AYLA's POV
"I'm on my way na. Sige na, bye." sagot ko kay Javen bago patayin ang tawag at ibalik ang atensyon sa pag mamaneho.
Papunta na ako ngayon sa office nila para sunduin siya. I want to treat him for his successful project. Hindi niya alam na iyan talaga ang plano ko, hindi naman kasi siya papayag na gawin ko ito kung sinabi ko sa kaniya.
Ang alam niya lang ngayon ay pupunta ako doon dahil gusto ko siya makita at may gusto akong ibigay sa kaniya. Mamaya ko nalang ipapaalam sa kaniya ang tunay na plano ko.
Pagkadating ko dito sa VCorp. ay nag park lang ako ng kotse ko bago ako pumasok sa loob ng kompanya nila.
Dumeretso na rin ako papunta sa office mismo ni Javen dahil nandoon lang naman daw siya ngayon at walang ginagawa, hinihintay niya lang talaga ako.
Hindi rin naman ito ang unang beses na makapunta ako dito kaya alam ko na rin kung alin ang office niya dito.
Nang marating ko ang office niya ay walang pasubali na akong pumasok, hindi na ako kumatok sa pinto at basta nalang ako pumasok dito.
"Hi! Let's go---- oh, sorry. May kausap ka pa pala dito." biglang sambit ko nalang sa kaniya.
Nandito ngayon sa office niya si Khloe. It's looks like that they're discussing something. Ang seryoso kasi nila tignan.
"Lalabas muna ako kung gutso niyo, baka importante ang pinaguusapan niyo... baka makaabala lang ak----" sambit ko pa sana pero pinutol naman agad iyon ni Javen.
"No, you don't need to leave. Paalis na naman si Khloe... 'di ba Khloe? Tapos na tayo mag usap." seryosong sambit ni Javen at nakita ko naman ang inis na pag-baling sa kaniya ni Khloe bago tumayo. Inirapan pa ako nito bago tuluyang lumabas.
Lumapit na naman sa akin si Javen at agad humalik sa pisngi ko bago pinulupot ang mga braso sa bewang ko.
"Bakit ang sungit no'n? Dukitin ko mata no'n eh!" sambit ko sa kaniya habang siya ay nanatili ang yakap sa bewang ko. Natawa rin siya sa sinabi ko.
"Hahahaha. Chill, babe. Hayaan mo na siya, gano'n lang talaga 'yon. " sambit niya naman sa akin.
"Ano ba kasi pinag-usapan niyo? mukhang seryoso masyado ah. May problema ba? You can tell me... if you want." sambit ko naman sa kaniya at napabuntong hininga naman muna siya bago ako inalalayan paupo sa couch niya dito sa office niya. Hinintay ko namna siya mag salita.
"uhm... b-babe, I want to tell you the truth. She's still into me... s-she told me that she likes me... until now." pag-amin niya sa akin at agad naman na pakunot ang noo ko.
Hindi ako nagsalita at naghitay lang na magsalita pa siya, nakikinig lang ako.
Ayaw ko magsalita agad dahil ramdam ko na agad ang inis ko... at baka kapag nag salita agad ako ay mailabas ko lang ang inis na iyon kay Javen. Hindi ko dapat ibuhos ang inis sa kaniya, hindi naman siya ang problema dito. Si Khloe 'yon.
"But you don't have to worry about it because I don't like her... I'd never like her because you're the one that I like. And I love you. I love you so much, babe. Remember that, okay?" malambing paliwanag niya naman sa akin kaya kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi ko pa rin talaga maiwasan ang hindi mainis kay Khloe.
"Si Khloe... tangina niya talaga. Hanggang ngayon pala... tsk!" inis na sambit ko, hindi ko na talaga napigilan na sabihin sa harap ni Javen kung gaano ako naiinis ngayon sa babae na 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/254183190-288-k996246.jpg)
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...