohmm.. Hugs. Ahmm.. sweetheart? Sweetheart na ang itatawag ko sayo from now on. Masaya ako ngayon sweetheart subra." Sabi ni Edward.
Nakakapanibago na may tumatawag sa aking ng sweetheart pero siguro masasanay din ako?
"Ako din naman. Happy din ako. New chapter ng buhay ko 'to." Sabi ko.
Nagpaalam ako kay Edward na pupunta muna ako ng comfort room. Sumabay siya sa akin pabalik sa loob ng mansion nina Liam. Magkahawak kamay kaming pumasok. Dumeretso siya sa mga nagbi-videoke at naki-upo doon. Sa may kitchen ang comfort room sa may bandang kanan nito. Nadaanan kong nagkukwentuhan sina Dana, Lexie at Liam sa long table malapit sa kitchen. Mukhang umiinom pa rin sila ng alak?
"So bakit mo naman naisipang mag-celebrate ng birthday mo ngayon? Usually yung isang birth date mo ang sini-celebrate natin." Tanong ni Dana kay Liam. Binagalan ko ng konti ang hakbang ko.
"Wala lang, naisip ko lang na e-celebrate bigla total nasa birt cert ko naman na birthday ko ngayon. Pero I think I will not celebrate on this date ever again!" May diin sa boses ni Liam. Bakit parang isinumpa naman niya ang araw na 'to? Naalala ko ang sinabi ni Abby na maaaring dahilan kung bakit nag-celebrate bigla si Liam ngayon ng kanyang birthday? Pero ang hirap kasing paniwalaan.
Napabuntong-hininga ako dahil sa aking iniisip nang makapasok ako sa loob ng banyo. Dapat masaya ako ngayon para sa amin ni Edward pero bakit subrang lungkot ko naman inside para sa amin ni Liam? Walang kayo Hugs, pero bakit pakiramdam ko ang sakit-sakit? Ayaw ko nang ganito. Alam kong magiging unfair ako kay Edward kapag nagpatuloy ako nang ganito.
"Ayyy!" Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay akmang papasok si Liam. Hindi niya siguro alam na may tao sa loob? Maigi na lang tapos na akong gumamit.
"Hugs...," Sabi ni Liam sa pangalan ko. Mukhang lasing na nga siya?
Nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko.
"Congrats Hugs." Nagulat ako nang biglang ikulong ni Liam sa mga palad niya ang mukha ko. Deretsong tumingin si Liam sa mga mata ko. "Taken ka na Hugs, it's too late."
Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad ni Liam na tumutulay sa aking pisngi. Init na subrang sarap sa pakiramdam ko. Parang may bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy dito. Hindi ko alam kung paano ako magre-react? Kung ano ang isasagot ko? Bakit it's too late? Alin ang huli na? Eh ano kung taken na ako? Kinakapos ako ng oxygen supply sa baga ko. Pakiramdam ko bawal na may makakita sa hitsura namin ngayon ni Liam. Ayaw kong bigyan ng malisya ito pero kung makikita kami ni Abby ngayon malamang sa malamang madami siyang masasabi. Paano si Edward, ayaw kong maging unfair sa kanya?
"Liam," pasimple akong umiwas kay Liam. Nagpasalamat ako na bumitiw siya sa pagkakahawak sa mukha ko. "Happy birthday ah. Sorry, wala pa akong gift eh. To follow na lang." Pinilit kong magpatawa pero palpak ako. Nabikig lang ako sa lalamunan ko. Ako mismo hindi ko magawang mangiti sa sarili ko. Masyado akong tinatalo ng kaba ko.
"Can I ask you a favor? Ako na ang pipili ng gift mo sa akin." Nagulat ako ng hawakan ni Liam ang suot kong kwintas kung saan naka-pendat dito ang dalawang magkaparehong singsing. Nakakatawa nga ang kwento nito, omorder ako sa online store not knowing na couple ring pala ito. Nagulat na lang ako na dalawang singsingamg dumating sa akin. Dahil kinatamaran ko na lang isuot sa daliri ko ay ginawa ko na lang pendant pareho. Pero bakit hihingin ni Liam? Accessories lang ito na gawa sa silver at hindi sa gold or white gold. Nasa two hundred plus nga lang ata ang presyo nito nang nabili ko ito dahil sale nga. "Ito na lang ang gift mo sa akin. Tig-isa tayo. Promise iingatan ko to Hugs."
Nanginginig ang kamay ko na hinubad ang kwentas ko para alisin ang isang singsing at ibigay kay Liam. Ibinigay ko iyon sa kanya. Nakita kong inilagay niya iyon sa bulsa ng polo niya. At ano naman ang gagawin niya sa singsing na yun, hindi naman iyon mamahalin? Malamang hindi rin niya isusuot.
"Pasensya ka na ah, di naman kasi iyan kasing mahal ng binigay mo sa akin."
"Nuka ba Hugs? Ito ang pinakagusto kong regalo na matatanggap ko ngayong birthday ko kasi ako mismo ang pumili."
Pinilit ko na lang ngumiti kay Liam. Hindi ko na kasi alam kung ano ang iku-komento ko sa sinabi niya.
"Sige, happy birthday ulit boss." Naisip ko nang magpaalam kay Liam para pumunta sa grupo ng mga nagbi-videoke. Ang awkward na rin kasi ng sitwasyon naming dalawa.
Hahakbang pa lang ako nang biglang pigilan ako ni Liam. Naramdaman ko na lang ulit ang init ng palad niya na bumalot sa mukha ko. Ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.
"Hugs, I knew I'm already late. Maghihintay ako...maghihintay ako," napapikit ako ng lumapat ang labi ni Liam sa labi ko. Baka panaginip lang ito? Baka lasing lang ako? Baka nai-imagine ko lang ito? Pero alam kong hindi ito baka, masyado lang ako ewan. Dahil totoong hinalikan ako ni Liam. Nangangatog ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko mababaliw ako kahit saglit lang ang halik na yun. Walang salitang iniwan ko siya. Ayaw kong magtanong sa kanya. Ayaw kong umasa, maraming ayaw ako kapag si Liam na ang pinag-uusapan. Ayaw kong umasa dahil ayaw kong masaktan.
Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Lutang ang isip ko.
Muntik ko nang mabangga si Lexie. Kanina pa ba siya? Nakita kaya niya kami ni Liam?
Written by mikzylove
My work is not perfect please be kind.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...