44

108 9 0
                                    

AYLA's POV

Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko palang makatulog habang nasa byahe kami kanina.

Nagising nalang ako na nandito na kami sa isang lugar kung saan tanaw ko ang city lights. Madilim na ang paligid ngayon dito inabot na kasi kami ng gabi. Ganoon na pala kahaba ang naitulog ko, dahil na rin siguro 'yon sa pagod ng mata ko sa sobrang pag-iyak ko kanina.


Lumabas ako kotse at agad kong nakita si Axcel na nakasandal lang sa may unahan nitong kotse, nakatanaw lang siya sa city lights hanggang sa napansin niya na ako.


"Finally you're awake now... you look so tired huh?" bungad agad sa akin ni Axcel matapos ko lumabas mula sa kotse. Lumapit ako sa kanya, sumandal lang rin ako dito sa kotse.

Hindi ako nagsalita. Tahimik ko lang pinagmasdan ang mga city lights mula rito, tahimik nalang rin naman si Axcel.

Pero nabasag rin ang katahimakan na iyon nang mapansin na ni Axcel ang pag-tulo ng luha ko, umiiyak na pala ako ng hindi ko man lang namamalayan.


"Ate... you're crying..." he told me while he's trying to wipe my tears using his thumb. He tried to wipe my tears away but it just keeps on falling so he just pulled me into a tight hug, instead.

Niyakap ako ng kapatid ko at mas lalo lang akong naiyak.

Akala ko pagod na yung mata ko sa pag-iyak kaso mali ako. Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon dahil sa sakit ng lahat na nangyari kanina. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin at wala akong ibang magawa ngayon kundi ang umiyak lang.


"W-wala na... tapos na. Ang sakit, Axcel... Bakit kasi? b-bakit?" puno nang hinanakit na sambit ko kay Axcel habang nakayap pa rin siya sa akin, naramdaman ko rin ang pag-haplos niya sa likuran ko pero hindi pa rin ako nagawang pakalmahin no'n.

I can't make myself calm down right now because I just lost my love... and my best friend. I lost my man.

Pakiramdam ko nga halos kalahati ng pagkatao ko yung nawala ngayon sa akin. Ang sakit.


"Niloko niya ako... yung babae na sabi niya... s-sabi niya 'wag kong pangambahan... tangina, hinalkan niya. He broke my trust. Mahal ko siya eh... mahal na mahal kaso wala... wala na, tapos na lahat. Ayoko na. Nakakapagod." hirap na hirap na sambit ko pa, gusto ko lang sabihin lahat ngayon ng hinanakit ko at nag papasalamat ako kay Axcel dahil hindi pa siya naririndi ngayon sa mga pinag-sasabi ko pati na rin sa mga hikbi ko.

Sobrang sakit kasi ng lahat sa akin ngayon at gusto ko lang ilabas yun kahit sa mga luha ko nalang.

Alam ko namang hindi pa mauubos ang sakit na 'to ngayong gabi pero kahit mabawasan man lang sana, yun lang ang gusto ko ngayon.


Umiiyak lang ako habang nanatiling tahimik lang naman si Axcel, wala siyang sinabi. Hindi siya nag salita o nag tanong, pinakinggan niya lang lahat ng hikbi ko habang yakap niya ako at malaking tulong na 'yon sa akin ngayon, sapat na 'yon.



"A-axcel?" maya-maya'y pag tawag ko sa kapatid ko matapos kong kumalma kahit konti.

"hmm?" tugon niya sa akin at rinig ko pa ang bahagyang pag-singhap niya kaya nag-alala agad ako, parang umiiyak rin kasi siya.

"Umiiyak ka rin ba? why? Broken ka rin ba? tell me." nag-aalalang tanong ko sa kaniya bago humiwalay sa yakap niya para tignan kung umiiyak nga siya at tama ako, umiiyak rin siya.


"B-bakit ka umiiyak? Did someone hurt you too?" pag-tatanong ko ulit sa kaniya habang sinusubukan kong punasan ang luha niya.


"Y-yes. You're hurting me, ate." sambit niya at napatigil ako sa pag-punas ng luha niya. Hindi rin ako nakapag salita agad dahil sa gulat ko sa sinabi niya.


"It hurt so much for me to see you like this, ate. I know how you love him and how you trust him... but he broke it all. And now you're here, suffering from this pain. Nakakainis!" sambit niya at parang lumambot naman agad ang puso ko dahil sa sinabi ng kapatid ko, niyakap ko nalang ulit siya.


"S-sorry... sorry. " I feel so sorry for him to see me like this. I feel sorry because he's seeing how weak I am right now. I used to look so strong in front of them but now... I'm just so weak.


"No." matigas na sagot niya naman sa akin bago inalis ang yakap ko sa kaniya. Hinawakan niya ako sa mag-kabilang balikat ko at tinignan ako sa mata.


"You don't need to feel sorry for this. You don't have to sorry for showing me how weak you are right now. It's okay, ate. Walang masama na sa akin mo pinili sabihin lahat ngnararamdaman mo ngayon, it just... it just hurt me to see you suffering with this pain... but it's okay, atleast I know now what you're going through. Tell me everything, and I'll listen to you. We're your family and we always got your back. We love you. And I know that you're stronger than this, ate. You'll get through this. Remember that, okay?" paliwanag sa akin ni Axcel at unti-unti ko naman naintindihan lahat ng sinabi niya.

He's right. I lost the man that I planned to spend my lifetime but it doesn't mean that everything will just end here. This is not the end of my life. This was just a part of it. I will get through this pain, maybe not now but soon. I have my family... and I still have myself. I am stronger than this.



Pinakalma na ulit ako ni Axcel at inalalayan niya ako pasakay sa kotse bago kami umuwi.

Mabilis na rin naman ang naging byahe namin pauwi kaso gabi na rin lang talaga kami nakauwi kaya pagdating sa bahay ay tulog na rin ang pamilya namin.

Pero mas mabuti na rin yun na hindi ko sila inabutan na gising ngayon dahil ayoko makita nila ako na ganito pa kapugto ang mata ko.


Papasok na sana ako sa kwarto ko para mag-pahinga pero pinili ko munang puntahan si Axcel para pasalamatan siya.


"Ate? Why are you here? You need to rest, go to your room na. Or else you want to sleep with me tonight? Pwede naman." sambit sa akin ni Axcel nang puntahan ko siya sa kwarto niya.

Ramdam na ramdam ko talaga yung concern mg kapatid ko para sa akin.

"No. I'll sleep in my room, I don't want to disturb your sleep with my sobs." sambit ko naman sa kaniya.

"It's okay. Don't worry about me, you can sleep here--" sagot niya pa sana sa akin pero niyakap ko na siya kaya hindi niya na naituloy ang sinasabi niya.


"Thank you, Axcel. Thank you so much." I sincerely thanked him. I thanked him for saving me from this very hard day.


"No need to thank me, ate. Its all fine with me. You can cry on my shoulders. I'll be with you whenever you need me because you're my sister, and I'm your brother... We're family. We're always here for you, we love you." sambit niya na naman sa akin at nag-simula na naman matunaw ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.

Alam ko naman na way niya 'to para i-comfort ako pero parang gusto ko nalang ulit maiyak dahil sa mga sinabi niya.

"Tsk! Your words are making me cry again! You're too good on comforting me, as always. Tama na nga. Mamaya nalang ako iiyak. Haha. Ayoko na umiyak sa harap mo, nakakahiya... Sige na, thank you ulit and goodnight!" huling sambit ko naman sa kaniya at pinilit ko pang ngumiti sa kaniya bago ako umalis sa kwarto niya.



Pumasok nalang ako sa kwarto ko at agad nahiga sa kama ko. Niyakap ko lang unan ko at agad naman tumulo ang mga luha ko. Tuloy-tuloy lang ang luha ko sa pag-tulo. Walang tapos. Walang ubos... kahit pagod na pagod na ako.

At sa ngayon isa lang ang naiisip ko para makapag-pahinga ako mula sa mga nangyaring ito.

Gusto kong mag-pahinga... pagod na pagod na ko eh. At isa lang naiisip ko ngayon, ang umalis dito. Aalis muna ulit ako. Magpapahinga muna ako.

I want to rest. I need to heal myself from this. And maybe I can do that in a better place. I want to go far away from this.
























:-)

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon