Special Chapter

1.5K 57 13
                                    

Special Chapter:

"Besh... malapit na ako. Sige na, 15 minutes. Nagtaxi na nga ako. Kamusta si Rylle" Tanong ni Hugs kay Abby.

"Parating na rin daw, ewan ko ba dun umiiyak habang kausap ko sa phone, nag-away sila ni Franco. Mukhang malala eh." Sabi ni Abby. Yung boses niya halatang concern na concern sa kaibigan.

"Shakss, ganun ba? Sige konting kembot na lang andyan na ako." Sagot ni Hugs, syempre nag-aalala din siya para kay Rylle.

"Hugs..." Sabi ni Abby.

"Oh..?"

"May sasabihin din kasi ako sayong importante. Sana mauna ka kesa kay Rylle. Gusto kong makausap ka muna bago siya dumating." Ramdam ni Hugs na may kakaiba sa boses ni Abby na nagpakaba sa kanya.

"Sige..sige. Parating na ako."

Napasulyap siya sa kalsada may kaunting built up ng traffic, nakaka-asar. Kailangan niyang maunang dumating kay Abby. May ibang lakad pa naman sana siya pero mapilit si Abby na kitain siya, isa pa nagpasabi si Rylle na may problema nga ito. May kukonting kaba sa dibdib si Hugs pero sinupla nya iyon kaagad. Ayaw niyang mag- isip ng kung anu-ano.

Kinuha niya ang kanyang cellphone para i-check kung may new messages si Liam pero wala. Mula kahapon ng tanghali ay isang beses lang tong nag-text sa kanya. Kumbaga reply lang- kinamusta niya kasi ito. At ang sagot ay okay lang siya. Napabuga sa hangin si Hugs. Three days pa lang ang nakalipas mula nang maging sila ni Liam. At sa loob ng tatlong araw na yun ngayon lang naging matipid si Liam sa text. Panay nga ang tawag at text nito sa kanya dahil after nun first nila ay talagang nilagnat siya. Napapailing siya sa sarili, kala mo babae lang eh, pero totoo nilagnat talaga siya at subrang sakit ng pakiramdam niya lalo na sa bahaging yun ng katawan niya kung saan nagpakasasa si Liam. Halos ayaw na nga niyang bumangon nun sa kama. Ilang Advil kaya ang nainom niya para lang mawala ang sakit.

Ayaw niyang kulitin si Liam sa text kahit kagabi pa siya atat na etext ito.  Pinigilan niya ang sarili niya na kamustahin ito kagabi dahil sa pag-aakalang magtetext ito sa kanya kung sakaling hindi siya magtext dito pero hanggang ngayon ay wala man lang paramdam si Liam sa kanya.

Nakahinga siya nang maluwag ng bumilis ang takbo ng taxi. Lumawag ang daloy ng kalsada.

Napakislot siya nang tumunog ang message alert ng cellphone niya. Hoping na sana ay si Liam na ang nagtext pero nadismaya siya dahil kay Abby galing ang message.

[Asan ka na?]

Gaano ba kaimportante ang sasabihin ni Abby sa kanya dahil halos hindi ito makapaghintay?

Hindi na nagreply si Hugs kay Abby dahil nasa harap na rin naman siya ng Oceana Place kung saan sila magkikita-kita. Ito yung apartment nina Rylle at Franco dati pero hindi ito binitiwan ng dalawa dahil naging tambayan na nga nila ito kapag nagkikita-kita sila.

Pagka-abot niya sa bayad ay bumaba na kaagad si Hugs, hindi na niya hinintay ang  70 pesos na dapat ay sukli pa niya.

Isang door bell pa lang ay bumukas kaagad ang pinto.

"Besh..." bati ni Abby kay Hugs.

"Abbygail, anong meron? Kinakabahan ako promise!" Sabi ni Hugs.

Napansin ni Hugs na idinobol lock ni Abby ang pinto. Hinila siya nito paupo sa sofa.

"Hugs...may kailangan akong ipakita sayo." Sabi ni Abby, halata sa boses nito ang tensyon. Kinuha nito ang cellphone at ini-abot sa kanya,"here."

Nagtatakang inabot ni Hugs ang cellphone ni Abby. Napalunok muna siya bago tiningnan ang screen ng cellphone. Kabado na talaga siya. Napakunot ang noo ni Hugs, kinailangan pa niyang idilat ang mga mata kahit malinaw naman ang picture na nasa screen.

PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon