Chap.31.To Hold You

1.6K 105 0
                                    

To Hold You:

"Rylle..." Nagmulat ako ng mata nang marinig kong tinawag ang pangalan ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo. Kaya mo na bang bumangon? Namumutla ka. Mukhang nalipasan ka nga ng gutom." May pag-aalalang tanong ni Merry sa akin.

"Okay na, ako. Salamat. Si Kuya Orly, asan? Gusto ko na sanang umuwi." Biglang naalala kong wala nga pala akong uuwian. Napatahimik ako.

"Ano ka ba, gabi na. Dito ka na magpalipas ng gabi. Kumain ka muna nang bumalik yang kulay mo. Hindi pa rin ako naghahapunan,halika na at sabay na tayo."Inaya ako ni Merry papuntang mesa. "Kanina  pa lumabas si Kuya Orly pero hindi pa bumabalik. Hindi ko alam kung umuwi na ba siya sa bahay nila? Stay out kasi siya."

Nagugutom na talaga ako. Walang tigil sa pagkalam ang sikmura ko. Nag-a-alburoto na ang mga bituka ko.

Hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni Merry. Kailangan kong kumain para mabuhay. Hindi pa katapusan ng lahat. Pwede pa namang mabuhay. Masarap pa rin namang mabuhay.

"Salamat, ah." Sabi ko kay Merry. Tipid kong sabi.

"Mga twenty minutes ka rin sigurong nag-passed out. Dahil siguro yan sa gutom at stress. Kaya kumain ka. Pinagpaluto ka ni Sir Franco ng special soup. Pinahanda rin niya ang lahat ng pagkaing ito. Inihabilin ka niya sa akin. Huwag na huwag daw kitang pababayaan.Lagot ako dun kapag nawalan ka ulit ng malay." Ngumiti sa akin si Merry.

Napatanga ako kay Merry. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Sige na kumain ka na. Alam mo bang alalang-alala sayo si Sir. Halos maiyak yung tao nang sabihin namin ni Kuya Orly ang nangyari sayo."

Si Franco? Pero bakit? Asan siya?

Kinuhanan ako ni Merry ng mainit na soup.

"Humigop ka nyan, Rylle. Para mawala ang hilo mo. Mamaya lang aalis na rin ang mga bisita."

Nagkaroon ako ng pagkakataong mag-tanong kay Merry.

"Merry, sino si Don Eduardo? at saka si Sha..." Hindi ko na itinuloy ang pangalan ni Shanika.

"Si Don Eduardo ay lolo ni Sir Franco, asawa siya ni Lola Claire, dati. Hiwalay na sila. Take note, hindi sila in good terms. Kaya nga si Lola Claire fly kaagad pa-Batangas nang malaman niya na papunta dito ang don. Medyo masama ang reputasyon ng don sa pagiging istrikto. Alam mo bang malaki ang takot ng sir ko dyan sa don na yan. Nung bata daw kasi si sir Franco pinalo niya ng baston ito dahil lamang may utos ito na hindi nasunod ni sir."

Nakikinig lang ako kay Merry habang tumatakbo sa utak ko ang mga tanong. Kaya ba ganun na lang ang reaksyon ni Franco kanina? Napansin ko siyang napatulala nang malaman niya na nandito ang lolo niya.

"Si Shanika, apo siya ni Don Luisito na family friend nila. Magkaibigang matalik ang dalawang don. Business partners. Pero may chismis na..." Tumingin muna si Merry sa may pintuan. "Sige na, kumain na tayo. Masasarap pa naman 'tong pinahanda ni Sir Franco." Hindi na tinapos ni Merry ang sasabihin niya. Ano kaya ang chismis?

Nawala ang iniisip ko nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang helper ng mga Alcantara.

"Lin.." Bati ni Merry. Lin pala name niya.

"Kamusta na siya? Inutusan ako ni senyorito Franco na tingnan siya." Usisa ni Lin sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Okay na siya. Naku si Sir Franco talaga." Tumingin si Merry sa akin. "Love na love ka." Nahiya ako ng konti sa sinabi niya.

"Hindi pa ba uuwi ang mga bisita?" Tanong ni Merry kay Lin.

PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon