JASPHER's POV
Simula noong umalis ulit si Ayen, ginawa ko talaga ang lahat para matupad ko yung pangarap ko. Tinapos ko yung pag-aaral ko. Naging engineer ako. Naabot ko yung pangrap kong career.
Natupad ko yung pangako namin sa isa't-isa bago siya umalis... yung panagako na tutuparin namin pareho ang pangarap namin kahit na mag-kalayo kami. Kahit pa nasa mag-kaibang lugar kami ay mag-papatuloy lang kami sa pag-tupad ng pangarap na namin.
At kapag natupad na namin pareho yon ay pareho rin kaming babalik sa isa't-isa.
Hinintay ko siyang bumalik. At bumalik nga siya. Hindi niya ako binigo, tinupad niya yung pangako niya.
Successful na rin siya ngayon sa career niya. Proud na proud ako para sa kaniya.
At ngayon nandito na rin siya, kasama namin.
Hindi ko na rin pinalagpas yung panahon na 'yon. Niligawan ko siya. At naging worth it talaga lahat ng pag-hihintay ko. Girlfriend ko na siya.
Sobrang saya ko sa kaniya. Sobrang saya namin para sa isa't-isa. Hindi ako nakaramdam ng sawa sa kaniya kahit minsan. Siya rin ang pahinga ko sa bawat araw na lumilipas na magkasama kami.
She's my home.
Sobra yung pagmamahal ko para sa kaniya hanggang sa umabot na nga kami ng ilang taon. Sa ilang taon na iyon ay isa lang ang pinanatili ko sa isip ko. Siya ang pakakasalan ko.
Pero mukhang hindi agad umayon ang tadhana sa kagustuhan kong 'yon... Dahil hindi ko inaasahan na dadating rin pala kami sa punto na masisira lahat ng meron kami.
Sinubukan kong ayusin agad 'yon kaso ayaw niya na talaga noon. Sumuko siya agad. Umayaw siya agad.
Pinili niyang 'wag na muna akong pakinggan dahil nabingi na siya sa sakit na nararamdaman niya.
At dahil rin nga sa sakit na iyon ay nagkaroon na naman siya ng dahilan para umalis pero pagkakataon na yon ay wala na akong idea kung saan siya pumunta.
Napilitan nalang rin akong sumuko. Sumuko ako at nag-simula ng bago. Sinumulan ko ng panibago ang buhay ko.
Umalis ako sa company ni kuya. Hindi naman sa ayaw ko na doon pero gusto ko lang talaga mag-simula ng bago. Tsaka ayaw ko rin makita si Khloe doon, kasi tangina siya. Hindi ko rin naman siya masisante doon dahil ayaw ko rin naman sumira ng kahit ano sa buhay ng tao, ayaw kong gumaya sa kaniya.
Nag-simula nalang ako ng sarili kong kompanya. Mahirap noong una, syempre.
Pero unti-unti naging maayos rin lahat.
I grown up and my career have grown a lot too.
I became more proud of myself.
Hanggang sa dumating na ulit yung oras na nag-tagpo na ulit kami.
Hindi ako umaasa na maibabalik ko ang lahat sa dati kahit makausap ko pa siya. Ilang taon na rin kasi ang lumipas. Baka nalimutan niya na ako, pati yung pag mamahal niya sa akin ay maaring nalimutan niya na rin.
Marami nang nag-bago, pero hindi lahat. Mahal ko pa rin siya... mahal na mahal. At mahal niya pa rin pala ako.
Pagkatapos nang ilang taon nagawa niya na akong pakinggan. Nasabi ko yung totoo. At nasabi namin na mahal pa rin namin ang isa't-isa.
Nabigyan ulit ako ng pagkakataon. Naayos ulit namin. Naibalik namin. Bumalik kami sa isa't-isa.
At sa pagkakataon na 'to sigurado na kami pareho.
Siya ang papakasalan ko. Siya ang mahal ko at mamahalin pa hanggang sa dulo ng habang buhay.
She's my best friend, my love and she's my home. She's my home that's why I'll always be back for her.
:-)
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...