Chap.13.Even If

2.6K 173 14
                                    

Even If:

"Kamusta daw si Eunice?" I'm hoping na maramdaman ni Franco na sincere ako at nag-aalala ako kay Eunice.

Hindi naman ako masamang tao. May dengue si Eunice at ngayon ay naka-confined sa Makati Medical Center. I hope she get well soon.

Katatawag lang ni Bryan at ibinalita nga na isinugod si Eunice sa hospital at confirmed na may dengue nga ito.

I saw Franco's face, yung pag-aalala sa mga mata niya para kay Eunice. Nakita ko yung takot sa mata niya. Hindi naman kasi biro ang sakit na dengue ngayon. At naiintindihan ko siya.

Hindi naman ako nagseselos, ayaw kong isipin na I'm hurting. Napaka insensitive ko naman kung magiging isyu pa yun sa akin. Sinasabi ko lang ang nakita ko.

"She's under observation daw. Nakamonitor ang mga doctor sa kanya." Subrang lungkot ng boses ni Franco. I can feel him. "Gusto nina Bryan at Sean na pumunta kami sa Makati Med ngayon." As if humihingi siya ng permission sa akin na gawin ang bagay na 'yon. Kung iisipin hindi naman kailangan. Dapat wala ako sa eksena ngayon. Si Eunice ang girlfriend niya dapat lang na nasa tabi siya nito.

"Tapos naman na tayo. Nagets mo naman na yung lessons natin." Andito nga pala ako sa kanila ngayon dahil Wednesday ngayon at may tutorial session kami. "I think you must go. Kailangan ka ni Eunice ngayon..." I took a deep breath...sa isip ko, "kailangan ka ng girlfriend mo ngayon."

"Ro..." Hesitant si Franco.

I smiled sincerely. Inayos ko ang mga gamit ko. At this very moment sana man lang magpakatotoo siya. Sana isantabi na lang muna niya ang pustahan. Hindi mahalaga ang opinion ko. Hindi niya ako kailangang ikonsider. Walang masama kung ipakita niya na si Eunice ang pinakamahalaga sa mga oras na ito at hindi ang iisipin ko.

May kumakatok sa pinto kaya ako na ang lumapit at nagbukas. It was their maid.

"Sir Franco nandyan na po sina Sir Bryan at Sir Sean sa baba."

I waited for Franco to answer kaso mukhang ang lalim ng iniisip niya.

"Sige po ate. Bababa na po kami. Pakisabi na lang pahintay lang si Franco saglit." Ako na ang sumagot. Si Franco kasi parang nakatulala pa rin. Alam kong subrang pag-aalala niya kay Eunice.

I know, right. Ang bad ko, pero naiisip ko ngayon, kung ako kaya ang nasa sitwasyon ni Eunice? Kung ako yung may dengue, ganyan din kaya ang magiging pag-aalala niya?

"Franco...let's go. Naghihintay na sila sa baba. Magpapalit ka pa ba o okay na yang suot mo?" Maayos naman kasi ang suot niya. Hindi ako sasama sa kanila sa hospital. Alangan naman na magpaiwan ako dito sa kuwarto niyang mag-isa. Uuwi na lang ako.

"Hmmmm, Ro. Ihahatid na lang muna kita."

"No, I'm okay lang. Magtataxi o Grab na lang ako."

"Pero..."

"Baka matraffic pa kayo kung ihahatid mo pa ako. Out of way ako. Okay lang, promise. Magbobook na lang ako ng Grab."

My cellphone rings. It's Liam. Sinagot ko syempre.

"Ahm...pauwi na. Ha!?, wag na. Ako na lang ang pupunta. Sige." Ano ba kasi talaga ang sasabihin ni Liam? Hindi pa kasi kami nakakapag- usap talaga. Busy din naman kasi siya masyado. What a coincidence naman, si Franco pupuntahan si Eunice. Ako pupunta kay Liam. Almost a teleserye! Hindi ko sasabihin sa kanya na kay Liam ako pupunta. Hindi naman kailangang magpaalam pa ako.

"Hi...bro!" Si Sean.

"Hi...bro!" Si Bryan. "Let's go?"

Hmmm...hi, nandito kaya ako. As if wala ako dito noh? Si Franco lang talaga ang pinansin nila? No doubt magkakaibigan nga sila, pati si Eunice nun last time na magkita kami hindi rin ako pinansin.

PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon