34

120 13 0
                                    

AYLA's POV

"Good day everyone this is Captain Sanchez, speaking.
I would like to welcome you all on board. We're now cruising at the alititude of
36,000 ft and our flight is bound to Manila, Philippines. For now just seat back, relax and enjoy the rest of our flight.
Again this is Captain Sanchez of Avia Airlines. Welcome aboard!" announcement ng isang pamilyar na piloto mula sa cockpit ng eroplanong sinasakyan ko ngayon.

Napangiti ako matapos marinig ang announcement na 'yon, hindi lang dahil sa pag-uwi ko sa Pilipinas kundi dahil alam ko na ang nasa loob ng cockpit na 'yon ay ang kaibigan ko, si Rine.

Captain Rinezelle Jay Sanchez...

Hindi niya alam na isa ako sa mga pasahero niya ngayon kaya excited na rin talaga ako na makapag landing kami para makaharap ko na ulit siya. Makikita ko na ulit sila.

Sa nakalipas na anim na taon ay hindi ko sila nagawang makalimutan. Sa anim na taon na 'yon ay ilang beses kong sinubukan makabalik sa Pilipinas para makasama sila at ngayon heto na ako, sakay na sa eroplano papuntang Pilipinas.

Habang nasa byahe ay nakatulog lang ako at nagising lang ako nang gisingin ako ni Axcel dahil  nag lalanding na raw kami.

"Ate, wake up. We're now landing on the Philippine airport. Gising na." pangigising niya nga sa akin at inuga-uga pa ang balikat ko kaya nag mulat na rin ako ng mga mata at umayos na nang pwesto.

Kasama ko sila ngayon ni Aycel dito sa Pilipinas. Nag pumilit silang sumama sa akin dahil gusto raw talaga nila maranasan tumira dito. Susunod din raw naman dito ang mga magulang namin kasama rin sina inay at tita, siguro next month.

At nang makababa na nga kami sa eroplano ay pinauna ko na sina Aycel at Axcel sa sasakyan namin.
Nagpaiwan lang ako dito sa loob ng airport, nag aabang sa isang piloto.

At mayamaya nga lang ay natanaw ko na nga siyang prenteng nag lalakad habang hila-hila ang maleta niya at may suot pang shades, kitang-kita rin ang magandang hubog ng katawan niya sa uniporme niyang suot.
Tinawag ko siya para matawag ang atensyon niya.

"Rine!" pag tawag ko sa kaniya at kumaway pa.

Napahinto naman siya agad at ibinaba ang suot niyang sun glasses. Tinignan niya akong mabuti, nakaawang pa ang kanyang mga labi kaya natawa ako.

"A-ayla?" hindi pa rin maka-paniwalang sambit niya habang nag lalakad papalapit sa akin.

At nang makalapit na nga siya sa akin ay agad naman akong yumakap sa kaniya.

"Namiss kita Captain!" sambit ko pa habang nakayakap sa kaniya. Gumanti na rin naman siya ng yakap sa akin kaya mas napangiti ako.

"Namiss din kita! Bakit ngayon ka lang bumalik?!" sambit nya rin sa akin bago kami humiwalay pareho sa yakap.

"Natagalan eh, pero at least nakabalik ako 'di ba? Congrats! Captain ka na!" sambit ko naman sa kaniya.

"Thanks. Ikaw? Ano ka na ngayon? I didn't hear anything about you before, we lost our communication too." sambit niya naman.

"I am the CEO of our company now. Kaya rin ako nakabalik dito ngayon ay dahil sa bagong bukas na negosyo namin dito. And yeah, we lost our communication. We became too busy with our lives Hahahaha." sambit ko naman.

"Yeah, right. So... saan ka mag stay ngayon? wala ka 'bang kasama?" tanong niya naman sa akin ngayon.

"Babalik kami sa village. May kasama ako, sina Aycel at Axcel nasa sasakyan na sila hinihintay ako." sagot ko naman.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon