Let's Play the Game:
Sunday, maaga na naman akong gumising para magchurch. Six am ang mass schudule na ina-attendan ko every Sunday.
Ang destiny nga naman dahil nagkita na naman kami ni lola Claire sa simbahan kasama si Franco. Mag-isa lang ako dahil hapon pa magsisimba si mama.
Sa simbahan pinilit kong huwag mailang at magconcentrate sa homily ni Father. Pinilit ko makinig kahit pa nga iba ang epekto ng pagkakadikit ng mga braso namin ni Franco. Kami kasi ang magkatabi. Nasa kabilang side ni Franco si lola Claire.
"At magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa.." Sabi ni Father.
Umugong ang batian ng peace be with you sa loob ng simbahan.
"Peace be with you baby apo." Humalik si lola Claire kay Franco sa pisngi nito.
"Peace be with you po mommyla, I love you." Tugon ni Franco sa lola niya at nagkiss din ito dito.
Ganun din ang ginawa ni lola Claire sa akin. Lumapit siya sa akin para halikan ako sa pisngi at batiin ng peace be with you.
"Peace be with you Rylle..." nagulat ako dahil nagkiss din sa pisngi ko si Franco. Para akong nakuryente. Ramdam na ramdam ko ang init at kinis ng kanyang balat.
"Peace be with you..." nakatingin kong sabi kay Franco pero hindi ako nagbeso. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.
After ng mass ay inaaya ako ni Lola Claire na sumama sa kanila ni Franco para magsnack daw sa malapit na coffee shop pero magalang na tinanggihan ko ang paanyaya ni Lola Claire. Dahil baka naghihintay na si mama sa akin sa shop. Magtataka ito at mag-aalala kapag nalate ako ng dating. Isa pa wala siya ngayong kasama dun kasi nagpaalam si ate Myrna na hindi makakapasok dahil mag-aanak ito sa binyag sa baby ng kapatid nito.
Kabilin bilinan ni mama na pumunta ako sa shop kaagad kapag natapos na ang misa.
"Next time na lang siguro kung ganun Rylle, magkikita pa naman tayo next Sunday. Magpaalam ka sa mama mo next time, sabihin mo si Lola Claire ang kasama mo. Mag-iingat ka apo, see you soon." Sabi ni Lola Claire. Nakangiti ito.
Kumaway lang ako kay Franco at nagpaalam na ako sa kanila para pumunta sa shop.
Pagdating ko sa shop ay may inaasikasong client si mama. Tumulong na rin ako sa pag-assist sa iba pang customer.
Nakabenta si mama ng isa set ng jewelry na nagkakahalagang seventy five thousand pesos. Ako naman ay nakabenta ng hikaw at singsing na medyo malaki din ang halaga.
Nagpaalam na si mama na uuwi na muna at ako na lang ang maiiwan sa shop. Dinala na rin nito ang pinagbentahan para ideposit kaagad sa kalapit na bangko.
Naglilinis ako ng counter top ng maramdaman kong may pumasok. Itinigil ko muna ang ginagawa ko para igreet ang bagong dating na customer.
"Hi Ry...busy?" Nakangiting tanong ni Franco sa akin.
Nasa harapan ko ito ngayon at may bibit na paper bag.
"Kinda...naglilinis lang. What brought you here?" Tanong ko sa kanya. I smiled back. Kahit nagtataka ako kung bakit siya nandito ay hindi ko na lang ipinahalata sa kanya.
"Here...pinadalhan ka ni Lola ng food. Mukhang gustong gusto ka ni Lola." Sabi nito sa akin.
Kinuha ko ang paper bag kay Franco at inilagay sa likod ng counter.
"Asan na si lola? Pakisabi salamat ha." Sabi ko.
"Nasa house na, hinatid ko na siya." Sagot ni Franco. "Are you alone? Hindi ba delikado?" Tanong nito nang mapansing mag-isa lang ako.
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN TAYO? (Boyslove) Complete
RomansA Boyslove story written by mikzylove Pustahan Tayo? Alam kong kung walang pustahan hindi niya ako pag-uukulan ng pansin. Ako ang klase ng taong parang hangin lang sa kanya. Maaaring nararamdaman niya pero wala siyang pakialam kahit hindi niya makit...