Edward:
Maaga akong nagising Wednesday ng umaga. Restday ko ngayon at kailangan ko munang maglaba. Ipinaglalaba din naman ako ni mama pero dahil malaki na ako, ako na ang kusang naglalaba ng mga damit ko. Ayaw kong pahirapan pa si mama.
"Ma? May lakad ka?" Nakita ko kasing nakagayak si mama at mukhang may pupuntahan.
"Papasyal kami ng papa mo sa Tita Sol mo sa Antipolo, gusto mo bang sumama?" Aya sa akin ni mama.
"Hindi na lang ma. Dito na lang ako." Pupunta si Edward ngayong araw."Ma, pupunta si Ed ngayon." Palaam ko kay mama.
"Ganun ba? Sayang naman wala kami ng papa mo. Kayo na muna ang bahala dito. May laman naman ang ref ikaw na ang mag-isip ng lulutuin mo. Ikaw na ang bahalang mag-asikaso kay Edward." Bilin ni mama.
Nag-alert ang cellphone ko. May message si Edward. (gud morning Hugs...see u l8r)
(morning 2 ed, c u lter) Reply ko.
Inasikaso ko muna ang mga labahin ko saka ako pumunta sa palengke para bumili ng malagkit na bigas, gata ng niyog, monggo, asukal at pandan leaves. Pagbalik ko sa bahay ay nagluto na ako ng para sa lunch. Sinaing lang naman at pork adobo ang niluto ko. 10:47AM nang marinig ko ang tunog ng motor na huminto sa tapat ng gate namin.
"Ed..." Nakangiti kong bati kay Edward nang pagbuksan ko siya ng gate namin.
"Hi Hugs." Inabot sa akin ni Ed ang isang plastic ng saging na señorita. Pasalubong niya at paborito namin ito ni mama.
"Salamat Ed. Pasok ka."
"Si Tita Cena at si Tito Bay?" Ang tinutukoy ni Ed ay sina mama at papa.
"Umalis sila, dadalaw sa tita ko sa Antipolo."
"Ganun ba?"
"Upo ka Ed," alok ko. "Feel at home lang. Kagaya ng dati." Nakangiti kong sabi pero namula ata ako dahil sa sinabi ko. Gaya ng dati?
"Salamat Hugs. Tagal din nang huli akong makapunta dito. Namiss ko talaga dito. Namiss kita Hugs."
"Kaya nga eh. Siguro magwa-one year na din noh?" Ang tinutukoy ko ay ang tagal naming nawalan ng communication. Pumunta ako sa ref at kinuha ang tinimpla kong pineapple juice. Paborito ito ni Ed. Dinala ko iyon sa kanya. Nagsalin ako sa baso at inabot kay Ed.
"Thank you, Hugs. Pineapple juice. Naks, di mo pa rin nakakalimutan ang paborito ko Hugs?" Kita ko ang saya sa mata ni Ed.
"Oo naman. Bata pa lang tayo yan na lagi ang iniinom natin kapag nandito ka eh. Madalas may bitbit ka niyan kapag pumupunta ka dito para sure na meron." Natatawa kong sabi. Naglabas din ako ng Pringles.
"Yan naman ang paborito mo. Tuwing makikita ko yan sa 7-11 o di kaya sa grocery ikaw ang naalala ko Hugs. Dapat original flavor lang di ba Hugs?" Tama si Ed, Pringles naman ang paborito ko. Pero dapat original flavor lang. Wala ng iba.
Ahm...naalala talaga ako ni Ed? Nakakataba naman ng puso.
"Ohmmm Hugs. Sorry ah. Lumayo ako sayo."
Medyo nawindang ako sa sinabi ni Edward. Kumbaga hindi ko ini-expect na ito na kaagad ang pag-uusapan namin. Pero okay na rin total siya naman ang nagbukas nun.
"Okay lang Ed. I'm sure may rason ka. Hindi ko sure kung kailangan ko pang itanong kung bakit? Nasa sayo yun kung sasabihin mo o hindi."
"Siguro sasabihin ko na rin Hugs. Na-realized ko naman na mali ako. Kaya nga gusto kong itama. Natakot kasi ako Hugs," sadyang inihinto ni Edward ang sasabihin niya. Natakot siya saan? Parang kinakabahan naman ako? Ako ata ang gustong matakot sa sasabihin niya?
"Natakot ako sa nararamdaman ko," sabi ni Edward. Lalo lang akong kinabahan. Nararamdamang ano? "Hugs," hindi pa muna ulit siya nagsalita.
Hala Ed, huwag mo na akong i-suspense.
"Natakot ako nang maramdaman kong mahal kita Hugs, hindi bilang kaibigan, iba yung love yung naramdaman ko for you Hugs. Subrang duwag ko kaya lumayo ako. Pero hindi ako nilubayan ng nararamdaman ko. Hanggang ngayon iyon pa din hindi nagbabago."
Kung may word na higit pa sa salitang shocked na pwede kong gamitin dahil sa sinabi ni Edward ay gagamitin ko. Hindi ko alam kung paano ako magre-react? Tama ba ang narinig ko? Sinabi ba niya talaga ang mga salitang iyon?
Mahal ako ni Ed? Iba sa bilang kaibigan?
OA ba kung sasabihin kong naiiyak ako? Ang buong akala ko pangit talaga ako. Kaya nga inisip ko na kaya siya lumayo sa akin kasi pangit na ako bakla pa. Sige hindi naman talaga ako pangit pero hindi ako kasing ganda ng kagaya ni Rylle. Yung tipong gugustuhin ng isang kagaya ni Edward o ni Liam kasi pwedeng mapagkamalang babae?
Kaya nga kahit anong pagpa-cute ko kay Liam ay wa-epek. Never kong naramdaman kay Liam na gugustuhin niya ako kagaya ng alam ko kung paano niya itrato si Rylle. Kahit madalas ay tuksuhin ako nina Abby at Rylle nang harapan sa kanya ay dedma siya. Kaya nga matagal ko nang natanggap na hindi ako maganda. Una kasi nilayuan ako ni Edward, pangalawa dahil ipinaramdam sa akin ni Liam yun. Hindi man niya sinasadya.
Kaya sige na, huwag nyo nang sabihing OA ako. Pero naiiyak talaga ako. Hindi ko alam kung pinagti-tripan lang ako ni Edward?
"Hugs..." Sabi ni Edward. Napansin nya siguro na namamasa ang mga mata ko.
"Nagti-trip ka noh? Kagaya nun mga bata pa tayo?" Tanong ko kay Edward. Hindi ko alam kung alin ang mas gusto kong marinig na sagot niya? Oo nagti-trip lang siya? O hindi, hindi siya nagti-trip?
"Hugs, hindi naman pwedeng trip lang to." Kinuha ni Edward ang kamay ko. "Mahal talaga kita Hugs."
Okay, sige sabihan nyo na ako na OA ako. Pero naiyak na talaga ako. Mix emotions ako. Masaya ako na ewan? Mahal ako ni Edward? Aaminin ko special siya sa akin noon.
"Buong akala ko kaya ka lumayo kasi ayaw mo sa akin, kung ano ako."
"Natakot lang talaga ako Hugs. Naduwag ako. Pero ngayon matapang na ako."
"Ed..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakakatawa lang dahil wala akong maisip. Meron pero hindi ko alam kung paano sasabihin? Natatakot akong magkamali.
"Hindi ko hihingin ang sagot mo Hugs. Masaya ako na nasabi ko na sayo na mahal kita. Kung bakit ako lumayo? Promise hinding hindi na ako lalayo."
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ipinagtapat ni Edward sa akin ngayon. Pakiramdam ko nag-iilusyon lang ako. Hindi naman mahirap mahalin si Edward. Aarte pa ba ako? Gaya ng sabi ko special siya sa akin noon.
Pero aaminin ko. Iniisip ko si Liam ngayon.
Written by mikzylove
My work is not perfect please be kind.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...