AYLA's POV
"Good morning, babe." bati sa akin ngayon ni Javen matapos ko lumabas sa pinto ng kwarto ko.
Nandito siya ngayon para sunduin ako. Biglaan kasi na nag-aya ng gala sina Erin. Gusto lang daw ulit nila ng bonding o catch up lang sa barkada dahil noong mga nakaraan na araw ay pare-pareho kaming naging busy sa mga trabaho namin.
"Good morning." bati ko rin pabalik sa kaniya nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya.
Sinapo niya naman ang ulo ko para mailapit ang noo ko sa kaniya at mahalikan ito, napangiti naman agad ako."Tara na?" tanong niya na sa akin ngayon at nakangiti lang naman akong tumango sa kaniya bago kami magkasunod na lumabas sa bahay at lumapit sa kotse niya.
Nauna na naman siyang lumapit sa kotse para pag-buksan ako ng pinto sa shotgun seat. Matapos no'n ay pumasok na rin naman s'ya sa kotse at naupo sa driver's seat bago nag maneho paalis.
"Saan ba raw tayo ngayon? Biglaan ang gala na 'to ah." tanong ko sa kaniya habang nasa byahe kami.
"Sa LUNA, si Erin ang pasimuno nito." sagot niya kaya napalingon agad ako dahil sa nabanggit niyang napaka pamilyar na lugar sa akin, nakangisi lang rin naman siyang lumingon sa akin bago kuhanin ang kamay ko at hawakan habang nag-mamaneho siya.
"Akala ko wala na ang LUNA! nag iba na sila ng location?" pag-uusisa ko sa kaniya ngayon.
Akala ko kasi talaga dati ay nag sara na ang LUNA pero hindi naman pala!
"Yeah, lumipat sila sa mas magandang location, mas malawak na rin ang area nila ngayon." sagot niya at napatango naman ako bago mag salita muli.
"This day would be great, I'm sure! I missed playing there, I missed playing airsoft!" tuwang-tuwang sambit ko pa sa kaniya.
Ang tagal ko na kasing hindi nakakapag airsoft, simula nang ipasa na sa kin ni Dad ang pagiging CEO sa kompanya ay hindi ko na rin nagawa masyado ang mag-libang gaya nito, buti na nga lang at nagkakaroon na ako ng oras na ganito ngayon hindi kagaya noong nagsisimula pa lang ako bilang bagong CEO.
"Yeah, this will be great so ready your self. Dapat matalo mo na ako. Hahaha." natatawang sambit niya sa akin at nakangisi na naman akong bumaling ulit sa kaniya ngayon.
"Talaga! You'll be the looser in this time. Hahaha." confident na sambit ko pa sa kaniya at bahagya lang naman siyang natawa, tawa ng nagyayabang!
yabang! hmp!
"Hahaha. Let's see, babe." sambit niya pa sakin at inismiran ko lang naman siya bago ko tinutok ang paningin sa labas ng bintana hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising lang ako ng maramdaman ko ang pag pisil ni Javen sa kamay ko. Mukhang hindi n'ya talaga binitawan ang kamay ko sa buong byahe.
"Finally, you're awake now." sambit niya matapos ko mag-mulat ng mga mata ko.
"Yeah, sorry napahimbing masyado ang tulog ko hahaha." sagot ko naman.
"It's okay. Nandoon na raw sila sa loob, tara na?" sambit niya naman sa akin ngayon at tumango lang naman ako sa kaniya bago siya lumabas at sumikot sa kabila para pag buksan ako ng pinto.
Nang makalabas na ako sa kotse ay agad naman siyang humawak sa bewang ko para alalayan ako papasok sa LUNA.
Napangiti naman agad ako, hindi lang dahil sa pag-alalay sa akin Javen, kundi dahil na rin sa ganda ng mga pinag-bago dito sa LUNA.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen Fiction"Util we meet again" iyan ang mga salita na paulit-ulit na tumatatak sa akin matapos ko magmulat ng mga mata mula sa aking panaginip. Panaginip na nagpapaulit-ulit sa akin, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Panaginip na pilit akong pinag-iisip...