Lola's Boy:
"Oh my gaaaaaad! Ayeeeeeeeh!" Halos mabulahaw ang buong kwarto ko sa lakas ng sigaw nina Hugs at Abby."Franrylle! Franrylle!" Akala mo'y mga baliw ang dalawa.
"Magsitigil nga kayong dalawa!" Saway ko sa kanila. Andito kami ngayon sa room ko. Hanggang ngayon hinahabol ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag naiisip ko ang ginawa ni Franco kanina sa gym.
After what happened sa gym, we decided to go home na lang at huwag nang umattend sa last subject namin.
Hayssssst...kahit alam kong acting lang iyong kay Franco kanina, hindi ko mapigilang kiligin at kabahan at the same time.
"Bessssssshy...kinikilig talaga kami....kyaaaaaaah!" Sabay na namang tili ng dalawa.
"Ano ba naman kayo? Para namang hindi natin alam na uma-acting lang si Franco?" Sabi ko. Hindi ko mapigilang maging sad.
"Kahit na...kinikilig pa rin kami!" Sabay na naman ang dalawa.
"Saka besshy...'ung sa mga teleserye, sa mga kdramas na yan, di ba umaacting lang sila pero kinikilig pa rin tayo? Ganun din kami...team Franrylle kami, push na push!" Sabi ni Abby.
"Hmmmmm...ang bango bango...ahhhhhh...my gasssssh...mag oorgasms na ata ako sa subrang sarap ng amoy ni fafa Franco." Maharot na sabi ni Hugs habang inaamoy amoy ang t-shirt ni Franco tapos tumitirik pa ang mga mata.
"Bessshy...paexperience naman...gusto ko ring mag orgasm." Excited na sabi ni Abby. Inaagaw nito kay Hugs ang t-shirt ni Franco. Si Hugs naman ayaw patalo, ayaw ibigay kay Abby kaya naman nag-agawan ang dalawa.
"Tsssk...magsitigil na nga kayo." Kinuha ko ang t-shirt ni Franco at inilagay sa cabinet ko." Masira pa to, problema pa natin." Sabi ko pa.
"Wow so selfish ha, ayaw maubusan ng amoy ni fafa Franco, itinabi." Sabi ni Hugs.
"Truelaley, agree!" Sabi ni Abby. Na kunwari ay nagtatampo.
Naiiling na lang ako sa dalawa.
Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng study table ko. Kinuha ko iyon expecting na si mama ang nagtext, pero nagkamali ako. Biglang ang lakas na naman ng kaba ng dibdib ko.
It was Franco. He texted me.
0927075....
Franco here, hi Ry hope you're ok. Sorry ulit for what Eunice did. 💗💗💗Oemgeeeeesssh! Gusto ko sanang tumili kaso malamang mabubulahaw na naman ako sa dalawang kaibigan ko. Hindi ko na lang sinabi sa kanila.
Bakit ganun, kahit alam kong acting lang ito ni Franco talagang kinikilig ako. Hindi ko naman deni deny, I like Franco. And I hope sana hindi na lang ito acting. Pero kahit anong wish ko, reality won't change. Ang lahat ng ito, planado nila.
Saturday, maaga ako nagising. Kahit walang pasok maaga pa rin akong gumigising, jogging sa umaga tapos after lunch hanggang gabi ay magduduty ako sa jewelry shop namin.
Nagprepare na ko para magjogging, sa park lang naman ako na nasa loob mismo ng village kung saan kami nakatira magja-jogging.Pagdating sa park napakasarap ng malamig na hangin dahil sa madaming puno, mangilan ngilan lang din ang tao ngayon.
Inilapag ko sa bermuda grass ang dala kong bag na may laman ng baon kong tubig, sandwich na kakainin ko pagkatapos ko magjogging, whole wheat bread naman ito at mga gulay lang ang palaman with less fat mayo as dressings.
May dala din akong extra shirt na pamalit sa pagpapawisan kong shirt mamaya at towel pamunas mamaya sa pawis ko , at syempre book na babasahin ko habang nakatambay dito sa park.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...