AYLA'S POV
"HAPPY BIRTHDAY ATE!!" sigaw ni Axcel na kapapasok lang sa kwarto ko at diretsong lumapit sa kama ko bago ako daganan.
"aray naman, Axcel!" reklamo ko dahil nasaktan na ako sa pagka-dagan niya sa akin pero tinawanan niya lang ako bago ako lalong guluhin.
"Hahahahaha! Get up, old lady! Hahahaha!" pang-aasar niya sa akin ngayon habang hinihila ako paalis sa kama ko.
"bwisit ka Axcel!" inis na sambit ko tuloy sa kaniya pero lalo lang siyang natawa.
"Hahahahaha! don't speak bad words old lady! hahahaha!" patuloy na pang-aasar niya sa akin.
kanina pa 'to ah... old lady amp...
"Tigilan mo ko Axcel ha! Wag mo sirain ang birthday ko! And I'm not an old lady, okay?! I'm not that old, I'm still young!" bulyaw ko naman sa kaniya bago ko siya palabasin sa kwarto ko.
Pumasok naman agad ako sa CR ng kwarto ko para maligo at makapag ayos ng sarili.
Nagsuot lang ako ng simpleng shorts at basic white shirt bago ako lumabas sa kwarto.Wala akong nakahandang party o kahit ano, mamayang gabi ko pa kasi planong mag bigay ng simpleng dinner para sa mga empleyado ko sa kompanya at plano ko lang rin na yayain ang mga kaibigan ko na kumain sa labas.
Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa party.Pagkalabas ko nang kwarto ko ay sinalubong naman agad ako ni Aycel. Nakangiti siyang bumati sa akin, hindi gaya ng pag bati sa akin ni Axcel na puro pang-aasar lang.
"Happy birthday Ate!" bati sa akin ni Aycel bago lumapit at humalik sa pisngi ko kaya agad rin akong napangiti.
"Thanks, Aycel. Nasaan na si Axcel? Lokong 'yon ang aga mang-asar at sa araw pa talaga ng birthday ko!" sambit ko naman sa kaniya ngayon kaya natawa siya.
"Hahahaha! Nasa labas na siya, hinahanda 'yong kotse. Aalis tayo ate." sambit niya naman ngayon na siyang kinabigla ko.
"aalis tayo? saan tayo pupunta?" pag-uusisa ko naman sa kaniya.
"yeah, we're going somewhere, so go back to your room now and change your clothes." sagot niya naman sa akin at inutos pa na mag palit ako ng damit kaya nag lakad na ulit papasok sa kwarto ko.
"Wear a dress!" pahabol niya pa talaga sa akin kung ano ang dapat 'kong isuot.
saan naman kaya kami pupunta?
At gaya nga ng sabi sa akin ni Aycel ay nagsuot ako ng dress. Nakasuot na ako ngayon ng isang simple ngunit magandang yellow dress na mayroon ilang palamuti, umaabot rin ang haba nito hanggang sa ibaba ng tuhod ko. Flat sandals lang din ang suot ko ngayon dahil gusto ko naman muna mag pahinga sa pag susuot ng heels, kagaya ng suot ko tuwing nasa opisina ako.
"Ate! Let's go! Hurry up!" pag tawag na naman sa amin ni Axcel mula sa labas ng bahay kaya lumabas na kami ni Aycel at nagpunta sa sasakyan namin.
Pagka-sakay namin ay walang imik na agad pinaandar ni Axcel ang kotse paalis. Sakay na kaming magkakapatid ngayon dito sa Lexus na kotse ko.
galing pumili tsk...
"Galing mo pumili ha, ito pa talagang lexus ko!" sambit ko kay Axcel, ito kasi talaga ang paborito niyang gamitin na sa mga kotse ko.
"Of course! pipili na rin naman ako, edi 'yong favorite ko na! Hahahaha!" malokong sagot niya sa akin, napairap nalang naman ako sa kaniya bago ko bumaling kay Aycel.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Fiksi Remaja"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...