New Beginning:
May kinuha si Franco sa drawer niya. Isang maliit na box. Pamilyar sa akin ang jewelry box na 'yun. Ilang beses ko na yung nakita sa kwarto ni mama.
"Binigay 'to ng mama mo sa akin, sabi ingatan ko daw at buksan sa right time. Siguro this is the right time na buksan na natin ito. Baka ito na ang sinasabi ni mama na tamang panahon?" Napatingin lang ako kay Franco. Pero ang luha ko nagbabadya na naman.
Ewan ko ba, sorry naman. Emotional talaga ako, lalo na ngayon.
Binuksan ni Franco ang jewelry box. Tumambad sa mga mata ko ang couple ring. May maliit na papel na nakatupi dun. Kinuha yun ni Franco at binasa namin.
Franco, please take care of Rylle. Sana ay lagi kayong maging masaya. Huwag kayong mag-aaway. - Mama
Napaka short at simple ng message ni Mama pero mukhang inihahabilin niya ako kay Franco. Pangitain na ba niya na iiwanan niya ako?
Kinuha ni Franco ang sising na kasukat ng daliri ko. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot sa daliri ko ang singsing.Tinitigan niya ako sa mata.
"I will, mama. Akong bahala kay Rylle Roan, hinding hindi ko siya pababayaan. I will take care of our Ro." Feel ko ang sincerity ni Franco sa mga binitiwan nyang salita sa akin.
Kinuha ko ang singsing na para kay Franco. Sinuot ko yun sa daliri niya gaya ng ginawa niya. This time hinanap ko sa puso ko ang gusto kong sabihin kay Franco.
"I will mama, gagawin ko ang lahat maging masaya lang kami lagi ni Franco. Aalagaan ko din siya mama. Pipilitin kong hindi siya awayin." Ngumiti ako kay Franco. " Mahal na mahal ko siya mama."
Inakaap ako ni Franco. We kissed na puno ng love bago tuluyang natulog.
Pakiramdam ko bago kaming kasal, pero saka na ang honeymoon, respeto kay Mama.
Kinabukasan sinamahan ako ni Franco na maghanap ng matitirahan ko. Pinaliwanag ko sa kanya ang mga reasons ko kung bakit ayaw kong tumira sa mansion nila. Salamat naman at naintindihan niya ako.
"Franco...hindi ba masyadong mahal dito? Hanap na lang kaya tayo ng iba, yung mas mura lang." Sabi ko.
"Worth the price naman, love. Safe yung place, may security. Nice yung environment. Fully furnished, complete na love. Tayo na lang ang kulang." Si Franco.
"Ha!? Saan ako kukuha ng 12k, monthly? Saang kamay naman ng langit ko kukunin yun? Hanap pa tayo ng mura, love." Pilit ko.
"Sabi ko naman sayo love, ako'ng bahala. Huwag mo nang isipin yang 12k na yan, hati tayo, fifty- fifty tayo. Sa 'kin ang 10k, ikaw na bahala sa 2k. Sa bill fifty-fifty rin tayo." Nakangiti pero seryosong sabi ni Franco.
Nagde-diskusyon kami ngayon, paano ba naman dinala niya ako sa isang hindi ko alam kung condo ba tawag dito o apartment eh? Oceana Place ang name nun building, unit 1201. Pagpasok mo may sala tapos connected na ang kitchen. May second floor pero walang kwarto, pag-akyat mo may kama na. May cabinet at ibang furnitures, tapos may shower at bathroom. Mukhang mga mayayaman din ang nakatira dito.
Nakakaloka, makikihati talaga siya? Fifty-fifty ba yung 10k sa kanya tapos sakin 2k?
"Paanong naging fifty-fifty yun? Ang unfair naman sayo, ako ang titira tapos ikaw ang magbabayad ng mas malaki." Maktol ko. "Pwede namang sa mga mumurahing room for rent lang ako tumira eh." Sabi ko pa.
"Tssssk, Ro as if naman papayag ako na tumira ka sa ganun? Sabi ko sayo di ba? Sasamahan kita. Nangako ako kay Mama na aalagaan kita. Saka titira din ako dito kaya kailangang magbayad din ako."
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomanceA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...