Chap.23.Tita Yvonne

3.3K 160 10
                                    

Tita Yvonne:

"Galit ba si mama?" Tanong ko kay Franco.

Kahit paano natatakot akong mapagalitan ni mama. Dalawang beses nang natulog si Franco sa bahay namin without her consent. Ang masaklap pa ay may nangyari na sa amin ni Franco sa mismong kwarto ko pa. Nakakaguilty rin syempre. Kahit paano pakiramdam ko ang sama kong anak. Parang hindi ako napalaking mabuti ni mama which is alam kong hindi totoo. Dahil naging mabuting nanay si mama sa akin.

Pero bakit hindi ako kinausap ni mama, wala siyang sinabi sa akin? O, bakit hindi niya ako pinagalitan? Hindi niya ako kinumpronta. Akala ko pa naman ay hindi sila nagpang-abot ni Franco.

"Hindi ko matukoy kung galit siya. She's calm naman. Takot na takot nga ako, Ro. Tapos ikaw ang himbing ng tulog mo nun. Nagpakalasing ako nun gabing 'yon." Pinisil ni Franco ang pisngi ko."Selos na selos ako nun kay Liam. Birthday na birthday ko pero siya ang kasama mo. I'm so wasted kinabukasan. Ang saklap nga eh kung kelan wasted ako saka ko pa nakaharap ang mama mo."

Na-iimagine ko kung ano ang pinagdaanan ni Franco nun umagang 'yon. Malamang ilang na ilang siya kay mama. Bakit kasi hindi ako nagising? Napuyat kasi ako nun at umaga na halos ata nakatulog? Maigi na rin siguro dahil kung nagkataon baka iba ang naging takbo ng storya. Baka nun din mismo napagalitan ako ni mama.

"Ano ngang sabi ni Mama?" Kulit ko pa rin.

"Syempre nagtaka siya kung bakit ako nandun? No choice ako kundi sabihin ang totoo. Na we are lovers, na boyfriend mo ko. Nag-sorry ako sa kanya syempre. I guess tinanggap naman niya. Hindi nga lang niya alam na may LQ tayo that time. Hindi ko syempre sinabi. Dahil alam kong aayusin ko ang problema natin." Haysst, kinikilig ako sa sinabi ni Franco. "Tapos, tinanong niya ako..." Ibinitin ni Franco ang sasabihin niya. I was clueless na parang hindi. Or in denial lang ako. Sana nga hindi yung naiisip ko. "She asked me kung may nangyari na sa atin..." Ibinitin ulit ni Franco ang sasabihin niya. Shemay! Sabi na eh!

"Anong sabi mo!?" Shaakkss kinakabahan ako.

"Sabi ko, once..."

"Franco!!!" Pinagkukurot ko si Franco. Nakaka-asar siya! Bat kailangang sabihin pa niya yun kay mama,? Pwede naman niyang edeny eh!

"Eh, she asked me eh. Bat ko ede-deny? If sasabihin niya na panagutan kita. Ede mamanhikan kami sanyo." Tawa ng tawang sabi ni Franco. "Kaso sabi ng mama mo...bata pa raw tayo. Mas maiging mag-aral na lang muna tayo. Sabi niya itigil na lang natin 'to." Lumungkot ang boses ni Franco. "Subrang lungkot ko syempre. Sinubukan kong layuan ka."

Napa-isip ako, kaya ba kinabukasan parang hindi totoong nag- "I love you" siya sa akin? Tsssk...nakakaloka.

"Sinubukan? Eh ilang araw pa nga lang..." okay na ulit tayo. Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko.

"Hindi ko kasi kaya, Ro. Kakausapin ko ang mama mo, bahala na." Kinilig na naman ako sa sinabi ni Franco. Yung puso ko sasabog na siguro sa subrang pagtibok nito.

"Akin nang cellphone ko..." Biglang may naisip ako.

"Ahmmm..." Parang ayaw pa ni Franco. As if naman karibal niya talaga si Liam. Saka hindi naman si Liam ang kakausapin ko.

"Trust me..." sabi ko.

Ibinigay na rin naman niya sa akin ang cellphone.

Tinawagan ko si mama. Sana lang ay hindi pa siya tulog. Bumubuhos pa rin ang ulan, syempre nag-aalala rin ako kasi mag-isa lang siya sa bahay.

"Ma..!?" Sabi ko kaagad ng pindotin ni mama ang answer button. Kinakabahan akong subra pero bahala na!

Maigi rin na naimbento ang salitang bahala na. Pampalakas ng loob!

PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon