"Hindi ko naman ipinipilit ang aking nadarama, ayos lang basta't malaman mo na ikaw ay aking mahal." -Hugs.
Hugs:
"Lesson learned, huwag masyadong advance mag-isip mga besh." Sabi ko kina Rylle at Abby.
As usual, magkakasama ulit kami. Girl's talk. Imagine kung anu-ano ang mga naisip namin, buong akala namin paghihiwalayin sina Franco at Rylle.
Nakaka-inggit si Rylle. Sino bang hindi maiinggit sa kanya, natagpuan na niya ang kanyang "da one"? Well inggit man ako pero napakasaya ko for Ry. Beshy ko yan kaya I wish all the best para sa kanya. Ako kaya kelan darating ang "da one" ko?
Naku, wag mag-isip ng kung anu-ano! Walang kinalaman si Liam sa "da one" na hinihintay ko ha. Matagal ko nang inalis yan sa kukote ko. Hindi madaling makita mo ang taong gusto mo na may gustong iba. Torture kaya. Hindi naman ako masokista na gugustuhing mahirapan pa. At hindi rin ako manhid para hindi ko malaman na hindi talaga ako gusto. Period!
"Oh, eh paano yan? Tutuloy pa ba tayo sa pagwo-work sa Mosh?" Tanong ni Abby. Si Rylle kasi, syempre ayaw nang pagtrabahuhin ni Franco dun.Kasi naman seloso din talaga. Saka ang gusto ng parents ni Franco ay mag-focus na lang ang dalawa sa pag-aaral. Oh, diba supportive parents talaga.
Imagine mag-aaral daw si Franco sa Europe kapag college na at kasama si Rylle, saan ka pa? Sana all na lang talaga.
"Ako, tuloy ako. Kailangan eh. Wala nang babalikan si Papa sa work niya. Isa siya sa nawalan ng work nang bumagsak ang company na pinapasukan niya abroad. Hindi rin naman siya makakapag-apply ulit kasi may edad na. Kailangan kung kumita on my own." Sabi ko.
"Ede go din ako, alangang hayaan kita dun na mag-isa." Sabi ni Abby. Hayssst akala ko mapi-feel ko na mag-isa na lang ako. "Sayang din ang kikitain ko dun." Dagdag pa niya.
"Mga bessh, sorry ha. Ayaw kasi ni Tita Yvonne na mag-work pa ako sa Mosh. Pero don't worry sa-sideline pa din ako dun, hindi nga lang ganun kadalas." Hinging paumanhin ni Rylle. Nauunawaan ko naman siya.
"Hugs!...Okay lang sayo? I mean si Liam?" Alangang tanong ni Abby sa akin.
"Anong tungkol kay Liam?" Kunwari'y hindi ko siya gets. Kahit gets na gets ko naman siya. "Trabaho lang walang personalan." Pilit kong ngiti.
"Tama! Para sa ekonomiya! Sayang ang miles ha!" Sabi ni Abby.
"Look at the brighter side mga besh, malay natin dahil lagi na silang magkakasama eh makita ni Liam ang ganda points ni Hugs." Sabi ni Rylle.
Hindi na ko umaasa.Mahirap umasa!
"Naku kayong dalawa talaga. Parang kanina lang lablayp mo teh ang pinu-problema natin noh?" Banat ko kay Rylle. Nagkatawanan na lang kaming tatlo.
Gabi na nang makarating ako sa bahay namin. Nadatnan ko si mama na umiiyak. Kinabahan naman kaagad ako.
"Ma!?" Tanong ko at bati ko. Nag-mano ako sa kanya.
Mabilis na nagpunas ng luha niya si Mama. Halatang ayaw niyang makitang umiiyak siya.
"Umiiyak ka ma?" Tanong ko pa rin kahit nakita ko namang umiiyak nga siya.
"Yung tiyuhin mo kasi hindi marunong makaintindi. Pilit sinisingil ang Papa mo sa utang natin, kung hindi rerematahin daw ang lupa natin na isinanla natin sa kanila. Akala mo'y hindi kapamilya kung umasta." Sumbong ni Mama.
"Magkanu po ba?" Tanong ko kahit wala naman akong pera.
"Five hundred thousand pa ang utang natin. Alam mo naman ang sitwasyon ng papa nyo." Hikbi ni mama.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...