Never Let It End:
"Hugs. Oy Hugs." napatingin ako kay Edward."Kanina pa kita tinatawag pero mukhang ang lalim ng ini-isip mo?"
"May iniisip lang ako, sorry ah." Ngumiti ako kay Edward.
"Gusto mo na ba talagang umuwi? Kung gusto mo pwede naman tayong gumala muna, saan mo gusto? Manuod kaya tayo ng movie? Kain pala muna tayo total lunchtime na rin naman." Alok ni Edward sa akin.
"Edward, salamat ah." Subrang na-a-appreciate ko na kasama ko siya ngayon.
"Hugs...magkaibigan tayo. Kung hindi lang dahil kay Liam, lovers pa rin sana tayo ngayon. Pero naiintindihan ko naman, tanggap ko naman, masaya na ako kung anong meron tayo ngayon."
"Sorry ah..." hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Subrang bigat na kasi nang nararamdaman ko.
"Hugs," naramdaman ko ang paghagod ni Edward sa likuran ko.
Mabilis kong pinunas ang mga luha ko,"pasensya ka na. Ang drama-drama ko, ang oa." Ngumiti ako kahit pilit lang.
"Okay lang Hugs, dahil kay Liam di ba? Handa akong makinig Hugs kapag gusto mong magkwento." Hinawakan niya ang kamay ko, sumunod lang ako kung saan niya ako dinala.
Sa Max's Restaurant kami tumuloy ni Edward.
"Alam kong paborito mo ang ang sinigang at kare-kare. Let's eat Hugs, gusto kong maging okay ka na."
Tahimik kami habang kumakain ni Edward. Pinilit kung alisin sa utak ko si Liam. Bukas ise-send ko na lang sa email nya ang resignation letter ko. Alam kong napaka-informal ng gagawin ko, dapat ay magpaalam ako ng personal pero kasi gusto ko na talagang iwasan siya. Hindi ko na lang siguro gagamitin sa credentials ko ang working experience ko sa Mosh.
"Magre-resign na ako sa Mosh," out of the blue ay nasabi ko kay Edward. Kinalkula muna niya ang sinabi ko bago nagsalita.
"Sure ka na?" Tanong ni Edward. Tumango lang ako. "Syempre alam ko na kung bakit, at hindi ko na yan tatanungin." Sabi pa niya.
"Ed..,"
"Ohm...,"
"Ang tanga-tanga ko ba?"
Ibinaba ni Edward ang baso ng ice tea. Tumingin siya sa akin, "mahal mo kasi siya. Kung paanong mahal pa din kita kahit siya ang mahal mo. Hindi naman siguro katangahan ang magmahal, Hugs. Minsan mahirap lang talagang pakisamahan ang puso natin. Minsan ganun din ang isip, kahit alam naman natin ang dapat gawin, pero hindi natin ginagawa." Ngumiti si Edward. "At least marunong tayong magmahal."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain, speechless ako.
"Hugs, maghihintay ako. Kapag bakante na yang puso mo, kapag nakalimutan muna siya, kakatok ulit ako." I saw sincerity sa mga mata ni Edward. Ganyan ba niya ako kamahal? Talagang maghihintay pa rin siya, hindi ba unfair sa kanya?
"Subukan mong magmahal sa iba Ed, baka mas may deserving sa love mo kumpara sa akin." Nahihiya kong sabi. Sa ngayon sarili ko muna ang dapat kong mahalin. Mag-focus sa pag-aaral at maghanap ulit ng bagong work. Ayaw kong umasa pa sa parents ko. Saka na yang love na yan. Ayaw kong paasahin si Edward, napakabuti niyang kaibigan at ayaw kong sa huli ay mawala rin yun. "Pero sana manatili ka sa buhay ko, napakabuti mong kaibigan, sana hindi ka na ulit lumayo pa sa akin." Nginitian ko siya.
"I will stay forever Hugs, bilang mabuti mong kaibigan. Tama na yung minsan na nagkamali ako. At maghihitay ako hangang maging akin yang puso mo." Kumindat pa si Edward sa akin, lumabas tuloy ang ka-kyutan niya. Hindi ko napigilang matawa.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...