20

150 14 0
                                    

AYLA's POV

EK CELEBRATION PART 2


Nandito naman kami ngayon sa isang stool ng skill game. Kailanagan naming makakuha ng rubber ducks gamit ang fishing rod, sa bawat ducks ay may nakalagay na size nang makukuha na premyo. Ang boring nito, yung apat lang 'yung nag-eenjoy dito, eh.





"Whoop! Large sana!" sambit ni Rine matapos makahuli. Kinuha niya yung rubber duck at tinignan yung size.




"Ang daya naman! Large dapat, eh! Bakit small 'to?" reklamo niya rin agad dahil small lang 'yung nakuha niya, ini-abot naman sa kaniya nung babae yung premyo niya na isang maliit na donut stuff toy. Inasar tuloy siya ng mga kaibigan namin.




"Hahahaha! Donut na nga lang premyo mo, yung hindi pa nakakabusog! Hahaha!" pang-aasar nina Jaspher sa kaniya.




Si Rine lang kasi ang nakakuha ng small sa amin, kay Kath ay medium tapos yung samin nina Erin at Jaspher pere-perehong large.



Inggit na inggit tuloy sa amin si Rine. Inis na inis pa siyang lumipat sa panibagong stool at nag laro ulit, natawa nalang kami sa kaniya.



Naglaro pa rin kami ng iba't-ibang laro dito bago namin naisipan na sumakay naman sa 'anchors away.' Pumila muna kami para makasakay.





"Ang haba naman ng pila dito, mauubos lang oras natin dito!" reklamo pa ni Erin habang nakapila kami, pero wala nang pumansin pa sa kaniya dahil lahat kami ay nakatutok at nakaabang sa daloy ng pila para makasakay na. At nang kami na nga ang sasalang ay dali-dali kaming mga sumakay at nag kaniya-kaniyang pwesto.



Agad nang nag simulang umandar itong ride, naramdaman ko rin naman agad ang panginginig nitong katabi ko, si Erin. Siya talaga ang pinakamahina sa amin sa mga ganito.


Unti-unti nang lumalakas ang pag uggoy nitong ride at lalo pa itong lumalakas na parang titinatalyang na kami sa ere.


Kasabay ng pagwasiwas ng nitong ride ay pagkarindi ko rin sa mga sigawan ng mga kasama ko dito, nangingibabaw na naman ang sigaw dito ng mga kaibigan ko, pati nga si Jaspher nasigaw na rin ngayon, para silang tinatanggalan ng kaluluwa.




"PUCHAA! ITIGIL N'YO NA 'TO!! PAKIUSAP! WAAHHH!! MAMA!" pag-sigaw nila, nagmamakaawa na habang ako ay tawang-tawa na naman sa mga hitsura nila.

Ang saya talaga nito! Hahahaha!




At nang tumigil na itong ride ay agad na rin kaming bumaba. Pasiring- siring na naman silang bumaba at tumatawang sumunod naman ako sa kanila habang bahaya pa silang inaalalayan dahil halatang mga wala pa sila sa wisyo.




Hinigit ko na muna sila paupo sa isang bench. At matapos ko sila paupuin ay tinignan ko isa-isa ang mga hitsura nila at lalo lang akong natawa nang matapos silang pagmasadan.





"Mukha talagang naiwan ang mga kaluluwa ninyo sa ride na 'yon! Hahahaha!" sambit ko pa sa kanila.




"Tangina, parang nilamutak ang sikmura ko, susuka ata ako." sambit ni Kath habag nakapikit at nakahawak sa may tapat ng sikmura niya, inabutan ko tuloy siya ng tubig.




"Kaya pa ba? Tara naman sa Rio Grande! Hindi na kayo mahihilo doon, mababasa lang hehe." maya-maya'y pag-aaya ko na rin ulit sa kanila at agad naman silang umangal.





"Teka naman Ayla! Tawa ka lang ng tawa doon, samatalang kami halos mahalit na ang lalamunan sa pag sigaw!" medyo namamaos pa na reklamo sa akin ni Erin.




Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon