27

127 10 0
                                    

JASPHER's POV



Matapos ang pasko ay nag patuloy lang ang mga araw namin. Madaming nangayari sa mga nagdaang araw at naging okay naman ang lahat ng iyon para sa amin. At ngayon nga bisperas naman na para sa bagong taon.





"Javen! aalis muna kami ng kuya mo, ha, mamimili kami ng ibang dadalhin mamaya. 'Wag kang aalis, 'wag mo iiwan dito si Jazel!" rinig kong pag bibilin ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Ayaw niya kasi na maiiwan dito si Jazel ng mag-isa, akala mo naman ay mawawala 'yon. Sa taray nga nun baka pati kidnapper, umatras nalang.





"Sige, Ma! Ingat po!" sigaw ko nalang din naman pabalik sa kaniya. At maya-maya lang nga ay narining ko na ang kotse ni kuya na umandar na paalis.

Mamimili raw sina mama ng madadala mamaya. Nakakahiya nnga namann kasi sa pamilya ni Kath kung wala kaming madadala mamaya kahit pa sinabi ng parents niya na hindi na kailangan na mag dala pa kami ng kung ano.

Noong pasko pa namin ito mga napag-usapan at napag-kasunduan na magsasama na sa pag salubong sa bagong taon, kasama na rin pati ang aming mga pamilya.

Sa bahay nina Kath kaming lahat mamaya, dahil sila rin naman mismo ng pamilya n'ya ang nagaya nito. Kath's family was really nice.




Lumabas nalang muna ako ngayon sa kwarto ko dahil naiinip ma rin ako doon. Kung pwede lang sana akong umalis edi sana ay nasa bahay na ako nina Rine para siya ang kulitin. Pero dahil nga walang makakasama si Jazel dito at hindi ako pwedeng umalis. Siya nalang ang pupuntahan ko sa kwarto niya para siya naman ang guluhin. Baka sakaling makaganti na rin ako ngayon sa mga pang-aasar niya sa akin.





"Ay, pota! Kuya naman, eh! kumatok ka naman sana!" reklamo niya agad sa akin matapos siyang magulat sa biglaan kong pagpasok sa kwarto niya nang hindi man lang nakatok.






"Bakit pa ko kakatok? eh, gusto nga talaga kitang gulatin. Sadya 'yon! Hahahaha!" mapang-asar na sagot ko naman bago ako lumapit sa kaniya at dinaganan siya doon sa kama, nag-reklamo na naman agad siya.




"Aray, kuya! para naman tanga 'to eh!" reklamo niya.





"Hoy! kanina ka pa, ah!.mura ka nang mura! Lagot ka kay mama, susumbong kita." sambit ko naman sa kaniya.




Nag rambulan pa kaming dalawa dito at nag hampasan pa ng mga unan. Para kaming nag re-restling na magkapatid. Tumigil lang kami nang pareho na kaming nakaramdam ng pagod.


Sabay kaming bumagsak sa kama at natawa nalang sa mga pinag-gagawa namin.



"Hahahahaha! ang saya no'n kuya, ah." natatawang sambit niya pa habang hinihingal na at natawa naman ako sa kaniya.


"Hahaha. Kapagod kang bugbugin... tara, tulog muna tayo. Miss ko na rin makatabi matulog ang bebe namin, eh. Hahahaha!" natatawang sambit ko naman sa kaniya, natawa rin naman siya.


Malapit naman kasi talaga kami sa isa't-isa nitong kapatid ko, kahit na madalas kaming mag-bangayan. Biro lang din naman kadalasan para samin ang mga ganoon..





"Sige, kuya! Miss ko na rin 'yon! Hahahaha!" sambit niya rin bago lumapit at yumakap sa akin, dinantay pa ang binti niya sa akin. Napangiti naman ako at niyakap rin siya.





"Ang laki na talaga ng bunso namin! Ang laking baliw! Hahaha!" sambit ko pa at bahagya ginulo ang buhok niya kahit magulo na tuloy yun kanina pa. Tinawanan niya lang naman ako.




Nakatulog na nga kaming mag kapatid sa ganoong style at nagising lang kami ng dahil sa ingay ni Kuya Jhinel.





"Aba! Ang daya n'yo, ah! Bakit 'di n'yo ko sinali d'yan!" reklamo niya bago nakidagan sa amin ni Jazel.





Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon