Chap.12.Unfaithful

867 47 2
                                    

Unfaithful:

Kinakabahan ako habang naglalakad papuntang Mosh. Back to work na ako today after three days na absent ako.

Kinakabahan ako dahil syempre kay Liam.

Paano ko kaya siya pakiki-harapan? Pagkatapos naming mag-usap kahapon nang bumisita siya sa bahay ay inihanda ko na ang aking sarili sa dapat gawin? Kikilos na lang ako na parang wala lang. Kaso hindi rin naman ganun kadali yun gawin. Kainis lang kasi ang sarili ko dahil masyado akong apektado. Nakaka-inis na lagi akong kabado.

Naalala ko ang mga huling sinabi ni Liam bago siya umalis.

"...promise Hugs, hindi ko intensyon na guluhin kayo ni Edward. Alam kong mali na ipilit ko pa ang nararamdaman ko. Pipilitin kong kalimutan na lamang ito. Masaya ako para sayo Hugs. It doesn't end here, magkaibigan pa rin naman tayo di ba?"

Tumango lang ako sa kanya kahit subrang kontra dito ang puso ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya na mas lamang siya kay Edward. Alam ko namam kasing mali. Isa pa tama siya, na-late na siya. Feeling ko talaga ang ganda at ang swerte ko, imagine dalawa silang may gusto sa akin? Paanong nangyari iyon? Ganda mo ghurl? Parang napaka-imposible kasi? Oo na, kahit ako din naman hindi makapaniwala. Ganun pa man hindi rin ako masaya na ganito ang sitwasyon ko. May mahal akong iba, pero paano naman ang taong nagmamahal sa akin? Mahal ko o mahal ako? Hindi ko alam na totoo palang nangyayari ang kwento sa kantang iyan?

O di kaya ang kwento sa kantang, it's sad to belong to someone else when the right one comes along?

Pero sino ba sa kanila ang the right one?

Huminga muna ako ng malalim bago ko itulak ang glass door ng Mosh at tuluyang pumasok dito. This is it Hugs. Do your best. Act as if kere lang ang lahat. As if hindi ka problemado dahil mahal mo si Liam pero takot kang mahalin siya dahil may nagmamahal na sayo. Maswerte ka nga minahal ka ni Edward kahit hindi mo siya ganun kamahal, hindi kagaya ni Liam matagal mo na siyang mahal bago ka niya natutunang mahalin.

"Hugs, besssssh! I miss you. Kamusta ka na?" Masiglang bati ni Abby sa akin na with matching akap pa. Maigi na lang talaga si Abby ang makakasama ko sa morning shift. Kahit madaldal at makulit siya syempre mas kumportable pa rin ako na kasama siya. Huwag lang sana siyang mag-hanash ng tungkol sa amin ni Liam. "Okay ka na ba? Magaling ka na?" Pahabol pa ni Abby.

"Okay na ako. Kaya nga pumasok na ako besh. Kamusta anong ganap?"

Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Anong ganap? Ikaw nga ang tatanungin ko kung ano na ang ganap ng maganda kong friend na Hugs is the name. Aba taken ka na! Kamusta na ang lablayp? Kamusta na kayo ni Edward?" Napangiti naman ako, mukhang sa amin na ni Edward ang interest ni Abby. Mas okay na nga na mabaling ang mga pang-iintriga niya sa amin ni Edward at tigilan na niya ako kay Liam.

"Mamaya ko na iku-kwento. Work-work muna tayo." Sabi ko na sinakyan lang si Abby.

"Sige, promise yan besh? Later ha?" Napangiti ulit ako. Naniwala si Abby. Akala ko mapapansin niya na gusto ko lang umiwas sa mga tanong niya."Sige na. Mag-time in ka na muna. Nadiyan si Liam, maaga siyang pumasok."

Napatingin ako kay Abby. Mukhang wala naman siyang ibang hanash kundi ang sabihin lang talaga na nandito na si Liam.

Tumuloy ako sa pinaka-office / staff room ng Mosh. Nandito nga si Liam. Busy siya sa mga paper works. Mukhang sales and expenses report ang pinagkaka-abalahan niya.

"Hi Sir, good morning." Bati ko sa kanya. Wala naman akong choice, alangang dedmahin ko ang boss ko?

"Hi Hugs morning, kamusta ka na? Okay ka na ba?" Itinigil muna ni Liam ang ginagawa niya at tumingin sa akin.

PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon