Chap.9.It's Too Late

772 48 4
                                    

It's Too Late:

"Eh ikaw Hugs, boyfriend mo na ba si Edward?" Biglang tanong ni Abby.

Nakatingin sa akin si Liam. Hinihintay ang sagot ko.

Anong sasabihin ko? Pwede ko bang huwag na lang sagutin ang tanong ni Abby? Bakit kasi ang hilig ni Abbygail mag-usisa lalo na sa akin at kay Liam? Hindi pa naman kasi malinaw ang usapan namin ni Edward.

"Hi...guys! Late na ba kami?" Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pagdating ni Ms. Dana.

"Hi, birthday boss! Happy birthday!" Bati nito kay Liam. Humalik pa ito sa pisngi. Well kasasabi lang ni Liam na hindi niya girlfriend si Dana. Anong konek Hugs usig ko kaagad sa utak ko.

"Look who's with me? Tadaaaaaa! It's Lexie!" Bigla lumabas mula sa pinagtataguan niya yung Lexie.

"Happy birthday Iam, surprised!" Sabi nito na akala mo kasali sa Ms. Universe kung makatili. Iyam (Iam) talaga?

"Lexie!" Bulalas ni Liam na halatang na-surprised nga siya. Mabilis na lumapit kay Liam si Lexie at umakap ng mahigpit. Super kiss pa ito sa pisngi ni Liam na akala mo'y naka-unli ang paghalik. Hataw si ate ghurl.

Napa-iling na lang ako sa ini-isip ko. Ano naman ang pinag-sesentir ko? Bakit pinakiki-alaman ko si Lexie?

Isa-isa kaming pinakilala ni Dana kay Lexie. Classmate nila ni Liam si Lexie from highschool to college. Of course super close friends daw silang tatlo. At tama ang hinala ko, transwoman si Lexie. Okay, ayaw ko namang maging unfair kay Lexie kaya sasabihin ko ang totoo. Subrang ganda niya. Promise! Mala Liza Soberano ang peg, tapos ang usapan. As in pwede silang mapagkamalang mag-ate ni Liza. Subrang swerte naman ni Lexie, to the highest level yata ang estrogen sa katawan niya? Babaeng babae kasi. 97% walang bukayo 3% na lang ang kulang. Pero malamang sa malamang napakaraming magsasabing babaeng-babae na ang hitsura at awra ni Lexie.

"Well honestly at frankly speaking, alam naman ito ni Liam na ultimate crush ko siya nun highschool at college kami. Hanggang super duper nainlove ako sa kanya, up until now waiting for his love pa rin ako sa kanya." Proud na sabi ni Lexie. Ikaw na teh, talagang kere niyang ikuda iyon sa aming madlang pipol at sa kaharap pa mismo si Liam? Power!

Napailing ulit ako. Bakit talagang pinag-iinitan ko si Lexie? Syempre ako lamang ang nakaka-alam na nag-ngingitngit ang kaloob-looban ko sa kanya? Insecure siguro ako kasi ang ganda niya. Saka inamin niya na inlove siya kay Liam bagay na hindi ko magawa, hindi ko gagawin kasi hindi ko kayang gawin. Affected much ba ako?

Nagsimula na ang party. Nakasalampak kami sa mga seat bean chair na nagkalat sa sala nina Liam na nalalatagan ng mamahaling carpet.Kami ni Edward at Abby ang magkakatabi, si Dana, Liam at Lexie naman ang parang magkaka-grupo. Sina JM, Aira, Rex at Koys ang magkaka-bonding pero lahat kami magkakasama. Kumakain na kami habang nagkukwentuhan. Nasa mga mesita malapit lang sa amin ang mga pagkain. Syempre hindi mawawala ang background music para party feels talaga.

Si Lexie ang walang tigil kakukwento. Mga memories nilang tatlo nung highschool hanggang college sila. Mostly tungkol sa pagkagusto niya kay Liam ang eksena.

Parang nailang naman ako sa confession ni Lexie kung confession man na matatawag ang pinagsasabi niya tungkol sa kanya at kay Liam.

"Ano palang sabi ni Rylle." Bulong ko kay Abby. Wala lang para lang may dahilan ako na huwag pakinggan si Lexie. Alam ko naman na hindi makakapunta si Rylle. Actually nagtext na siya sa akin na hindi siya makakapunta dahil may trangkaso si Franco. Syempre todo care si girlfriend kay boyfie. Tinanong ko lang si Abby para alisin ang atensyon ko kay Lexie. At ang pagkailang o pagkairita sa mukha ko. Masyado na akong unfair kay Lexie kahit wala naman siyang ginagawa sa akin.

PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon