PROLOGUE
"Javen!" tuwang-tuwang tawag ko habang patakbong sina-salubong ang lalaking lagi kong kasama sa lahat ng bagay. Espesyal siya para sa akin, at espesyal din ako para sa kaniya. Ganoon kami kalapit sa isa't isa.
"Ayen!" nakangiting tawag din niya sa pangalan ko habang tumatakbo palapit sa akin.
Tumigil kami sa pag-takbo at ngayon ay mag-kaharap na kami, malapit sa isa't-isa.
Pinag-aralan ko ang hitsura n'ya ngayon. Nakaayos ang buhok, halatang bagong ligo, naka-grey hoodie jacket, black pants at sapatos, may suot din siyang wrist watch.
"Bakit bihis na bihis ka yata? Mamasyal ba tayo?" excited na tanong ko pa sa kaniya pero may kakaiba akong nakita sa mga mata niya.
Nakita ko ang lungkot doon sa kaniyang mga mata, pero hindi ko nalang pinahalata sa kaniya na nakita ko iyon at nanatili lang akong nakangiti sa harap niya... kahit sa loob ko ay hindi ko malaman kung bakit ako kinakabahan sa mga susunod niya pang sasabihin.
"uhm... hindi, Ayen. Ako lang ang aalis. Aalis na ako." malungkot na sambit niya sa akin habang ako ay nakatulala sa kaniya dahil ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga sinasabi niya. Ayaw ko nito.
"h-ha? joke ba 'yan?" na-uutal na sambit ko tuloy sa kaniya at ramdam ko na din ang unti-unting pangingilid ng aking mga luha.
"Hindi 'to joke, Ayen. Aalis na ako. Babalik na kami ni mama sa Pilipinas." diretsong sagot niya sa akin.
"Ha? Iiwan mo na ako? 'di ba walang iwanan? At kung aalis ka man... babalik ka din naman agad 'di ba?" malungkot at umaasang tanong ko pa sa kaniya.
"Sorry, Ayen pero... oo iiwan na kita... at hindi ko alam kung kailan ako babalik... o kung makakabalik pa ba ako." mas malungkot na sambit niya naman sa akin ngayon bago siya dahan-dahang lumapit sa akin at niyakap ako kasabay ng tuluyang pag-tulo ng mga luha ko.
"Javen, 'wag ka nang umalis, p-please..." humihikbing paki-usap ko pa sa kaniya at narinig ko din ang pag-singhap niya halatang naiiyak na din siya pero marahil ay pinipigilan niya pa din iyon, ganoon kasi siya palagi.
"Mag-iingat ka palagi ha... ingatan mo ang sarili mo. Mag-aral ka din ng mabuti... I'm sorry kasi kailangan ko nang umalis... at iwan ka." na-uutal niya nang sambit bago niya inalis ang yakap niya sa akin.
Hindi na ako makapag-salita at puro hikbi na lamang ang nagawa ko at patuloy lang na lumuluha ang aking mga mata habang nakatitig ako sa kaniya... Hanggang sa mag-salita na ulit siya.
"Ayen, mag-iingat ka palagi. Alam ko na maari mo akong malimutan kasabay nang pag-lipas ng mga panahon pero... kung malimutan mo man ako, ako rin mismo ang mag-papaalaala sa'yo ng lahat balang araw, pangako." pilit na ngiting sabi niya sa akin at lalo lang akong naiyak dahil sa mga sinabi niyang iyon.
"Goodbye Ayen. Until We meet Again." huling sambit niya pa bago siya tuluyang naglakad papalayo sa akin.
Natanaw ko pa ang tuluyang pag-alis ng sasakyan nila. Napa-upo nalang ako at humagulhol pa sa iyak.
"bye J-Javen... Until We meet Again." humihikbing sambit ko pa nang tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko.
Simula noong araw na iyon ay nabuhay na ako ng wala siya sa tabi ko, nang nasa malayo siya.
At sa pag-lipas din ng mga panahon ay hindi ko inaasahang unti-unti ko na palang nalimutan ang lahat at naging tila isang panaginip na lang talaga ang mga ito para sa akin.
* * * * *
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or events are purely coincidental.
There will be grammatical and typographical errors that you will read along the story.
:-)
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...