01

641 41 1
                                    

AYLA's POV



Balik eskwela na kami ngayong araw kaya maaga akong nagising para mag handang pumasok sa school.


Nagpaalam din ako sa lola ko bago umalis at nag-lakad palabas ng village namin dahil nasa labas pa ng village namin ang terminal ng mga tricycle at hindi sila pinapapasok sa loob ng village.



"Sa LIS ho, Manong." sambit ko sa driver bago ako sunakay ako tricycle papuntang Lewis International School, ang school namin.






Pagkababa ko ng tricycle ay agad akong pumasok sa loob ng school dahil hahanapin ko pa ang classroom ng section ko. Nasa pilot section na ako ngayon, 4th year section 1-Apollo.






"Room 209- Apollo" pagbasa ko sa nakasulat sa may pinto ng classroom namin bago ako pumasok sa loob para humanap ng mauupuan ko.





Nakakita naman agad ako ng dalawang bakanteng upuan malapit sa bintana kaya lumapit ako doon at umupo dito sa isang upuan na nasa mismong tabi ng bintana.






Inantok na agad ako dahil sa bagot dito, wala naman kasi akong magawa dito at wala din kumakausap sa akin dahil hindi naman ako pala-kaibigan tsaka bago palang din ako dito sa section nila. Mayroon naman akong tatlo kaibigan kaso ay nasa kabilang section sila, napahiwalay ako sa kanila ng section, e.





Buti nalang at dumating na din ang guro namin kaya nag simula na ang klase, napawi tuloy kahit papaano ang antok ko.




Nakikinig ang tainga ko sa guro ko habang ang mga mata ko ay nakatutok lang sa labas ng bintana, pinapanood lang ang paggalaw ng ulap sa kalangitan.






"Okay class, gusto niyo na ba mag 'introduce your self' tayo ngayon or bukas nalang para kompleto na tayo? Meron nga pala kasi tayong transferee kaso hindi pa daw makaka-pasok ngayon..." mamaya ay sambit ni Ma'am Gonzalbo sa harap ng klase namin.




"tss... share mo lang?" mahinang bulong ko lang naman.

Pwede naman kasi na siya nalang at yung transferee ang mag-pakilala sa harap. Nakakatamad kayang mag pakilala.

Napa-irap nalang ako dahil sa mga naiisip ko bago ako tuluyang nag-taas ng kamay para mag salita at sabihin sa kanila ang mga nasa isip ko.

Nag-taas ako ng kamay kaya napatingin si Ma'am Gonzalbo sa akin.




"Yes? Miss Villafuerte, what is it?" tanong niya sa akin.





"Ma'am huwag na ho tayo mag 'intruduce your self' na yan." diretsong sabit ko na siyang dahilan ng pagkunot ng noo niya pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita para mag paliwanag sa kaniya.





"Kasi naman Ma'am, kahit bago lang din ako sa sectiong na 'to ay kilala na din naming lahat ang isa't isa because we're just in the same school since first year, at ngayon lang may transferee sa section na 'to, 'di ba? So, I guess... pwedeng kayo nalang at yung transfeee ang mag-pakilala dahil kayo lang naman ang bago sa amin." paliwanag ko pa at sumang-ayon naman agad ang mga kaklase ko kaya wala na din nagawa si Mrs. Gonzalbo kundi ang pumayag, napangisi nalang naman ako.





Nagtuloy-tuloy lang ang klase namin hanggang hapon at nang tumunog na ang bell ay nag-tayuan na ang lahat bago nag-kaniya-kaniya ng labas sa classroom para umuwi.







Lumabas na ako ng classroom namin pero hindi pa ako uuwi. Dinaanan ko muna yung tatlong kaibigan ko sa classroom nila at magkakasabay kaming lumabas sa school.






Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon