AYLA's POV
Mahimbing nang natutulog ang mga kasama ko ngayon, habang ako ay naalimpungatan na naman mula sa panaginip ko na palagi nalang nag
papaulit-ulit sa akin.Nawala na ang antok ko nang dahil dun kaya lumabas nalang muna ako at pumunta dito sa terrace namin para mag-pahangin saglit, baka sakaling antukin ulit ako.
Nag-suot lang ako ng hoodie jacket ko at kinuha ang cellphone ko bago tuluyang lumabas sa bahay.
Naupo muna ako dito sa maliit na wooden swing namin, at bahagya itong ini-ugoy habang nag iisip-isip ako.
"Ilang araw nalang birthday ko na pala... my last birthday here before I leave..." bulong ko sa sarili ko habang bahagyang ini-uugoy itong swing.
Ganito lang kadalasan ang ginagawa ko tuwing naalimpungatan ako at nahihirapan matulog.
Sa pagiisip ko dito, naisip ko na... since this would be my last birthday here before I leave, I decided to spend that day with my friends.
I want to make it memorable.
Hindi ko kasi alam kung kelan ulit ito pwede mangyari. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik dito... pero sisiguraduhin ko na babalikan ko sila. Someday, we will get to bond together again.
Napatigil lang ang pag mumuni-muni ko nang maramdaman kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon at nakita kong lumabas mula doon si Jaspher.
Lumapit siya sa akin at tumayo lang dito sa tabi ng swing kung saan ako naka-upo ngayon.
"Bakit ka nandito sa labas?" tanong niya sa akin.
"Kasi wala ako sa loob." pilosopong sagot ko sa kaniya kaya naman bahagya siyang natawa.
"Seryoso kasi, bakit ka nandito?" pangungulit niyang tanong sa akin.
"Wala lang... nag papahangin lang." simpleng sagot ko naman sa kaniya at tumitig lang naman siya sakin, inosenteng nilabanan ko rin naman ang titig niya. Naputol lang ang titigan namin nang muli siyang mag salita.
"May problema ka ba? Mukhang malalim ang iniisip mo, eh." sambit niya sa akin na parang nabasa niya na may gumugulo sa aking isip ngayon.
Napaiwas nalang ako ng tingin sa kaniya, tinuon ko nalang ang paningin ko sa harapan ko.
"Wala naman. Malalim? Bakit nasisid mo ba?" pag-papalusot ko pa sa kaniya para sana maka-iwas dun sa usapan, pero mukhang walang talab 'yon sa kaniya.
Tahimik lang siyang nakatitig sa akin, halatang hinihintay na mag-salita ulit ako kaya naman napabuntong hininga nalang ako at napilitan nalang na mag-salita kahit konti.
"Iniisip ko lang yung birthday ko. Kung paano ako mage-enjoy iyon..." simpleng sambit ko lang sa kaniya.
"Mae-enjoy mo 'yon. Sigurado ako. Kasama mo naman kami 'di ba?" sambit niya naman sa akin. Hindi na naman ako sumagot pa at tipid na napangiti nalang sa kaniya.
Namutawi muli ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa basagin ko iyon nang ako naman ang nag salita.
"Ikaw? Bakit ka nandito? Tulog na tulog ka rin kanina bago ako lumabas, ah." sambit ko sa kaniya at nang lingunin ko siya bahagya pa akong nagulat dahil naabutan ko siya na titig na titig pa rin sa akin hanngang ngayon.
Hindi ba siya napapagod tumitig sa akin? Problema nito? Kanina pa siya ganyan, ah.
Bahagya akong pumitik sa harap niya kaya napakurap siya, mukhang natauhan na.
"Uhm... naalimpungatan lang rin ako bigla." sa wakas nagsalita na rin siya.
"Hmm... kamusta nga pala kayo nung hinahanap mo? Sabi mo sa'kin ay nakita mo na siya 'di ba? Nag-kaharap na ba kayo?" tanong ko sa kaniya nang maalala ko yung na pag-usapan namin noong nakaraan.
Mukha pa nga siyang nabigla ngayon dahil sa doon tanong kong iyon.May nakaka-bigla ba sa tanong ko?
"Ah, Oo, nag-kaharap na kami kaso... h-hindi niya ako makilala, h-hindi niya na ako matandaan." alanganin na sagot niya sa akin.
"Ganoon ba? edi, ipaalaala mo sa kaniya. Magpakilala ka ulit." inosenteng sagot ko naman sa kaniya at nakita ko ang dahan-dahan na paglamlam ng mga mata niya bago nag-iwas ng tingin sa akin.
:-)
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...