Wish:
Sabado ngayon, thank God wala pasok. Dapat magja-jogging ako ngayon kaso tinatamad ako. Di ko lang feel.
Maagang umalis si mama mga 5am. Closed ang shop ngayong araw dahil may lakad sila ni Ate Myrna. Papunta silang Cavite para makipaglibing sa high school friend ni mama na namatay dahil sa cardiac arrest.
Pinagpapahinga na lang ako ni mama. Plan ko sanang magduty sa shop pero huwag na nga lang daw. Well maigi na rin para naman makapagpahinga ako dito sa bahay. Ayaw ko rin namang lumabas ngayon.
May nilutong breakfast na si mama. Tinatamad pa akong mag-almusal, alas siete pa lang naman. Ano kaya ang gagawin ko sa maghapon? Wala pa akong maisip. Hindi ko naman kailangang mag-general cleaning ngayon dahil lagi namang malinis ang bahay namin lalo na ang kwarto ko. Araw araw naman kasi naglilinis kami ni mama. Plus hindi rin lang talaga kami makalat sa bahay.
Bumalik na lang ulit ako sa kuwarto. Mahihiga na lang muna siguro ako.
Nakita ko ang cellphone ko nakapatong sa side table malapit sa kama ko. I checked it, may ilang messages from Franco.
Hindi ko na lang muna inopen tinatamad akong magreply.
Siguro kung iba ang sitwasyon namin ni Franco baka excited akong basahin ang messages niya.
May message din pala si Liam. Yung kanya ang binasa ko, emmm curious lang ako kung anong message nya? Ohm! okay, kinakamusta lang naman niya ako. Tapos may pinaasikaso daw sa kanya si Tita Glenda kaya naging busy siya pero gusto daw nyang magka-usap kami kapag hindi na siya busy. Bakit kaya?
Tungkol kaya kay Franco?
Hayssst si Franco. Sa totoo lang sa sarili ko ako naloloka. Dapat hindi eh kaya lang nahopia talaga ako. Akala ko pa naman kagaya ng mga nababasa ko o kaya napapanuod na magseselos siya. Kaso hindi. Shaaaaks nakakahiya naman sa sarili ko. Sa totoo lang paulit-ulit na lang ako. Lagi kong sinasabi na dapat lagi kong tatandaan na pustahan lang ang lahat ng ito. Pero mukhang nakakalimutan ko naman.
Tsssk...kailangang kontrolin ko ang sarili ko.
Napahawak ako sa sentido ko ng maalala ko kagabi.
"Hmmm, magko-commute na lang ako. Huwag mo na akong ihatid. Pupunta ako kay mama sa store, sabay na kaming uuwi." Sabi ko kay Franco. Tinawagan niya si kuya Orly na sunduin na kami sa park.
Hindi naman ako galit kay Franco. Hindi rin naman masama ang loob ko sa kanya. Malungkot lang ako kasi naman nahopia nga ako di ba? Akala ko pa naman magseselos siya tapos kikiligin ako. Kaso hopia nga! It's just a confirmation na wala talaga siyang feelings sa akin. Na pustahan nga lang ito sa kanya.
Sabagay mukha namang straight talaga si Franco. If I said straight for me yung tipong sa babae lang nagkakagusto. Yes others may say na ang lalaki kapag nagkagusto sa isang gay ay gay na rin, opinion nila 'yan and I respect them. For me kung magkagusto ang isang lalaki sa isang gay it doesn't mean na bakla na siya. Ayaw kong ipilit ang politically correct correct na yan. What if nainlove lang talaga yung lalaki sa gay na babae naman ang sexual preference kagaya ko? Okay, medyo madugo yang pinaglalaban ko.
Back to Franco.
Imposibleng magkagusto siya sa kagaya ko. Malakas lang talaga ang trip nila ng mga barkada niya.
"Ihahatid kita. Anong klaseng boyfriend ako kung simpleng paghatid lang sayo di ko pa gagawin. I just want to make sure na safe kang makakapunta kay Tita. Gusto ko ring mag-hi sa kanya."
"Ha!? Hindi naman na kailangan. Safe naman sa dadaanan ko. Magtataka si mama kapag nakita niya tayo. Ano naman sasabihin natin kapag nagtanong 'yon." Tanggi ko.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...