Simula ng Plano:
"Push...beshy push na push 'yang plano mo. 100% support kita. Ipatikim natin sa kanila ang batas ng isang alipin." Nanggigigil na sabi ni Abby.
"Batas ng isang alipin talaga beshy?" Sabi naman ni Hugs. "Ang yaman mo kaya? Pero 100% support din ako sayo beshy. Makibaka, huwag matakot! Katarungan para kay Ka Dencio." Sabi ni Hugs sa akin. Kaloka, mas loka loka pa siya kay Abby. Parehas pala silang loka-loka.
"Tama, Oh yes kaibigan mo lang ako and I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend," teka anong connect? Loka loka din pala ako kaya pala magkakaibigan kaming tatlo.
Andito kami ngayon sa school cafeteria, sinabi ko na sa kanila ang narinig kong plano ng grupo nina Franco. At syempre sinabi ko na rin sa kanila ang plano ko. At gaya ng iniexpect ko 100% ang magiging suporta nila sa akin. Aba syempre mahilig ang dalawang ito sa kabaliwan eh.
"Naku, magsitigil nga tayo. Wala pa naman silang ginagawang actions. Baka nga nagbago na ang plano nila. Sinabi ko lang naman sa inyo para just in case na ituloy nila di ba, prepare tayo?" sabi ko.
"You just did what is necessary beshy. Sabi nga ni teacher sa history lahat ng nananalo sa war ay iyong may plano, may war strategy. Hindi iyong kampante lang." Palabang sabi ni Abby.
"Well beshy, I'm really here to support you." Si Hugs. " Morally and spiritually. I will pray na sana magbago ang isip nina Franco, na sana ako na lang ang jowain niya kahit trip lang nila. Besshy one month iyon, matagal din iyon ha." Kinikilig na sabi ni Hugs.
"Gaga, as if naman kagandahan ka beshy." sabi ni Abby kay Hugs. "Eh, itong si Rylle kutis pa lang katakam takam na. Akala mo babaeng hindi mo inakalang may something in between dyan sa ano nya. Haha.haha. Kaya hindi ako nagtatakang siya ang napagtripan nila. I'm sure takam na takam diyan si Franco. One time narinig ko silang nag-uusap na turn on na turn siya sa mapuputi at makikinis kagaya nitong si Rylle." Mahabang salaysay ni Abby.
"Hey...Abby, bunganga mo nga. Takam ka dyan, ang sabihin mo wala lang magawa ang mga iyon." Saway ko kay Abby.
Pero sa kabilang part ng mind ko, parang kinikilig ako sa sinabi niya. Haysst...what if type nga ako ni Franco...erase! Erase! Impossible much. Ang kagaya ni Franco ay sa magagandang babae lang attracted.
Nag-aya si Hugs na pumunta kami sa school gymnasium, may practice kasi ngayon ang school basketball team kaya syempre boys sight seeing at boys hunting na naman ang habol niya. Dahil kung nasaan ang isa andun ang dalawa lagi kami, walang kontrang sumama kami ni Abby sa kanya.
As expected crowded dito sa dami ng mga faney na nanunuod sa practice.
Hindi namam ako interesado sa mga boys, kaya naman nagbusi busy-han na lang ako sa pagkalikot sa cellphone ko. Si Hugs at Abby, ayan halos maubos na ang kanilang hininga sa pag cheer. Sigaw sila ng sigaw kagaya ng halos lahat ng nandito.
"Oh my...oh my...Rylle look oh, ang hot talaga ng future boyfriend mo." Sigaw ni Hugs sabay nguso kay Franco. Kasali pala ito sa nagpapractice. Well true to what Hugs said, as always gwapo naman talaga si Franco.
Saglit ko lang siyang sinulyapan.
"Hoy, bakla besshyng impakta ka yang bunganga mong maharot." Saway ni Abby kay Hugs. "Alam mo yang kadaldalan mo ang siyang papatay sayo beshy. Baka may makarinig sayo...masisira pa ang plano natin."
"Ay..sorry beshy naexcite lang ako. Grabe ha, patay agad? Eh, ang gwapo aman kasi talaga ni papa Franco." Sabi ni Hugs.
"Alam namin beshy...kaya wag ka nang maingay dyan. Naku pasalamat ka napakaingay dito walang ibang nakarinig sayo." Sabi ko na lang. "Abby hindi ka ba nasi-cr? Samahan mo aman ako." Aya ko kay Abby.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
Roman d'amourA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...