If I'm Not In Love:
"Sa huling pagkakataon Hugs, tatanungin kita. Mahal mo rin ba ako?"
Deretsong nakatingin kami ni Liam sa isat-isa. Kahit nakakailang ay tumingin ako sa mga mata niya. Ang lakas ng kabog syempre ng dibdib ko. Kailangan ko bang umamin sa kanya? Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang totoo? Kailangan pa ba? As if hindi ba niya talaga alam ang sagot? Eh given na yun, alam yun ng lahat?
Kung susundin ko ang puso ko syempre sasabihin ko kay Liam na mahal ko siya. Pero paano si Edward? Hindi pwedeng magpadala ako sa nararamdaman ko. Kahit pa sabihin kong mas mahal ko si Liam kaysa kay Edward mali ito dahil kami ni Edward.
Ngayon ko lang naisip, somehow pareho lang pala silang dalawa? Si Edward iniwan ako nang matagal na panahon dahil natakot siyang mahalin ako. Si Liam kaytagal na panahon bago ako natutunang magustuhan.
Ako ba yung tipong kailangan munang pag-isipan bago magustuhan at mahalin? Baka nga ganun na nga? Dahil pareho silang dalawang pinag-isipan muna bago ako ginusto o minahal?
Let the truth sets you free daw diba? Oh ede sige.
"Kailangan ko pa bang sabihin sayo ang sagot?" Ngumiti ako kahit nasasaktan. I think tama na rin na sabihin ko ito ngayon kay Liam?
"Madaming pagkakataon na ang sakit-sakit ng nararamdaman ko dahil gustong-gusto kita." Hindi ako iiyak promise. Hindi ako iiyak sa harap ni Liam. Kahit halos mabasa na ng luha ang mga mata ko. Pipigilan ko ito.
"Tuwing titingnan mo si Rylle, pero ako hindi mo ako nakikita. Tuwing ngingiti ka sa kanya pero tango lang ang kaya mong ibigay sa akin. Tuwing binibiro nila ako sayo tapos hindi mo masakyan ang biro nila dahil ako ang binibiro nila para sayo. Tuwing tinutukso nila tayo tapos madalas wala kang reaksyon dun. Yung wala kang interes, yung feeling na alam mong hindi interesado sayo ang taong tinutukso para sayo? Nakakapanliit. Hihilingin mo na lang na sana tigilan ka nila para hindi ka na ma-hurt ulit pero syempre hindi mo naman sila pwedeng diktahan. Maraming beses na inggit na inggit ako kay Rylle dahil sayo. Alam mo bang may pagkakataon minsan na feeling ko ang sama kong friend dahil gusto kong iwasan si Rylle kasi ayaw kong magpatuloy ang inggit ko sa kanya? Paano kasi siya lang ang nakikita mo. Minsan kahit alam kong mali dahil wala namang kasalanan si Rylle pero hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Paano kasi nasa kanya ang atensyon ng taong mahal ko?Ilang beses ko bang pinanuod ang pelikulang, bakit hindi ka crush ng crush mo? Madaming beses kasi hindi rin kasi ako crush ng crush ko. Madaming beses na natanggap ko na, na hindi mo ko magugustuhan Liam. Natanggap ko na, na imposibleng mangyari iyon. Kaya ang hirap paniwalaan ng sinasabi mo."
Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago pa iyon pumatak. Ngumiti ako kay Liam ayaw kong isipin niya na masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil lamang hindi niya rin ako gusto noon. Masyado na akong bitter.
"Hugs... I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang saktan ka." Pinunasan ni Liam ang luha ko. Kainis kasi namamasa pa rin ang mga mata ko. Masyado akong emosyonal paano kasi totoo naman ang lahat ng sinabi ko. "Hugs, hindi ba ang mas importante ang ngayon? Hindi mo na ba kayang paniwalaan ang nararamdaman ko para sayo?"
"Hindi ba panakip-butas lang ako dahil hindi na pwede si Rylle?" Gumuhit ang kirot sa dibdib ko.
Mabilis na umiling si Liam. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Wala akong natatandaan na sinabi ko kay Rylle na mahal ko siya? Oo naging special siya sa akin hindi ko iyan itatanggi. Pero Hugs, sayo sinabi ko na mahal kita. Hindi ka panakip-butas dahil wala namang kailangang takpan Hugs. Gusto kita, mahal kita Hugs. Uulitin ko mahal kita Hugs."
Hindi ako makapag-salita. Mahal ko siya pero paano si Edward?
"Ohm, Hugs. Kung ini-isip mo si Edward, ibibigay ko ang karapatan sayo na ikaw ang magdesisyon. After three days Hugs, tatanungin ulit kita. Kung si Edward pa rin, tatanggapin ko ang alok ni papa na lumipat na ako sa Davao. Mosh will be sold to Kurt, Dana's boyfriend."
Naka-uwi ako ng bahay kahit lutang na lutang ako. Ang lalim kasi ng iniisip ko. Kung anu-ano ang tumatakbo sa utak ko. Okay naman na nang iniwan ko si Liam. Kahit paano ay maigi na daw ang pakiramdam niya. Pero ako naman ang hindi mabuti ang pakiramdam.
Ano ang gagawin ko? Sa huli tinawagan ko si Abbygail at sinabi sa kanya ang lahat-lahat.
"Bakla ka ng taon beshhhh!" Kinailangan ko pang ilayo sa tenga ko ang aking cellphone sa lakas ng sigaw ni Abby. "Imagine nagawa mong ilihim sa akin besh na nagtukaan na kayo ni Liam? Ang buong akala ko nasa confession stage pa lang kayo? Yun pala nag-kissed na kayo nun birthday niya?"
Napatirik ang mata ko kahit hindi naman ako nakikita ni Abby. Nakakaloka siya, sa halik siya interesado at hindi sa kung ano ang dapat kong gawin?
"Abby, kalimutan mo muna yang halik halik na yan. Sana pala di ko na nakwento yan." Reklamo ko kay Abby.
"Ay gaga ka talaga besh. Syempre kinikilig lang ako noh? Imagine, Liam kissed you? Ede ikaw na tih! Anyway of course I'm willing to help. Alam mo besh isa lang naman dyan ang solusyon. Gaya ng sinabi na namin sayo." Alam ko na kung ano ang ipapayo niya? Bakit pa nga pala ako tumawag? Gusto kong matawa na ewan? Alam ko na pala pero nagtanong pa ako. "Sundin mo ang puso mo besh." Sabi na eh. "As we all knew na si Liam naman talaga ang laman ng kerengkengkeng na puso mo na kulay red. Unfair kay Edward kung patatagalin mo pa 'to pero sa huli si Liam pa rin di ba?"
Hindi ko na napigilang mapangiti. Paano kasi masyadong given na nga ang ipinayo ni Abby sa akin.
"Kakausapin ko si Edward bukas. Alam kong ang bad ko pero hindi pwedeng mas maging bad pa ako kung patuloy ko siyang lulukohin." Sabi ko kay Abby. Tama na rin naman na sabihin ko kay Edward ang totoo. Deserve niyang malaman ang totoo.
"Dapat lang besh na sabihin mo na kay Edward na hindi mo talaga siya mahal. Mas fair sa kanya yun. Si Liam naman talaga ang mahal mo. Kung ayaw mong mag-alsa balutan ang Liam mo pa Davao."
"Kinakabahan ako besh. Sana lang maintindihan ako ni Ed."
"Ang haba ng hair mo besh. Ganda mo! Wait listen mo to ha, wait lang...this is for Edward." Biglang na lang kumanta si Abby na wala naman sa tono.
🎶 I don't have the heart to hurt you.
It's the last thing I want to do.
But I don't have the heart to love you.
Not the way you want me to.🎶Handa na akong sabihin kay Edward ang totoo. Kakausapin ko siya.
Written by mikzylove
My work is not perfect please be kind.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomantikA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...