If I Believe:
Isa-isa kong ipinakilala si Edward sa mga taga Mosh. Pinakahuli kay Liam. Naging warm naman ang pag-welcome nila sa kanya. Alam kong magiging comfortable si Edward.
"Besh, ang tagal nyo ha? Alam mo bang kanina pa tanong nang tanong yang si Liam kung anong oras ka daw darating?" Salubong kaagad ni Abby sa akin. Maigi na lang mahina lang ang boses niya.
"Ikaw Abby, itigil mo na yang kagaganyan mo. Kelan ka ba magsasawa besh?" Kontra ko naman. Inabot ko sa kanya ang dala ko. Of course ginataang malagkit na may binusa o sinunog na monggo. Not naman super sunog, roasted pala ang tamang term.
"Wow miss ko na rin to besh. Alam mo bang binilin 'to ni Liam sa akin. Gusto daw niyang matikman ito kahit si Edward naman daw talaga ang pinagluto mo. Selos much ang peg ng boss mo." Ayaw talagang tumigil ni Abby sa panunukso sa akin kay Liam.
Naiiling na lang ako na lumayo sa kanya. Hindi ko alam kung fan ba siya ng HugsxLiam na wala namang ganun mars? O talagang trip lang niyang mag-imagine ng mga imposible?
Nilapitan ko na lang ulit si Edward at kinamusta ito. Maigi nang umiwas kay Abbygail.
"Okay ka lang?" Tanong ko. Syempre hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.
"Ohm..okay lang ako. Don't worry mababait naman sila." Bulong ni Edward sa akin. Inihabilin ko siya kay JM na noon ay busy ang dalawa ni Aira sa pagbi-videoke. Kasama nila si Rex na dating employee sa Mosh at isa pa nilang barkada na si Koys. Sumunod ako kay Abby sa kusina kahit gusto ko siyang iwasan para tumulong din kay Liam sa paghahanda ng pagkain.
"Hi, need help? Anong pwede kong gawin?" Tanong ko.
Si Abbygail kaagad ang sumabat.
"Kaya ko na to. Ini-init ko lang tong dala mo. Super request kasi ni birthday boss. Gusto na atang matikman kaagad ang luto mo." Hindi ko mapigilang pandilatan si Abby. Mga banat niya talaga. Ako ang siyang nahihiya. Maigi sana kung walang ibang ibig-sabihin iyon. Narinig syempre ni Liam iyon.
"Di pa kasi ako nakakatikim niyan. Mukhang interesting. Nag-iisip ako ng mga bagong pwede ilagay sa Mosh. Like yung dun sa isang ice cream parlor may ice cream sila na pizza flavor." Sabat ni Liam.
Tumingin ako kaagad kay Abbygail. Yung tingin na sinasabi ng mata ko na, see I told you? Huwag kang ano besh. Huwag kasing kung anu-ano ang naiisip.
Natawa ako na nagbelat lang sa akin si Abbygail.
"Palusot lang yan. Dahi-dahilan school of acting." Bulong ni Abby. As usual di ko na lang siya pinansin.
Actually halos wala naman nang gagawin kasi naka-prepared na lahat. Si Liam ba ang nagluto nito lahat o inorder lang niya?
"Wala kang napapansin besh?" Tanong ni Abby. Ako naman napaisip kung ano ang dapat kong mapansin? "Apat sa inihanda ni Liam paborito mo." Sabi ni Abby. Maigi na lang talaga pabulong lang ang pagkaka-sabi niya.
Napatingin ako sa mga pagkaing nakahanda sa long table.
"Baked potato with white and blue cheese, beef lasagna with spinach, macaroni salad, at chicken wings in garlic parmesan dressing. Paanong diet mo nyan besh?" Talagang in-enumerate pa ni Abby ang paborito ko.
"Ikaw Abbygail, yang bunganga mo. Huwag ngang kung anu-ano sinasabi mo. Ang issue mo besh. Baka nagkataon lang." Kontra ko.
"Ede wow, sige na. Nagkataon lang. Ede ba nun isang araw yang ang sinasabi mong namimiss mong kainin? O ayan na ipinagluto ka ng boss mo."
"Abby...yang bunganga mo." Bulong ko kay Abby.
Sa totoo lang aaminin ko bad influence tong si Abby. Kasi yung utak ko unti-unti gusto nang sumang-ayon sa kanya pero syempre hindi pwedeng magpa-apekto ako. Maniniwala ba ako? Baka nagkataon lang?
"Ohmmm, Hugs. Try this one," Napamulagat ako kay Liam. Hindi naman ako prepared na may magiging ganito palang eksena? Hawak niya ang isang chicken wings at pinapa-taste test niya sa akin. Don't worry naka-cooking gloves naman siya. Pero ang awkward kasi, alam mo yung para kaming mag-jowa? "Ano pang kulang? Add more garlic or tama na ba ang parmesan cheese?"
"I think okay na siya." Sabi ko na lang pagkatapos kumagat sa hawak niya chicken wings. Pero ang totoo hindi ko malasahan dahil sa kaba ko. Kagagawan kasi ito ni Abby. Kung hindi sana sa mga ipinapasok niya sa isip ko hindi ko bibigyan ng kahulugan ang kilos ni Liam.
Okay, promise ayaw kung mag-isip. Kahit subrang nag-iinit ang mukha ko.
"Ahmm, Hugs." It was Edward. Nasa tabi ko na pala siya pero hindi ko napansin. Lumipad talaga ako sandali sa kalawakan? Nawala ako ng slight.
"May kailangan ka?" Tanong ko kay Edward.
"Pwede bang maki-inom ng water? Nauuhaw kasi ako." Bulong niya. Siguro'y nahihiya.
Kumuha ako ng water at inabot yun kay Edward.
"Okay ka lang Hugs, pinag-papawisan ka?" Sabi ni Edward. Hinawakan niya ang noo ko at hinaplos ng palad niya. As in? Pinapagpapawisan ako? Subrang tense ko ba?
Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Liam. Siya kasi ang rason nito. Hindi ko ini-expect na magpapang-abot ang mga mata namin. Nakatingin din pala siya sa akin. Feeling ko sa amin ni Edward talaga siya nakatingin. Huwag kayong ano, nakatingin lang siya. Mukha namang walang selos sa mga mata niya. Hindi kagaya sa mga eksena sa love story. Bakit naman siya magseselos Hugs? Kaloka, kung anu-ano na rin ang naiisip ko.
Maigi na lang at hindi maririnig ni Abby ang kabog ng dibdib ko. Siguro kung maririnig lang niya ay lagot ako. Lalo lang niya akong hindi titigilan. Aasarin niya ako ng todo.
Nagpaalam naman kaagad si Edward na babalik kina JM. Naiwan na naman kami nina Abby at Liam.
"Sana all sinusubuan boss." Narinig kong hirit ni Abby. Sabi na eh, para lang siyang bulkan na pwedeng sumabog any time.
"Hoy Abbygail ang issue mo." Hindi ko na napigilang hindi bulyawan si Abby. "Baka marinig ka ni Ms. Dana ma- misinterprete ka." Ewan bakit ito ang lumabas sa bibig ko. Bakit nadamay si Dana?
"What about Dana? Hindi ko naman siya girlfriend." Sabi ni Liam.
Hala ka. Pakiramdam ko dapat kumapit ako dahil nanginginig ang tuhod ko. Bakit kailangang i-announce ni Liam na hindi niya girlfriend si Dana? So hindi nga pala niya girlfriend. Finally, clear na yun.
"Ahmm, ang ibig-sabihin ko bakit wala si Ms. Dana?" Try ko lang na ibahin ang usapan. Sana makalusot.
"Naku si Ms. Dana sinundo ng boyfriend pero pupunta siya dito mamaya." Sabi ni Abby na todo ngiti. Ano kayang next hirit ng babaeng to? "Hindi naman pala girlfriend besh."
Nakakawindang talaga si Abbygail.
"Eh ikaw Hugs, boyfriend mo na ba si Edward?" Biglang tanong ni Abby.
Nakakawindang talaga si Abbygail. Maraming beses ko yang sasabihin, paulit-ulit.
Pakiramdam ko na-cornered ako.
Napatingin ako kay Liam. Nakatingin din siya sa akin. Hinihintay ata ang sagot ko?
Written by mikzylove
My work is not perfect please be kind.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...