Second Option:
Tamang nasa bahay na si mama ng dumating kami ni Franco at busy na sa niluluto niya para sa dinner.
"Mama," nag-kiss ako kay mama. "Ano'ng niluluto mo, ma?" Tanong ko. Ang bango kasi ng nululuto niya. Amoy pa lang masarap na.
"Beef estofado, namiss ko ang luto ng lola Cely mo. May empanada akong dala, bumili ako sa mall kanina. Magmeryenda ka na muna medyo matagal pa 'to. May cake pa ata sa ref, Rylle." Si Mama.
"Hmmm...may bisita ako, Ma. Classmate ko. May kailangan lang kaming idiscuss, school related." Inform ko kay mama.
Iniwan ko kanina sa sala si Franco para maghanda ng snacks namin.
"Ganun ba? Hainan mo ng empanada o kaya ay cake. May lemonade akong tinimpla, andyan sa ref. Tatapusin ko lang itong niluluto ko."
"Sige ma, magpapalit lang po ako ng damit pambahay." Inisip ko kaagad kung ano ang susuotin ko?
Naalala ko kasi ang sinabi ni Abby na mahilig si Franco sa makikinis at mapuputi. Oversized v-neck tshirt na kulay baby pink ang sinuot ko at saka short shorts. Sinadya kong ilantad ang makikinis at mapuputi kong legs. Gusto kong magpa-impress kay Franco. At hindi ako nagkamali dahil nakita ko kung paano tinitigan ni Franco ang legs ko.
"Asan si kuya Orly? Bakit hindi siya pumasok dito?" Sinalinan ko si Franco ng lemonade. Naglagay din ako sa platito ng slice of cake at empanada para sa kanya.
"Thank you." Kinuha ni Franco ang empanada at kumagat. "Susunduin na lang niya ako mamaya. Etetext ko na lang siya."
"Ey, napaano yan?" Namumula kasi ang braso ni Franco.
Napatingin siya sa braso niya. "Gessh, sabi na eh. Si Eunice kasi ang kulit pinilit akong kumain ng squid. I'm allergic to squid, " late na nang ma-realized ni Franco kung ano ang sinabi niya. Nakita ko kung paano siya naging uneasy. Of course, I act like kunwari wala akong paki-alam na nadulas siya sa sarili niyang bibig.
One thing I confirmed, malaking kasinunghalingan talaga na hiwalay na sila ni Eunice.
Ang lahat ng ito ay dahil sa plano nilang paglaruan ako. Pagpustahan. At least ngayon, sigurado na akong tuloy ang laban. Wala nang atrasan.
"Wait lang, may anti-histamine meds kami sa medicine cabinet. Kuha lang ako." Ang lakas ng kaba ko habang kumukuha ng gamot. Akala ko ready na ako sa laro nila kaya nga makikipaglaro ako pero ngayong alam kong totoo na ito saka naman ako kinakabahan.
At least I have Hugs and Abby at my back, alam kong kasama ko sila sa larong ito. I'm not alone.
"Take this," binigay ko kay Franco ang gamot. "Lagyan din natin ng ointment yang braso mo para hindi magpasa kapag nawala na yang allergy mo. It has cooling effect to lessen the itch." Nagkusa na akong pahiran ng ointment ang balat niya kahit wala pa siyang permiso. Part of the game. Kailangang ma-showcase ko ang pagiging caring ko. At least may overview na siya kung paano ako maging girlfriend? Marunong akong mag-alaga.
Part of the game, yes! Pero bakit parang hindi ganun iyon sa akin? Parang I'm doing this because I really cared about him? Because my heart say so, na alagaan ko siya.
"Hmmmm... We didn't. I mean, me and Eunice hindi kami nagkabalikan. It's just we only have one set of friends. We can't avoid each other that much. But it wasn't like before na, like old days. Not anymore. We really parted ways..." Malungkot ang boses ni Franco.
Kunwari?
Hayssst. Kailangan ba talagang magpaliwanag niya? Feeling ba niya mabibisto ko sila?
"Hey, there's nothing wrong kung magkabalikan kayo. That coffee incident is such a lame reason para maghiwalay kayo. You don't have to tell me, It's none of my business." Muntik na akong masamid sa sinabi ko. None of my business? Talaga lang ha? Pero heto't nasasaktan ako dahil ang tingin ko kay Franco ngayon ay napaka-sinunghaling talaga.
"It's not just about that coffee incident. I guess we can talk about it na lang some other day. I will tell you all." Pag-iiba ni Franco. Owsss, as in bakit kailangan kong malaman? "You're so caring, Salamat sa pag-gamot mo sa 'kin. Swerte ng magiging boyfriend mo." Deretsong tingin ni Franco sa akin. Somehow alam kong may konting sincerity ang sinabi niya.
I just half smiled. "I know right. Malapit ng matapos si Mama sa ninuluto niya. She invited you for dinner. Para makilala ka na rin daw niya, at sabihin mo na rin ang pakay mo."
Tamang- tamang katatapos ko lang pahiran ang balat ni Franco ng ointment nang lumabas si mama mula sa kusina. Inaya na kami ni Franco para magdinner.
Ipinakilala ko sila sa isa't isa. Okay naman kay mama kung mag-tutor ako sa kanya. Basta ang kondisyon ni mama kailangang bago mag-eight ng gabi ay naihatid na ako sa bahay. Five ang uwian namin from school, so we have atleast three hours para matutoran ko siya.
"Pakibigay nito kay Lola Claire." Nagpadala ako para kay Lola Claire ng niluto ni Mama.
"Thanks. Mamala would be delighted kapag nalaman niyang sayo galing 'to. Gustong - gusto ka niya."
Pinamulahan ata ako ng mukha? At least si Lola Claire ay gusto ako kahit ang apo niya'y napakawalang puso ata.
"I hope na magustuhan niya yan. Beef estofado, luto ni mama."
"I'm sure, she will. Ang sarap kaya, ang dami ko ngang kain. Hmmm...Ry thanks ha. Mauna na ako. Kuya Orly is here na. Pakisabi kay Tita salamat sa masarap na dinner." Tamang tamang may humintong sasakyan sa harap ng gate namin.
"Okay, sa Wednesday na lang." Hinatid ko si Franco hanggang sa labas ng gate namin.
"Goodnight, Ry. Sa Wednesday, I'm excited." And then he kissed me sa cheek ko. Syempre I was shocked. Nawala ako sa mundo ko. Yong heartbeat ko ay naging abnormal. Nakasakay na si Franco sa kotse niya bago pa ako bumalik sa katinuan ko. He waved goodbye habang nakangiti.
This is so wrong. My reaction is wrong. Bakit masyado akong apektado eh alam ko namang naglalaro lang kami? Lalo na si Franco.
Kung magiging ganito ako ng ganito sa huli baka pagsisihan ko lang ang lahat ng ito.
Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Ang mga moves ni Franco, ganoon ba siya kadesperado para lang manalo siya sa pustahan ng barkada nila?
What if hindi ko siya sagutin? I mean makikipaglaro ako sa kanila pero sa huli, it's A NO! Hindi niya ako magiging jowa. Makakaganti pa rin naman ako sa kanya kung ganun ang gagawin ko. At least talo siya. Talo siya sa pustahan nila. Siguro naman ay malaking sugat sa pride niya kung tatanggihan siyang maging boyfriend ng isang kagaya ko. At least may second option naman pala ako?
Sa huli busted siya. Uubusin ko lang ang time at effort niya pero sa huli busted pa rin siya. Loser!
Kaya lang iba ang gusto ng puso at isip ko. Magkasundo sila. Hindi kagaya nang madalas na magkasalungat ang dalawa. Ang gusto nila ang unang plano ko. Gaga rin naman kasi ako, may pagka-ambisyosa. Isipin mo kasi kung walang pustahan ay never kong mararanasan ang maging boyfriend ang isang Franco Alcantara. Might as well magpa-victim na lang muna ako, sa huli hindi naman talaga siguro ako lalabas na talunan?
Enjoy the game na lang siguro? Saka na lang ako magsisisi kapag huli na. Kapag palpak pala ang plano ko. Wala naman kasing pagsisising nauuna.
Bahala ba si Batman!
Come what may...Written by: mikzylove
My work is imperfect, please be kind. Thank you.Comments and Vote.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...