Unexpectedly:
Wednesday.
Four PM pa lang ay pinauwi na kami kaya naman mas napaaga ang tutorial session namin ni Franco.
Tuwang tuwang si Lola Claire na makita ako sa bahay ng mga Alcantara.
"Hi Ry, I'm so glad to see you again." Mahigpit na akap mula kay Lola Claire. I hugged her as well. Nagmano pa ako. "God bless you, Ry. You know what, when Franco told me na you're going here today? Naku inihanda ko kaagad ang recipes ng paborito kong lutuin. I want to cook for you. I baked lasagna and of course my chicken quesadillas. I'm excited na matikman mo ang mga iyon." Excited na sabi ni Lola Claire.
"Naku, thank you po. Na-excite naman po akong tikman ang mga iyon. I'm sure lahat po masarap." Magana kong sabi kay lola. Subrang na-appreciate ko naman talaga na masaya si Lola Claire na nandito ako ngayon. At pinaghandaan pa niya.
"See, sabi sayo eh. Gustong gusto ka ni lola. Giliw na giliw siya sayo." Bulong ni Franco sa akin.
Ngumiti lamang ako.
"Ang Tita Yvonne at Tito Francis mo ay mamaya pang 7 pm ang uwi from office." Ang parents ni Franco ang tinutukoy ni Lola. Nakatingin kasi ako sa family picture nila. "Sige na pahahatiran ko na lamang kayo ng pagkain. Franco, you can start your studies na baka gabihing masyado si Ry. Siyanga pala Ry, thank you sa ipinadala mong beef estofado last time. I like it so much. I think gusto kong magpaturo ng recipe nun sa mama mo." Si Lola Claire.
"Sure po lola, sasabihan ko po si Mama."
"Mamala, you can call me Mamala as well. Yan ang tawag sa akin ni Franco." Malambing na sabi ni lola. I don't know what to say, subrang nagiging deep na ata ang pagkakakilala namin ng lola ni Franco? After matapos ng kalokohan namin, paano na? Nakaka-guilty talaga na nadadamay si Lola Claire.
Tumuloy na kami ni Franco sa kuwarto niya after na ipakilala pa ako ni Lola Claire sa kay Tita Ynez, tita siya ni Franco.
Malawak ang kuwarto ni Franco gayung solo niya ito. Moderno ang interior design. Very millennial.
May study area siya na nasa bandang kanan ng kanyang kuwarto nakaharap sa bintana. May bookshelves, may desktop, may studytable syempre with matching swivel chair pa. May couch din. At may personal refrigerator.
Hindi naman nagtagal ay kumatok ang katulong ng mga Alcantara kasama si Lola Claire dala ang pagkaing inihanda nito.
"Ry, you eat well ha. Nasa harden lang ako, aasikasuhin ko lang ang mga orchidias ko, if you need anything magsabi ka lang kay Franco. Franco, take care of Ry please." Si Lola Claire.
"Of course, mamala. Akong bahala dito kay Ry," Unexpectedly, inakbayan ako ni Franco. "I will take care of her." Pinisil pa ni Franco ang pisngi ko.
Ang puso ko! Kaya ko pa ba? I was so pleased na ginamit niya ang her na pantukoy sa akin. Wala lang, mababaw lang siguro ang kaligayahan ko ngayon. Feeling girl masyado.
"Mmm, Ro. What do you want for drinks? Pineapple, fourseason or pomelo? " Nasa harap ng personal refrigerator niya si Franco. Wala na sina lola Claire.
"Ro!?" Tanong ko.
"Rylle Roan di ba? I think I like it Ro, sounds better. Short for Roan. Lahat kasi sila Ry or Rylle na. I want it more personal for me." Nakatingin ako kay Franco pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Sa mga drinks siya nakatingin.
Ok fine. Ro!, huwag kiligin. As usual part of the game. Ry, from now on bawal ang salitang kilig kapag may kaugnayan kay Franco.
"Hmm, I'll go for pomelo na lang." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...