13

157 24 0
                                    

AYLA's POV



Nanonood na kami ngayon ng movie. Nandito kami nina Kath at Jaspher sa may sofa, nasa gitna nila ako habang mag-katabi naman malapit sa harapan ng tv screen sina Rine at Erin, doon sila nag babangayan ngayon.





"Pre! kamukha mo, oh! Kailan ka pa nasali sa Conjuring?! Hanep na 'yan ah! HAHAHAHA!" pang-aasar ni Erin kay Rine, pati kami nina Kath ay natawa sa biro niya.





"Tanga! Matagal na! Kasama ka nga rin d'yan eh! gagong 'to!" sagot naman ni Rine kaya mas natawa kami.



"HAHAHAHAHA!"




"Hindi na naging horror ang pinapanood natin, eh! Tawa kasi ng tawa, lintek na 'yan!" sigaw tuloy ni Kath sa amin.


Tama siya, hindi na naging nakakatakot itong pinapanood namin! kasi naman, puro nalang kami tawa!





"Hahahaha! Hayaan mo na! Ano na ba next natin gagawin?!" sambit ni Rine sa amin.





"Tara, kantahan!" sagot naman agad ni Erin, nag-aaya na ng jamming.





"Anong klaseng kantahan? Karaoke? May magic sing ba kayo Ayla?" inosenteng tanong sa akin ni Jaspher.





"Wala." diretsong sagot ko naman sa kaniya habang pinipigilan ang pag tawa.





"Hahahaha! Hindi naman kasi gano'n ang gagawin natin Jaspher Hahaha! Jamming lang tayo, si Ayla ang tutugtog ng gitara! Ganon palagi ang ginagawa namin, eh." natatawang paliwanag naman sa kaniya ni Kath, napakamot nalang naman si Jaspher sa batok niya.





"Ah, sige. Pwede rin ako tumugtog ng gitara." sagot naman ni Jaspher.





"Talaga? Marunong ka, pre?" mangha na tanong naman ni Rine sa kaniya at naka-ngiting tumango lang sa kaniya si Jaspher.



Marunong rin pala siya mag gitara, edi ayos may makakasalitan ako sa pagtugtog.







Kinuha ko ang gitara ko at pumuwesto na sila nang paikot sa paligid ko. Nag-simula naman agad akong tumugtog.




Una kong tinugtog yung 'Ikaw Lamang' ng Silent Sanctuary.
Iyon kasi ang request nila.




Sinabayan namin ng pag-kanta ang pagtugtog ko sa gitara. Marunong kaming lahat kumanta kaya mas nagiging masaya talaga itong kantahan namin.





Pagkatapos kong makatugtog ng dalawa pang kanta ay si Jaspher naman ang tumugtog. Binigay ko sa kaniya ang gitara at nag-palit kami ng pwesto.





Tinugtog niya yung 'Magbalik' ng Callalily. Tinugtog niya rin ang isa sa paborito kong kanta simula pagkabata, iyong kantang 'Umbrella.'





Magaling pala siyang mag gitara, lalo na dun sa pag- plucking. Mukhang matagal na siyang nag-gigitara, parang sanay na sanay na siya, eh.





Ako rin naman matagal na rin akong naggigitara, bata palang marunong na ako. Sa pagkaka-alala ko pa nga ay may bata lang na nagturo sa akin no'n, kaso ay hindi ko na matandaan kung sino iyon, pero pasalamat ako sa kaniya dahil natuto ako nito. Naging libangan ko na ito. Music used to comfort me.







Saglit pa kaming nag-kantahan hanggang sa pareho na kami ni Jaspher na tumigil sa pagtugtog, habang iyong tatlo ay gustong-gusto pa at nag-pupumilit na tumugtog pa raw kami, pero ayoko na!






Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon