25

132 11 0
                                    

AYLA's POV



Nagpatuloy ang mga araw, natapos na ang aming klase. At ngayon nga ay bisperas na ng pasko, abala na ang bawat pamilya sa paghahanda para sa okasyon.



Dito sa village namin, ang lahat ng pamilya ay naghahanda at nag sasama-sama sa isang malaking hall dito sa loob ng village.

Pumupunta doon ang lahat tuwing pag sapit ng alas-dos matapos makapag-noche buena ang bawat pamilya sa mga sariling bahay.






"Ayla, ikaw na ang gumawa ng grahams na 'yon. Ang dami ko pang ginagawa dito, eh." utos sa akin ni Tita Celine, habang patuloy sila ng lola ko sa pagluluto ng ibang putahe.






"Sige, tita. 'Wag nyo na din kasing damihan masyado ang handa natin, tatlo lang naman tayo. Mapapagod lang kayo masyado." sagot ko naman bago sinumlan gawin 'yung grahams.



Pare-pareho kaming abala sa kaniya-kaniya naming ginagawa at niluluto. At nang matapos na kami ay inayos naman namin ang mga handa sa lamesa sa dinning area.


Pagkatapos ko naman doon ay pumasok nalang din muna ako sa kwarto ko para magpahinga muna kahit saglit.


Pabagsak akong nahiga sa kama at kapipikit palang ng mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.


Nagmulat nalang ulit ako ng mata at tamad na tamad bumangon para kunin ang phone ko.

Nakita 'kong tumatawag doon ang mga kaibigan ko sa gc namin, napabuntong hininga nmana muna ako bago ko sagutin iyon.





["Hi Ayla!"] bungad naman nila sa akin.




"hmm... ano kailangan n'yo? bakit kayo napatawag?" tanong ko naman sa kanila.




["Wala naman. Bakit? naabala ka ba namin?"] sambit sa akin ni Erin.




"Oo." diretsong sagot ko naman at umasta agad silang lahat na parang nasaktan sa sinabi ko.

tss... ang OA nila.





["Grabe yom! awts, gege."] pabirong sambit pa ni Rine habang nakahawak sa dibdib niya at umaaktong nasaktan talaga sa sinabi ko.





"Tss... tumigil nga kayo. Pangit niyo." pag saway ko na naman sa kanila kaya umayos na ulit sila.





["uhmm... Ano ba plano n'yo mamaya? pasko na mamaya, ah."] tanong sa amin ni Jaspher, iniba na ang usapan.



["plano hmm??"] umaktong nag-iisip naman si Rine.


kalokohan kasunod nito, pustahan pa.

At tama nga ako na may kasunod yung kalokohan.





["Plano namin gulatin si Santa Claus! Sama ka?"] malokong sagot nga ni Rine at natawa naman kami.




["Gago ka talaga Rine! Hahahaha!"] natatawang sambit pa ni Kath sa kaniya.




["Ano Kath? Ako gago? Hala! Si Kuya Kean, oh, nasa likuran mo!"] pananakot naman ni Rine kay Kath at napalingon nga naman bigla si Kath sa likuran niya dahil doon. Nagtawanan na naman kami.

["Hahahaha! mura nang mura, takot naman sa kuya!"] natatawang sambit pa ni Erin kay Kath, inirapan lang naman siya ni Kath.





Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon