AYLA's POV
Sa dalawang linggo na natitira sa akin dito sa Pilipinas ay nag decide na akong sulitin nalang 'yon kasama ang mga kaibigan ko. At 'yon nga ang ginawa ko.
Noong isang araw ay sinulit ko kasama ang mga kaibigan ko sa buong maghapon at magdamag.
Namasyal kami, nag laro sa luna, at marami pang iba. Sinigurado ko talaga na naging masaya ang araw na 'yon kahapon, pero sa kabila nang lahat ng 'yun ay wala pa rin silang kahit anong ideya kung bakit namin 'to ginagawa.
At ngayon nga ay ang huling araw.
Huling araw na 'to, at siguro matatagalan pa bago maulit ang mga nakasanayan naming gawin ng magkakasama.
Sa araw na ito sasabihin ko na sa kanila ang tungkol sa pag-alis ko. Magpapaalam na ako sa kanila.
["Hello, ang aga n'yo naman tumawag,"] inaantok na sambit ni Erin mula sa video call naming magkakaibigan.
["Oo nga, ang aga pa, eh. Ano ba meron?"] sambit naman ni Kath habang sina Javen at Rine naman ay inaantok lang din na inaantay ang sasabihin. Natawa tuloy ako sa mga hitsura nila.
may mga muta pa, eh, hahahaha.
"Kita tayo ngayon sa park," sambit ko sa kanila, at pare-pareho na sila ngayon na nagmulat nang ayos ng kanilang mga mata.
["Ha?! ang aga naman Ayla! Nagkita na tayo kahapon, eh, miss mo agad kami?"] sambit ni Rine sa akin.
["Bakit? ano ba meron Ayen?"] tanong naman ni Javen.
"uhm... may sasabihin kasi ako sa inyo," sagot ko naman at saglit pa silang natahimik matapos kong sabihin iyon.
["Ah, gano'n ba? sige, pupunta na ako. Kita kit's tayo, doon lang naman sa park dito sa village 'di ba?"] sambit naman sa akin ni Kath.
"Oo, doon lang. Pupunta na rin ako." sagot ko.
Sa huli ay pumayag na rin naman sila kaya pupunta na sila ngayon doon.
Nagsuot lang naman ako ng itim na leggings at simpleng hoodie jacket dahil malamig pa sa labas, babago pa kasing nasikat ang araw. Nagpaalam din muna ako kay tita ko bago ako tuluyang umalis sa bahay.
"Tita, alis muna ako. Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko." pagpapaalam ko kay Tita Celine.
"Ah, sige. Ingat at bumalik ka rin agad para makapag-impake ka na rin. Magbabyahe na tayo papuntang Manila mamayang gabi dahil madaling araw ang flight natin." pag papaalala niya pa naman sa akin bago ako tuluyang umalis sa bahay. Naglakad na ako papunta sa park dito lang sa loob lang ng village namin.
Nakarating na ako dito sa park at nadatnan ko na agad dito si Kath dahil siya ang pinakamalapit ang bahay dito.
"Ano ba sasabihin mo sa amin? parang ang seryoso ata, ah. Hahahaha" pabirong sambit niya sa akin at bahagya lang naman akong ngumiti sa kaniya.
Hindi ako nagsalita at umupo nalang muna sa katabi ng swing na inuupuan niya ngayon. Hinintay nalang namin 'yung tatlo hanggang sa dumating na rin nga sila. Kumpleto na kami ngayon dito.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...