26

130 13 0
                                    

JASPHER's POV



"Ano ulit 'yung tinawag mo sa'kin? A-ano 'yung tinawag mo sa'kin?" takang tanong sa akin ni Ayla matapos ko siyang tawagin sa nickname niya na ''Ayen."



Alam ko na nabigla siya doon dahil alam ko rin na walang ibang nakaka-alam at tumatawag sa kaniya ng Ayen, kundi ang pamilya niya at ako noong mga bata palang kami.

Maging ako ay nabigla sa sarili ko nabg matawag ko siya ng ganoon, hindi na naman ako nag-ingat at natawag ko siya sa pangalan na 'yon.




Matagal na namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, nakatitig lang kami sa isa't-isa na may mga pinaghalong gulat at pagtataka sa mga mata habang parehong napupuno ng iba't-ibang tanong ang sariling utak.


Ano nang gagawin ko? Sasabihin ko na ba? kaya ko na ba?





"uhm... Aye--" handa na sana ulit akong mag salita pero hindi ko rin naituloy pa 'yon dahil sa pagdating ng mga kaibigan namin.




"Eto na regalo namin!" sigaw pa nila habang papalapit na sa amin, kaya napabaling na rin kaming pareho ni Ayla sa kanila. Hindi ko na nasagot yung mga tanong ni Ayla at hindi na rin naman siya nag tanong pa ulit ng tungkol doon.




Nagbigayan nalang kami ng mga regalo sa isa't-isa bago nagkwentuhan. At sa loob ng sandaling iyon ay puro pag-iwas lang kay Ayla ang ginagawa ko.

Hindi pa rin talaga ako handa.





"Oy, tara na muna ulit doon sa loob. Hinahanap na ko ni Kuya, eh." maya-maya'y aya na rin naman ni Kath sa amin at sumama na rin nga ulit kami sa kaniya pabalik doon sa loob ng event hall.


Bitbit ang mga natanggap na regalo ay magkakasama kaming bamalik ulit sa loob nitong event hall at bumalik na sa pwesto ng mga sariling pamilya namin.



Masayang natapos ang gabing iyon, nag paalam na rin kami ng mga kaibigan ko sa isa't-isa bago kami tuluyang umalis sa doon at umuwi na.


Napagusapan rin namin na mag sama-sama sa New Year celebration. Inaya kami ni Kath na sa kanila nalang mag celebrate ng New Year, kasama na rin ang mga pamilya namin.




Pero sa kabila ng kasiyahan ng lahat sa gabing ito, hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot para sa amin ni Ayla.




Nahihirapan na rin ako at gustong gusto ko nang sabihin sa kaniya ang lahat. Gusto ko na muling mag pakilala hindi lang bilang Jaspher kundi bilang si Javen, ang kababata niya, ang best friend niya.

Pero hindi ko alam kung paano ko gagawin ang lahat ng 'yon.




Nakauwi na kami ngayon sa bahay at narito na ako sa kwarto ko, nakahiga lang sa kama habang nakatulala sa kisame, nalulunod na sa kakaisip.





Pero natigil rin ako doon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang tumatawag doon. Napabalikwas pa ako sa pagkakahiga ko matapos kong makita ang caller name.


Ayla calling....


Nakailang hugot pa ako ng hininga bago ko nagawang sagutin ang tawag.




"Hello," sinikap 'kong 'wag mautal.




["mmm... Hi, sorry napatawag pa ko, eh, gabi na. May gusto lang sana akong itanong sayo. 'Yung nangyari kanina? Hindi ako makatulog, eh. Hahaha."] sambit niya sa akin mula sa kabilang linya at kinabahan naman agad ako.


A-anong sasabihin ko sa kaniya? Sasabihin ko na ba?



Bumuntong hininga ako at pilit binuo ang lakas ng loob ko. Sasabihin ko nalang sa kaniya. Hindi man sa ganitong paraan ang plano 'kong pagsasabi sa kaniya ng totoo pero mas maganda na rin 'to dahil pag ganito, hindi ko makikita ang lungkot at galit sa mata niya.

Hindi ko yata kayang makita ang mga 'yon sa mata niya nang harapan, eh.






"uhm... Ayla 'yung kanina natawag kita bilang A-ayen kasi...'yun nalang bigla ang lumabas sa bibig ko." my suddenly change of words and plan. Ang tanga pa ng naging palusot ko.

Ang tanga ko naman, tsk!



Hindi siya sumagot sa kabilang linya kaya nagsalita na muli ako at pinagpatuloy nalang pag sisinungaling kahit alam 'kong isang pagkakamali na naman itong ginagawa ko sa kaniya.






"Yon na kasi 'yung lumabas bigla sa bibig ko kanina, eh. Tinawag kitang "A-ayen" kasi nickname mo yun 'di ba? Narinig ko ang lola mo na tinawag ka ng ganoon, eh, ginaya ko lang. Pero kung ayaw mo naman na tawagin kita ng ganon, o-okay lang. Ayla nalang talaga itatawag ko sayo." mahabang litanya ko pa, parang tanga na nag papaliwanag ng isang kasinungalingan na naman.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nanatiling tahimik parin siya sa kabilang linya. Tinignan ko ang screen ng phone ko at on-going pa naman ang call.





"Hello? Ayla? nand'yan ka pa ba?" sambit ko tuloy sa kaniya.





"mmm... Oo, nandito pa ko. Sorry, nabigla lang ako sayo kanina. Pamilya ko lang kasi talaga ang hinahayaan ko na tumawag sa akin no'n." sagot niya sa akin.




"A-ah, ganoon ba? sige, Ayla nalang talaga itatawag ko sayo. Okay na ba? May tatanong ka pa ba?" sambit ko sa kaniya.




"Wala na. Thanks for your time. Merry Christmas ulit sayo Jaspher." sagot niya naman.




"Merry Christmas Ayla. Goodnight." sambit ko sa kaniya.




"Goodnight." sagot niya rin bago tuluyang i-end ang call.


Matapos non ay pabagsak nalang akong napahiga sa kama ko kasabay ng malakas na pagbuntong hininga.

Sorry Ayen. Hindi pa rin pala talaga ako handa. I'm sorry.


















:-)

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon